CHAPTER 15

9.7K 236 9
                                    

[MIYUMI POV]

"Ano kaba naman Jicell! Bilisan mo diyan baka maiwan na tayo ng Bus" hiyaw ko kay Jicell ng makita ko siya na kabababa lang ng taxi na sinakyan niya. Inayos niya ang pagka lagay ng backpack sa may likuran niya at patakbong lumapit saakin.

"Im sorry Miyumi, napuyat kase ako kagabe. Nakakainis kase yang si William eh!" Halatang inis niyang saad at hinila na ako.

"Saan ang bus natin dito?" Tanong niya habang nakatingin sa mga nakahelerang mga private bus na magsisilbing service namin papunta sa camping site.

Ngayon na kase ang camp week namin at mabuti nalang ay nakaabot pa kami sa oras dahil 3:50 na! 10mins nalang at aalis na ang bus akala ko nga ay ako na ang late dahil 3:30am na ako nakadating pero mas late pala si Jicell.

"Ayon, yung kulay white. Tapos yung kulay blue naman yung kari Hanz--" hindi pa naman ako tapos mag salita ng may tumawag na saamin.

"Hey, Ladies! Kanina pa ba kayo?" Tanong ni Hanz na mukhang kadadating lang din kasama si William.
"OO, KAYA SASAKAY NA KAMI DAHIL BAKA MAIWAN NA KAMI NG SERVICE NAMIN" pagtataray ni Jicell at nauna ng mag lakad papunta sa bus, agad ko naman siyang sinundan.

"Bye. Kita nalang tayo mamaya" sabi ko at tuluyan ng sumunod kay Jicell, saktong papasok na sana kami sa loob ng Bus ng biglang humarang si Eunice at Cathy sa dadaanan namin.
"Excuse me nga" sabi sakaniya ni Jicell pero hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya.
"Wala ng vacant. Sa iba nalang kayo sumakay" sabi niya, tinaasan ko siya ng kilay
"Ah ganon? Sa pagkakaalam ko, good for 60 passengers ang loob ng Bus na yan. 40 lang tayo sa class bakit nagkulang?" Tanong ko sakaniya.
"Ah, basta. Sa iba nalang kayo sumakay chupi" sabi pa nila na lalong ikinainis namin.

"May problema ba?" Tanong ni William na sumunod pala saamin.
"Ayaw kaming papasukin! Puno na daw" inis na sumbong ni Jicell

"Edi doon nalang kayo sa Bus namin sumakay" sabi naman ni Hanz. Nagkatinginan kami ni Jicell
"Tama, doon nalang tayo. Marami pang mga gwapo doon sa mga classmate nila diba Miyumi" mabilis akung tumango
"A-ANO? NAGBIBIRO LANG AKO. P-PASOK NA KAYO" impit akung napatawa dahil sa naging reaksiyon ni Eunice
"Oo, nga. Bilisan niyo na kasing pumasok!" Sabi pa ni Cathy.

Hindi nalang kami nagsalita at sumama na kila Hanz papunta sa Bus nila.

"Ikaw ah! Ako lang ang gwapo sa section namin!" Sabi ni William
"Che. Bilisan niyo nga! Matutulog pa ako" bugnot ni Jicell at nauna ng pumasok sa loob ng bus. Ts. Wala talagang hiya ang babaeng ko.

30 lang sa isang room sina Hanz at halos mga kaklase niya ay puro lalake at konti lang ang mga babae, kaya maraming makikita dito na gwapomga matatalino at mayayaman siguro dahil na din related sa business ang course nila.

"Hi Miyumi, saamin kayo sasabay?" Tanong ni Raffa, isa sa mga classmate niya. Kilala niya ako dahil nakasama ko siya noon sa Journalism.
"Oo eh," simple kung sagot at nginitian siya.

Magkatabing umupo sa bakanteng upuan sina William at Jicell then sa may kaliwang banda naman kami umupo ni Hanz.

"WAIT WAIT... ANO KABA MIYUMI, JICELL? DOON NA TAYO SA SERVICE NATIN!" Hiyaw ni Eunice na sumunod pala saamin.
"Nagbibiro lang kami kanina" sabi din ni Cathy
"Wala kami sa Mood para makipag biruan sainyo" sagot ko at inirapan silang dalawa
"Sige, isusumbong ko kayo sa class President natin" pananakot ni Eunice
"Edi magsumbong kayo, sino tinakot niyo?" Tanong sakanila ni Jicell.
"Oo nga! Umalis na nga kayo malapit ng mag 4o'clock" sabi naman ni Hanz

"Hindi, Hindi kami aalis! Kung dito kayo. Dito nalang din kami sasakay. Diba Cathy?" Sabi pa ni Eunice at sabay na silang umupo sa vacant seat sa harapan namin. Napairap nalang ako at hindi na sila pinansin.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon