CHAPTER 16

8.7K 195 25
                                    

[MIYUMI POV]

"Pagod na ako!" Sabi ni Jicell at umupo sa malaking bato malapit sa ilog kung saan kami maliligo ngayon. Tumabi ako sakanya at bumuntong hininga.
"Ihhh! Ako inaantok pa" bulong ko at muling humikab
"Hindi pa ba nawala ang antok mo dahil sa sobrang nakakapagod na exercise na ginawa natin?" Tanong niya habang hinihingal parin.

"Girls water" sabi ni Bryan at inabutan kami ng tig isang bottled water
"Thanks" sabi namin at agad na din siyang umalis at namigay ng mga bottled water para sa iba pa naming mga kasama.

"Lalo lang nadagdagan ang antok ko dahil sa pagod. Kaya maliligo na ako!" Sabi ko at hinubad na ang jacket na suot ko pati jogging pants.

Natira nalang ang suot kung tshirt at hindi masyadong maikling short.

"Teka. Seryoso kaba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Mabilis akung tumango.
"Yep. Tignan mo marami ng naliligo" sabi ko at tinuro ang mga kasama namin. Then dahan dahan na din akung lumusong sa malamig na tubig nitong ilog.

"Hay ang sarap!" Sabi ko at winisikan ng tubig si Jicell
"Ano kaba! Sandali lang ah. Bababa na ako diyan!" Hiyaw niya at hinubad na din ang suot niyang sweatshirt.

"Miyumi Catch!" Hiyaw ni Hanz at hinagisan ako ng kung ano.

"WAHHH! ISDA!" Sigaw ko at aksedenteng napaupo sa ilog dahilan para mabasa ang buong katawan ko
"Opps! Miyumi okay ka lang?" Alalang tanong ni Jicell at Hanz pagkatapos nila akung ihahon sa tubig. Mabilis kong hinampas ang braso ni Hanz.
"Ano ba! Hindi yon nakakatawa ah!" Hiyaw ko at inayos ang buhok ko.
"Hahahaha! Tama lang yun. Edi nawala na talaga ang antok mo!" Sabi pa ni Jicell habang tumatawa
"Isa ka din!" Hiyaw ko at hinabol siya ng bigla siyang tumakbo palayo.

Napahinto kami sa pag hahabulan sa tubig ng parang bata ng biglang may nagsalita.

"Guys Listen. Create your own group that will consists of Six members. We're having a water volley ball game for our first Activity in this day.  Hiwalay ang girls sa boys. Understood? Hurry up! Marami pa tayong gagawing activities later." Hiyaw ni Blake na nandoon sa may batohan kasama ang dalawang student na may hawak ng net na gagamitin yata namin sa gagawing activity.
"Copy Sir!!" Sagot naman ng mga students maliban saamin na nakatingin lang.

"Jicell sali tayo" sabi ko sakaniya
"Ayoko, hindi ako marunong mag volleyball dito pa kaya sa tubig? Baka malunod ako" sabi niya at umahon na sa tubig.
"Ako sasali! Wait mag hahanap na ako ng mga kagroup ko" sabi ni Hanz at naglakad na palapit sa mga classmates niya.

"MIYUMI!!" Napatingin ako sa kumpulan ng mga babae na tumawag saakin. Nang makita ko si Gina isa sa mga classmate ko, agad ko siyang kinawayan.

"Bakit?" Tanong ko ng makalapit ako sakaniya
"Magaling ka mag volleyball diba?" Tanong niya, mabilis akung umiling
"Naku Hindi. Marunong lang ako pero hindi ako magaling" depensa ko
"Ano kaba! Ah basta magaling ka! Natalo mo nga kami noong PE natin eh! Sali ka saamin ah!" Sabi pa niya at hinila ako palapit sakanila.

"Okay sige sasali ako" nakangiti kung saad
"Good, guys si Miyumi Classmate ko, Miyumi ito si Janna student siya sa medtech department, classmate niya si Sarah and si Quinny classmate naman nina Hanz then Ma'am Francia. Kasali siya sa team natin" pakilala niya at isa isa naman akung kinawayan.
"Hello po ma'am" sabi ko dahil hindi naman kami masyadong close ni Ma'am Francia dahil hindi naman siya nagtuturo sa section namin.
"Guys yung pangalan ng team natin is TEAM BEAUTIFUL ano? Maganda ba?" Hindi umimik ang mga kasama ko dahil sa sinabi noong Janna.

"Okay naman pero mas maganda kung TEAM DYOSA!" Hiyaw naman ni Ma'am Francia. Natawa kaming lahat dahil sa potential niya.

Kahit hindi namin teacher si Ma'am Francia madami na akung naririnig na magagandang feedbacks about sakaniya.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon