LAST CHAPTER (EPILOGUE)

14.8K 364 62
                                    

[MIYUMI POV]


"You may now kiss the bride"

Napatingin ako kay Blake na kanina pa pala nakatingin saakin. Lumipat ang tingin ko sa kamay niya na nasa harapan ko. Mabilis ko yung tinanggap at sabay kaming tumayo sa harap ng altar.

Dahan dahan akung napatingin sa lahat ng mga tao na nandito sa loob ng simbahan. Napakadaming guest. Napakadaming bisita na inimbita ni Mama at Tita Angelica. 1/4 lang yata ang kilala ko sakanila, the rest ay wala na akung idea kung sino sila. Either kamag anak nila Blake or mga kaibigan nila.

"Look at me" mabilis akung napatingin kay Blake ng marinig ko ang boses niya. Taka ko siyang tinignan dahil walang emosyon ang mukha niya. Anung problema nito?

Tinaas niya na ang suot kong veil, dahilan para mapayuko ako. Hindi ba pweding mamaya nalang ang kiss? Ang awkward naman kase kung hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao. At sa pagkakaalam ko may ilang mga professors at students sa university ang nandito. Shit! Nakakahiya .

Sinabi ko naman kase kay Mama at Tita na wag nalang nilang imbitahan ang ilang mga professors at students sa university maliban sa mga kaibigan ko pero binigyan parin nila ng invitation letter. ts

"I said look at me, what's your problem wife?" Kumabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Tinawag niya ba akung wife?

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at unti unti yong inangat dahilan para mabalik ang tingin ko sakaniya.

Unti unti akung napapikit ng dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya saakin.

Pagkatapos non ay naramdaman kona ang malambot niyang mga labi saakin. Kasabay non ang sabay sabay na palakpakan ng mga tao na nakasaksi sa amin.

Oh My God, totoo ba to? Kasal na kami? For real?! Hindi ba to' isang panaginip?!

Hindi ako makapaniwala. Kung panaginip lang to' isa itong napakagandang panaginip na ayaw ko ng iwanan at ayaw ko ng magising.

Hindi ko alam kung anung iisipin ko sa mga oras na to' napakadaming mga bagay na pumasok sa isip ko pero isa lang ang totoo. Si Blake at ako ay kasal na.


May kung anung kiliti sa puso ko dahil sa iniisip ko.

Hay Blake.


Pagkatapos niya akung halikan ay hinila niya ang bewang ko na kanina niya pa hawak palapit sakaniya at nakangiting tumingin sa mga guest.

Akward akung napatingin sakanila at hindi ko alam kung saan i fofocus ang mata ko.

"Humanda ka saakin mamaya" bulong niya. Bakit parang kinabahan ako sa sinabi niya?

Wala na akung mahihiling sa mga oras na to' natupad na ang mga pangarap ko na makagraduate at makasal sa taong mahal ko, ang gusto ko nalang niyang mangyari ay bumuo ng masaya at maayos na pamilya.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok, pagkatapos ng lahat ng mga problema, pagkatapos ng lahat ng mga pasakit na sumubok sa katatagan ng pagmamahalan namin nandito parin kami at nagpapakatatag, at wala ng iba pang iniisip dahil natapos na namin ang lahat. Napagtagumpayan na namin ang mga problema kaya eto kami ngayon para harapin ang panibagong yugto ng aming pag mamahalan. Para saakin ay hindi ito isang katapusan, dahil umpisa palang to sa pagbuo ng tunay naming mga pangarap na hindi lang para saaming dalawa kundi para kay Liam at sa mga taong magiging parte pa ng pamilya namin.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon