CHAPTER 22

8K 177 5
                                    


[MIYUMI POV]


Ilang araw na ang lumipas at todo ang ginagawa kung pag iwas sa mga kaibigan ko. Ayokong malaman agad nila ang tungkol saamin ni Blake. Baka kung ano pang mangyari at ano pa ang masamang isipin nila.

Sasabihin ko naman sakanila ang totoo, basta pagka graduate na namin. Isang buwan nalang at graduation day na namin at ayokong may mangyaring hindi ka nais nais dahil lang sa amin ni Blake.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa entrance ng university, sinalubong agad ako ng masasamang tingin ng mga students na nakakasalubong ko. Bakit ba ang sama ng tingin nila saakin? Ano bang mga problema nila?

Napatingin ako sa hawak kung cellphone ng bigla itong tumunog.

Agad kung binuksan ang text message saakin ni Jicell habang nag lalakad ako.

'Miyumi wag kang papasok ngayong araw!' Basa ko sa message niya saakin. Bakit naman? Mag rereply na sana ako ng mapansin kung maraming nag kukumpulan na mga estudyante sa harap ng malaking bulletin board.

"Teka si Miyumi ba yan?!"
"Oo nga! Bakit sila magkasama?!"
"Akala mo kung sinong mabait, malandi din pala!"
"Crush ko si Sir Blake pero ni minsan hindi pumasok sa isip ko na gawin ang bagay na yan"

Triple ang kaba ko habang mabilis na naglalakad palapit sakanila.

"M-Miyumi!" Narinig ko ang pagtawag saakin ni Jicell na galing doon sa mga nagkukumpulang mga estudyate dahilan para lahat sila ay mapatingin saakin.
"A-anung problema?" Wala sa sariling tanong ko, mabilis niya akung nilapitan.
"Miyumi tara na" sabi ni Jicell at hihilain na sana ako paalis ng magpumiglas ako.

"Hoy, Jicell saan mo dadalhin yang kaibigan mo? As if namang hindi niya alam to!" Hiyaw ni Eunice at may pinakita saaking isang litrato.

Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko ng makitang litrato namin yon ni Blake ng magkasama.
"Miyumi tara na!" Hiyaw ni Jicell habang walang tigil sa pag hila saakin pero hindi ko siya pinansin at pinilit na makawala sa pagkahawak niya sa may braso ko.

"Padaanin niyo ako!" Hiyaw ko at agad namang tumabi ang mga estudyante na nakaharang sa dadaanan ko palapit sa bulletin board.

Para akung tinakasan ng sarili kung lakas ng makita ang napakadaming pictures namin ni Blake na magkasama na nakadikit sa bulletin board . Napuno ng bulungan ang mga estudyante na nakapalibot saakin habang nakatingin ako sa mga litratong nakadikit doon. Kuha yon noong first at last day namin sa baguio, saan naman galing ang lahat ng to?

May iba pang kuha na kasama si Liam.

Shiit. Hindi ko kaya to'

"Sige nga Miyumi, ipaliwanag mo ang lahat ng yan at ngayon mo sabihin na hindi ka talaga malandi" hindi ko pinansin ang sinabi ni Cathy at isa isang tinanggal ang lahat ng pictures namin ni Blake na mahawakan ko doon sa may bulletin board. Mabilis kung pinahid ang luha na tumulo sa pisngi ko. Eto na nga ba ang kinakatakutan ko.

Ano na niyang sunod na mangyayari?

"Miyumi bakit mo yan nagawa? Diba may girlfriend na si Sir?"
"Ts, siguradong galit na galit na niyan sayo si Ma'am Elise"
"At kahit saang university or schools mahigpit na ipinagbabawal ang students and teacher relationship"
"Alam mo bang pwede kang ma-expel dahil diyan?"

Walang salita na lumabas sa bibig ko kundi mahihinang mga paghikbi.

Sana panaginip lang to' please.

Napatingin ako sa may likuran ko ng biglang may kamay na humawak sa braso ko. Biglang tumahimik ang mga estudyante na nakapalibot saamin ngayon at nakamasid lang sa mga susunod na mangyayari.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon