CHAPTER 9

10K 226 6
                                    

[MIYUMI]

Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari yung....  Ah basta!.

Dahil doon mas lalo akung nailang sakanya. Nararamdaman ko palang ang prisensya niya na palapit saakin ay halos mabaliw na ako at hindi alam kung saan pupunta o magtatago para hindi niya ako malapitan at makausap.

May fiance na siya pero bakit niya ako hinalikan noong gabing yon?!

Arrgh!

Erase

Erase

Nakalimutan kona yon!

Tama. Nakalimutan kona ang ginawa niyang pag halik saakin----

Wahhh!

Muli kung sinabunutan ang sarili ko dahil sa mga kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Nababaliw kana Miyumi!

Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay apektado ka parin dahil sa ginawa niya sayo!

Isa ka ng LOKA LOKANG BABAE!!

"Mommy" nabalik ako sa realidad ng biglang lumapit saakin si Liam at inabot ang hawak nitong sapatos.

Inupo ko siya sa may hita ko at sinuot yon sakanya

Sunday ngayon at naugalian na namin na pumunta sa simbahan at mag simba every sunday.

Noong buhay pa si papa kasama namin siya ni mama na nag sisimba pero ngayong wala na siya kami nalang nina Mama at Liam pero madalas ding hindi na sumasama si Mama saakin sa pag sisimba kesyo busy daw siya sa shop niya.

Tulad nalang ngayon. Kami nanaman dalawa ni Liam ang mag sisimba ngayong araw dahil maagang umalis si Mama.

Inispreyan ko ng pabango si Liam at sabay na kaming lumabas ng kwarto.

"Liam wag tatakbo" sabi ko ng bigla niyang bitawan ang kamay ko at nauna ng bumaba sa hagdan.

Nakasimpleng kulay peach na dress lang ako na above the knee. Wala na kasi akung mga pantalon at Jeans dahil basa pa ang mga ito at yun kase ang mga sinusuot ko kapag may pasok sa university.

Inayos ko ang paghawak sa sling bag na dala ko at sinundan na pababa si Liam.

Nasan kaya si Tita Angelica? Hindi kopa siya nakikita simula ng mag-almusal ako kanina sa kusina.

"Liam hintayin mo si mommy! Sige ka iiwan kita dito" sabi ko sakanya at hinawakan ang braso niya ng mahuli ko siya.

At sabay na kaming lumabas ng bahay.

Nagulat ako ng makitang nasa labas sina Tita Angelica kasama si Blake. Mukhang aalis sila ngayon. Dahil nakabukas ang malaking gate at mukhang palabas ang isa nilang kotse.

Mamaya nalang siguro kami aalis ni Liam.

Kapag naka alis na sila.

Tatalikod na sana ako pero huli na ng bigla akung tawagin ni Tita angelica.

"Miyumi"

Lumapit siya saamin habang nakangiti.

"Hi, baby. Where are you going?" Tanong niya kay Liam at binuhat ito.
"Hmm, babye" sagot ni Liam

"Ah mag sisimba po sana kami--" sagot ko
"Talaga? Mag sisimba din kami. Gusto niyo bang sumabay?" Tanong niya. Mabilis akung umiling
"N-naku tita. Wag na po. N-nakakahiya po" agad kung sagot at kinuha si Liam sakanya.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon