CHAPTER 12

9.4K 220 13
                                    

[MIYUMI POV]

"Manong dito nalang po" sabi ko doon sa driver ng taxi na sinakyan ko at inabot na sakanya ang bayad ko.

Pag baba ko sa backseat ay pasimple kung tinignan ang oras sa suot kong relo.

6:45pm na pala. Hindi ko kase namalayan ang oras kaninang pumunta ako sa library at doon nakatulog dahil sa kakaisip sa mga sinabi saakin ni ma'am Elise. Tapos nag patawag pa ng meeting ang bawat councils sa loob ng university dahil sa darating na camp week namin at required daw ang lahat ng college students na umattend sa event na yon dahil isa daw ito sa requirements namin para makapag graduate. Tsk! Nasaan ang hustisya doon?

Inayos ko ang pagkasukbit ng sling bag ko sa may balikat ko at tuluyan ng pumasok sa gate.

"Miyumi" napahinto ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

Pag tingin ko si Blake pala, teka. Kanina pa ba siya nandito?


"Puwede ba tayong mag usap?" Inunahan niya na akung mag salita.


Sasagot na sana ako ng bigla niya na akung tinalikuran at naglakad papunta sa likod ng mansion kung saan nandoon ang napaka gandang hardin nila.


Wala akung nagawa kaya sumunod nalang ako sakaniya.


"Tungkol saan ang pag uusapan natin--"
"Anung sinabi sayo ni Elise?" Nagulat ako dahil sa tanong niya, bakit gusto niyang malaman? Matutulungan niya ba ako sa problema ko kung malalaman niya?

"S-siya ang tanungin mo. Wag ako" sagot ko at tinalikuran na siya. Hindi pa naman ako nakakaalis ng magsalita nanaman siya
"Wag mung pansinin ang mga sinabi niya tungkol saatin. Dahil wala namang katotohanan ang mga yon." Muli ko siyang tinignan.
"At paano mo naman nasabing walang katotohanan ang mga sinabi niya?" Tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko na hindi siya sigawan

"May relasyon ba tayo? Diba wala naman? Kaya walang katotohanan ang mga binibintang niya saatin. Wag kang matakot sakaniya. Ganon lang talaga ang babaeng yon." aniya bago ako lampasan.





Oo at wala nga kaming relasyong dalawa pero kumusta naman ang mga maling tingin saamin ng mga tao na nakakakita at nakakapansin saamin?

Pero tama siya. Wala kaming relasyon at wala akung dapat ipagbahala doon.



~/~

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang si Liam naman ay busy sa pag ubos ng gatas na tinimpla ko para sakaniya.

"Mommy" sabi ni Liam at pinakita saakin ang baso niya na wala ng laman.
"Wow. Very good baby--" sabi ko at kukunin na sana sakaniya ang baso niya ng biglang tumunog ang video call tone ko.

Agad kung kinuha ang cellphone ko na nakapatong din sa kama at sinagot na ang tawag ng makitang group vc yon.

Sino pa ba? Edi ang mga makukulit kung kaibigan.

"Hey Miyumi!" Energetic na saad ni Jicell.
"Oh? Gabi na ahh" sabi ko sakanila. Mukhang nasa trabaho parin si Jicell pero...
"Totoo ba yan? Magkasama kayo ni William?!" Gulat kung tanong sakanila.
"Hindi mo ba alam miyumi? Nag dadate na ang dalawang yan!" Sabi naman ni Hanz at sabay kaming natawa.
"Talaga? Jicell ahh" biro ko nahihiya siyang tumingin sa camera, inagaw naman ni William ang phone sakaniya
"Guys ganito kase yon----" sagot ni William pero inagaw din ni Jicell sakaniya ang phone nito
" Ano ka bang palaka ka? Hanz Miyumi hindi kami nandito para mag date, nandito si William para guluhin ako sa part time ko!" Paliwanag ni Jicell at muli kaming natawa ni Hanz, eto talagang babaeng to! Napaka in denial.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon