CHAPTER 23

8.5K 190 6
                                    

[MIYUMI POV]

Kahit nahihiyang pumasok ngayong araw dahil sa mga nangyari kahapon, pinilit ko parin na pumasok dahil sobrang dami ko ng namimissed na mga lesson. Nahuhuli na nga ako sa mga lessons tapos mag papaapekto pa ako sa mga problema ko?

Paano ako makakagraduate kung ganon?

Dahan dahan kung sinara ang malaking gate na nilabasan ko at mag sisimula na sanang maglakad paalis ng mahuli ako ni Blake.

Nakasimple lang siyang white polo at papasok na sana sa loob kotse ng hindi niya na tinuloy at muling sinarado ang pinto nito.

Kakausapin niya na kaya ako? Simula kase ng nag walk out siya kahapon sa Dean's office ay hindi na kami ulit nagkaroon ng pagkakataon na mag usap. Hindi ko alam baka galit lang siya saakin kaya niya ako iniisawan.

"Sumabay kana" walang emotion na sabi niya.
"W-Wag na. Kaya ko namang mag isa--" hindi kona natuloy ng bigla niya akung sigawan.

"BAKIT BA LAGI MO NALANG AKONG HINDI SINUSUNOD?!" Napapikit ako dahil sa bigla niyang pag sigaw.

"Eh bakit kaba naninigaw diyan?!" Hindi siya sumagot at hinila na ako papasok sa loob ng passenger seat.

So wala akung magagawa kundi ang sumabay nalang sakaniya ngayong araw. Pero ngayong araw lang dahil sisiguraduhin ko na sa susunod ay hindi kona siya makakasalubong sa pag alis. Kung pweding maaga ako aalis para hindi kami magkita ay gagawin ko.

Bakit kase hindi pa bumili ng bagong bahay si Mama! May sapat na pera naman siya na kinikita sa shop niya at siguradong pwede na yon makabili ng bahay pero pinili niya paring maki tira dito sa bahay nila Blake.

Muli akung tumingin sa gawi ni Blake at hindi parin nabubura ang maitim na aura na pumapalibot sakaniya. Psh! Hindi sana mamana ni Liam ang bad temper niya.

"B-Blake" tawag ko sakaniya pero hindi naman siya sumagot ni sumulyap manlang saakin. Hindi na din nawala ang galit na expression sa mukha niya dahil sa kanina. Nakakatakot naman siyang kausapin sa itsura niya dahil parang konting pagkakamali ko lang ay mananakit siya.

Pero hindi naman siya talagang nananakit eh, ang pinakamasakit niya lang na nagawa saakin at pag hawak ng mahigpit sa braso ko. Psh. Tapos kapag alam niya na hindi niya na talaga makontrol ang galit niya bigla nalang siyang nag w-walk out at ilang araw nanaman ang bibilangin bago niya ako muling kausapin.

"G-Galit kaba saakin dahil sa mga nangyari kahapon?" Kinakabahan kung tanong dahil baka bigla niya nanaman akung sigawan.
"Ano sa tingin mo?" Galit niya paring sagot habang hindi parin ako tinatapunan ng tingin at seryoso lang na nakatingin sa daan.
"I'm sorry Blake. Ayoko lang talaga na maalis ka sa pagiging professor ayokong bigla nalang mawala ang lahat ng mga pinagpaguran mo ng dahil lang saakin, pwedi naman nating i-set aside muna to--" hindi kona natuloy ng bigla na siyang magsalita.

"Sino ka para sabihan ako ang dapat kung gawin? Gagawin ko kung anung gusto ko at walang sino man ang makakapigil saakin, kahit na ikaw pa" sabi niya dahilan para hindi ako makasagot. Tama siya. Buhay niya yan at wala akung karapatan na sabihan siya kung anung dapat gawin dahil may sarili siyang isip para gawin kung ano ang sa tingin niyang tama.

Hindi na talaga ako nag abala pang mag salita ulit at tinuon nalang ang sarili ko sa pag tingin sa labas ng bintana.

Ano na ba ang dapat kung gawin?

Umayos ako ng upo ng mapansing malapit na kami sa University.
"Blake dito nalang ako" sabi ko sakaniya, pero hindi niya man ako pinansin at nanatili lang ang atensyon sa pag d-drive
"Blake! Ibaba mona ako dito! Baka may mga estudyante pa na makakita saatin na mag kasama tayo tapos ano? Panibagong problema nanaman? Hindi pa nga tapos yung kahapon dadagdagan mo nanaman?" Inis kung saad, kung pwede lang na mag wala ako dito sa loob ng kotse niya para lang ibaba ako ay gagawin ko, pero hindi eh! Mukhang wala talaga siyang balak ibaba ako kahit na anong gawin ko dito sa loob.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon