CHAPTER 6

10.5K 219 3
                                    


[MIYUMI POV]


Para akung zombie habang naglalakad papasok ng banyo.

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi at ngayon naman kailangan kung pumasok ng maaga dahil ayokong makasabay sa pag punta sa I.U si Blake.

Kasalanan to ni Blake eh! Kung hindi niya ako kinausap kagabi hindi sana ako magkakaganito at mapayapa akung makakatulog. Tsk! Nakakainis talaga!

Kaya eto ako ngayon 5:00 palang ay kailangan ko ng magising at maligo para makapasok ako ng mas maaga kahit mamaya pang alas otso ang pasok ko sa first subject.

At para makapag almusal din ako dahil hindi nanaman ako nakapag hapunan kagabi.

Pagkatapos kung naligo ay agad na akung nagbihis. Mabuti nalang at walang uniform policy ang university na pinapasukan ko at makakapag suot ako ng kung anung damit na available lang dito dahil nga diba nasunugan kami at wala naman akung nasalba ni isa.

Mabuti nalang at may iilan ng mga damit dito na mukhang binili ni mama kahapon.

Pagkatapos kung mag ayos, hinalikan kona sa pisngi si Liam at dahan dahan na akung lumabas ng kwarto.

Kumatok muna ako sa kwarto ni Mama para magpaalam na.

"Ma, papasok na po ako, kayo na bahala kay Liam" sabi ko sakanya habang tinatapik ang balikat niya para magising.
"Hmmm. Bakit ang aga mo yatang papasok ngayon? Nagbago na ba ang schedule mo?" Tanong niya
"Hindi ma, may gagawin pa kase ako sa University kase hindi ako nakapasok kahapon diba?" Pagdadahilan ko.
"Sige, mag ingat ka. Mag almusal kana muna sa baba. Alam kung hindi ka kumain kagabi" sabi niya. Tumango ako at agad na din akung lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay tinignan ko yung laman ng sling bag ko kung nadala ko ba ang cellphone ko.

Teka nasaan naba yon?

Alam ko nalagay ko yun dito kanina bago ako lumabas ng kwarto eh..

Aha eto--

"AYYYY!"
"Shit!"

Halos lumuwa ang dalawang mata ko sa lalaking kaharap ko ngayon.

Si Blake na...

naka

Topless!

"Oh my...!  Mainit ba yang iniinom mo?" Alala kung tanong dahil nabuhos sa katawan niya ang lahat ng laman ng hawak niyang tasa.

Dahil sa sobrang taranta ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Mabilis kung kinuha ang panyo ko sa loob ng bulsa ng jeans ko at pinunas yon sa katawan niya.

"B-bakit kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Seryoso pero kalmado niyang tanong
"Eh-h k-kase naman ikaw!" Sabi ko at wala paring tigil sa pag punas sa katawan niya.

Oh my goodness!

Yung abs mga bess!!

"Bakit ako?" Tanong niya at hinablot ang hawak kung panyo na pinupunas sa katawan niya.

Panira ng momment to! Nag eenjoy pa ako eh!

"Hindi ka rin naman tumitingin sa nilalakaran mo!" Pagtataray ko. Habang hindi parin makatingin ng deretso sa mga mata niya
"Ako pa ngayon ang may kasalanan, tignan mo yung ginawa mo?" Seryoso niya paring saad sabay turo sa katawan niya na nabasa. Namumula na ito ngayon.

Sa bagay. Ikaw ba naman ang mabuhusan ng mainit na iniinom mo kung hindi yon mamumula diba?

At baka malapnos pa yon!

Shit Miyumi! What have you done!

"Oo may kasalanan ka dahil kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo, edi sana naiwasan mo ako at hindi yan nagyari. So, Its your fault not mine" sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko sa may dibdib ko.

Nanlilisik ang dalawang mata niya na nakatingin saakin na parang konting pagkakamali ko lang ay mananapak na siya.

"Akina nga yan! Aalis na ako, bye" sabi ko at hinablot na sakanya ang panyo ko at patakbong lumabas ng bahay.

Bahala na nga! Sa cafeteria nalang ako mag b-breakfast mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag book na ako ng grab car. Gusto ko sanang mag lakad nalang at sumakay ng jeep para makatipid ako pero nawalan na ako ng gana. Nagugutom na din kase ako.

Habang nag hihintay ay napatingin ako sa hawak kung panyo.

Wala sa sariling inamoy ko ito at...

Ugh! Chocolate?!

He is hot and yummy like his favorite drink.

*iling iling*

Ano bang mga pinag iisip mo Miyumi! Gutom lang yan okay? Gutom ka lang.

So, hot chocolate pala ang laman ng tasa na nabuhos sa katawan niya kanina?!

Ano ba yan Miyumi! Ang tanga tanga mo talaga!!

Tama ba ang ginawa kong paninisi sakanya kanina? Dahil kahit na alam kung ako ang may kasalanan siya parin ang sinisi ko.

Siya na nga ang nasaktan tapos siya pa ang sinisi ko. Tapos hindi man lang ako nag SORRY!!

Huhuhu! Kailangan kung humingi ng tawad.

Oo tama! Kailangan kung mag sorry sakanya!

Nakikitira lang nga ako dito tapos ako pa ang may ganang mag taray sakanya?

Walang hiya ka talaga Miyumi! Professor mo pa man din siya! Baka ibagsak ka niya sa subject niya tapos hindi ka na g-graduate kahit kailan.

Wahhhhhh!

Ayoko na! Kailangan ko talagang humingi ng tawad sakanya!

Papasok na sana ako pero sakto naman ang dating ng grab car na binook ko kaya sumakay na ako doon. Mamaya nalang siguro ako mag sosorry sakanya, kapag naka-ipon na ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha!


TO BE CONTINUE💕

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon