Kabanata 15

19 5 0
                                    

Who are you?

Ericka's POV

Minulat ko ang mga mata ko nang maka rinig ng kalabog, tumingin ako sa orasan. 1 na pala ng madaling araw.

Tumingin ako sa baba, nakita ko doon si Angela na tulog na tulog na.

Napa ngiti ako. Parang ang bait bait niya tignan. Pipikit na sana ako nang maka rinig na naman ako ng mga kalabog. Ano ba yun?

Bumangon ako at maingat na lumabas, ayoko maistorbo si Angela sa pagtulog niya.

Madilim pag kalabas ko, kukuha sana ako ng tubig dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Napa hinto ako sa pag lalakad nang marinig ang ingay sa TV. Dumiretso ako doon at laking gulat ko nang makita doon si Shawn. Naka higa siya sa sofa. Mukhang hindi niya ata ako napansin.

"Bakit gising ka pa?" tanong ko sakanya. Halata namang nagulat siya sa presensiya ko.

"Hindi ako maka tulog ikaw bakit gising ka pa?" tanong niya. Sinuri ko ang mga mata niya.

"Nagising ako dahil sa mga kalabog, narinig mo din ba?"

"Kalabog? wala naman ah?"

"Meron, narinig ko kaya ako nagising."

"Wala nga, alam mo? matulog kana kasi may pasok pa tayo bukas." sabi niya.

"Pero may narinig talaga ako!" pag pupumipilit ko. Sinuri ko muli ang mata niya, may butil na ng pawis ang noo niya. Kinakabahan ba siya? hmm nag sisinungaling ba siya sa akin?

"Ano ba! wala nga sabi e!" sigaw niya sa akin, nagulat naman ako sa biglaang sigaw niya sa sakin. Ano bang problema niya?

"Eh bakit hindi mo narinig yun?!" sigaw ko rin sakanya.

"Ewan ko! pwede ba matulog ka na nga!"

"Hmp!"

Inirapan ko siya bago pumunta sa kusina, naiinis ako sakanya! may tinatago ba siya?

Kilalang kilala ko na si Shawn. Bestfriends kami since nung five kami kaya bakit niya ako pinag sisinungalingan ngayon?!

Kumuha ako ng baso at nag lagay agad ng tubig dun, kaya nga ako nagising dahil sa kalabog na yun!

Pagkatapos ay inis akong tumingin kay Shawn.

"Hindi mo ba talaga narinig yun ha?" tanong ko. Galing sa labas yun kaya paanong hindi niya narinig? unless...

"Ikaw ba..." sinuri ko ang mga mata niya. Siya ba ang may gawa ng mga kalabog? lumiit ang mga mata ko sakanya.

"Ano ba!" sigaw niya na nakapag pa bukas ng kwarto namin. Lumingon kami sa kung saan, nakita namin si Angela. Gulo gulo ang buhok at masamang naka titig sa amin!

"Let me sleep!" malamig na sigaw niya. Hala! nagising ko ata ang mahimbing niyang tulog. Paano na yan?

"A-ah Angela, tulog kana u-ulit." utal na sabi ko dahil masama rin ang tingin niya sa akin! para siyang mananapak anytime na sumagot ka sakanya. Nanatili pa rin ang walang ka emo emosyon niyang mukha sa amin.

Tinignan niya muna kami ni Shawn ng isang beses bago pumanhik sa kwarto.

"Bwisit." bulong ko at tinalikuran siya.

********

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom.

Tumingin ako sa orasan. 6:10 am. Bumangon na ako at nag hilamos, pagkatapos ay lumabas na. Kumakain sila doon.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now