CHAPTER 28

8.6K 184 12
                                    


[MIYUMI POV]

"Hay! Natapos din! Parang naubos lahat ng brain cells ko my ghad!" Bulong ni Jicell habang palabas kami sa room namin.

Katatapos lang namin mag take ng final exam kanina, pero hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sa magiging result ng exam ko.

Pero masaya ako dahil konting konti nalang gagraduate na kami at makakamit kona ang tagumpay sa ilang taon kung pag aaral, hindi ako makapaniwala na one and any half  week nalang ay graduation na namin then sa susunod bukas ay start na ng practice namin para sa graduation day. Oh diba? Ang bilis ng araw hindi ko namalayan na a month from now ay certified fresh graduate student na ako.

Hindi lang yon, dahil siguradong proud saakin si Mama lalung lalo na si Papa, sayang, kung nandito lang sana siya at nakikita kung gaano ako kasaya, siguradong mas sobra pa ang saya na nararamdaman niya para saakin.

"Saan tayo?" Biglang tanong ni Jicell na ipinagtaka ko.
"Hmm uuwi na ako, ikaw?" Sabi ko habang inaayos ang pagkalugay ng buhok ko.
"Mag lunch muna tayo sa labas, hindi kaba nagugutom? Hay nako Miyumi, naubos lahat ng energy natin kanina sa exam kaya tara na, kain muna tayo" sabi ni Jicell sabay hawak sa braso ko.

Hindi pa naman ako nakakasagot ng biglang may braso na umakbay sa balikat ni Jicell, dahilan para mapatigil kami sa paglalakad.

"Kakain kayo? Sama kami" sabi ni William napatingin ako sa kasama niya at halos mapatalon ako sa tuwa ng makita si Hanz.

"Sasama ka Hanz?" Nakangiting tanong ko, natatawa siyang tumango.
"Kung ayos lang--" hindi kona siya pinatapos.
"Ayos lang yon, tara na?!" Mabilis kung sagot.

"Ikaw Miyumi ah! Siguro crush mo si Hanz, kunwari kapa eh!" Sabi ni William, mabilis siyang pinalo ni Jicell sa braso niya.
"Hindi ba pweding na miss ko lang siya? Ang tagal na kaya niyang hindi sumasama saatin. So kumusta ang exam? Siguradong sisiw lang yon sayo" sabi ko kay Hanz at nagsimula na ulit kaming maglakad paalis.
"Actually nahirapan talaga ako pero--" hindi niya na natapos ng bigla nanamang sumabat si William.
"Nahirapan... Kung alam mo lang Miyumi na siya ang unang natapos kaninang mag exam sa buong klase" naiiling na sabi ni William
"Wow, talaga Hanz? Baka Summa cum laude kana niyan ng buong university ah" sabi ko pa. Ngumiti lang siya,
"Let's see" simple niyang sagot.

Nang tuluyan na kaming nakalabas ng university ay parehas nalang kami na nag backride sa mga motor nila William at Hanz dahil yun lang ang dala nila. Syempre si Jicell ay doon sa motor ni William at ako naman sa motor ni Hanz na nag aya saakin na sakaniya nalang daw sumabay.

"At dahil sumabay saatin si Hanz, siya ang manlilibre ng lunch natin!" Hiyaw ni William sabay turo kay Hanz habang papasok kami sa isang restaurant.
"Psh, yon na nga eh. Ngayon nalang ako nakasama ulit sainyo tapos pagagastusin niyo pa ako? Dapat nga kayo manlibre saakin" sabi pa niya.

"Alam mo tol ang dami mong satsat tara na nga mag order na tayo and girls kayo ng mag hanap ng table para saating apat okay?" sabi ni William at inakbayan si Hanz habang papunta sila sa counter.

"Dito nalang tayo?" Tanong ni Jicell, tumango ako at humila na ng upuan. Ganon din ang ginawa niya at umupo sa harapan ko.
"Ano kayang mayroon at sumama ulit saatin si Hanz?" Biglang tanong ni Jicell, nagkibit balikat lang ako.
"Ewan, baka gusto niya na ulit ituloy ang pagkakaibigan nating apat" sagot ko.
"Sabagay, Hmm Ano na kayang mangyayari saatin after graduation? Magkikita pa kaya tayo? Pati si Hanz? Siguradong magiging busy na siya sa bussines ng pamilya niya at ikaw naman sa career mo" saad ni Jicell.
"Pwede pa naman tayong magkita basta mag set lang tayo ng date, yung araw na hindi tayo busy sa mga career natin pero malabong makasama din natin si Hanz non kase diba, lahat ng business man ay busy talaga sa trabaho nila kaya baka hindi siya makasama. Pati si William, pero boyfriend mo naman siya kaya siguradong magkakaroon siya ng time sayo" paliwanag ko.

My Professor is My Ex Fiance (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon