Prologo

208 5 3
                                    

Ericka's POV

Umagang umaga ay tahimik na.

Umupo na ako agad sa upuan ko. Napa hinga ako ng malalim. Naalala ko ang mukha ng babaeng nasa likuran ko. Kahit tahimik siya ay may madilim na aurang naka palibot dito.

Wala ng bakanteng upuan pwera sa tabi ko. Magiging kaklase ko ang matalik kong kaibigan na si Shawn.

Napapikit ako.

Ako si Ericka Mae Rosales. Isa sa estudyanteng naka ligtas mula sa demonyong sumakop sa eskwelahan namin. Nag aaral ako ngayon sa Pillar Academy.

Napadilat ako ng may kumatok. Sino naman kaya to? Pumasok siya at walang sabing umupo sa tabi ng babaeng nasa likuran. Kumunot ang noo ko. Napasinghap ang mga kaklase ko, maging ako ay nagulat din.

Ano bang ginagawa niya? gusto niya bang mapa hamak?

Lumingon ako sa likuran at napa tingin sakanya nang nag tataka. Ang babae ay tahimik lang pero wala kang mababakas na emosyon sakanya. Malamig lang siyang naka tingin sa harap. Napa tingin naman ako sa lalaki. Nagulat ako ng pag ka tingin ko ay nakatingin pala siya sa akin! Napa iwas ako ng tingin.

Napa lunok ako. Sino kaya siya? Bago ba siya dito? Kaano ano niya ang babaeng yun?

Nagulat ako ng kumalabog ang pinto at niluwa nun si Shawn. Humahangos siya at hindi mapakali.

Tumingin siya sa akin at lumapit. Bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Sumama ka sa akin! M-may sasabihin ako!" Ani niya. Hindi talaga siya mapakali. Ano ba yun?

Wala sa sariling napa tango ako.

Agad niya akong hinila kaya wala na akong nagawa, dinala niya ako sa library, huh? Anong gagawin namin dito?

"E-ericka, yung lalaki sa likuran? Yung katabi nung babae? Nakita ko siya..." huminga muna siya ng malalim.

"Pwede ba? huminahon ka muna!" mahinahon kong sinabi. Hindi niya ako pinakinggan.

"Nakita ng dalawang mata ko Ericka! Pinatay niya yung lalaki sa cr!" Pasigaw na bulong niya. Ayaw niya yata na may maka rinig sa amin.

"Huh? P-pa paanong? Bago lang siya dito ah? Are you sure siya yun?" Naguguluhan kong sabi. Hindi pa rin naniniwala.

"Oo Ericka! Kitang kita ko! Hawak niya yung kutsilyo tapos bigla niyang tinapon dun sa basurahan!" Ani niya at may takot sa mga mata niya.

Nakita ko ang sinseridad sa sinabi niya. Papaanong naka patay siya eh illegal yun sa aming school?
Kinabahan ako.

"Kung totoo nga ang sinasabi mo, anong gagawin natin?"

"Imbestigahan natin."

Pillar AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora