Kabanata 27

14 3 0
                                    

Past

Ericka's POV

"L-ligtas na kayo." sabi ko sakanila.

Napa tango tango si Shawn at napa yuko.

Huminga ako ng malalim. Ligtas na sila. Mabubuhay pa sila. Tipid akong ngumiti.

Alam kong sinisisi niya ngayon ang sarili niya, pero wala siyang magagawa.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sakanila.

"Ilalagay ulit natin siya sa sako." sagot ni Cedric. Nanlaki ang mga mata ko.

"Kasama ng kapatid niya?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Tss. Syempre hindi. Sa ibang sako."

Napa lunok ako. Si Cedric ba talaga ang kausap ko ngayon? tumingin ako sa relo ko at hindi na nagulat. Cutting classes na ang ginagawa namin ngayon.

"B-bilisan na natin." sabi ko.

Inangat ni Shawn ang mukha niya. Dahan dahan siyang lumapit sa bangkay ni Leni Fortez. Binigyan siya ng sako ni Cedric. Teka? saan nanggaling yun?

Batid kong malamig na ang katawan niya. Hinawakan ito ni Shawn, wala siyang paki alam kung puro dugo ang katawan niya. Ni Leni. Binuhat niya ito at dahan dahang inilagay sa sako.

Tumulo ang luha niya habang tinatali ang sako. Tumingin siya sa amin.

"Sa dorm." mahinang sabi niya at ika ikang nag lakad. Nang hihina siya ngayon. Nag ka tinginan kami ni Cedric bago sumunod sakanya. Iniwan namin ang dalawang bangkay doon.

Angela's POV

Umalis na silang tatlo. Iniwan nila ang bangkay doon. Sa labas pa talaga ng AR huh?

Napa titig ako kay Dom na naka ngiti. Kumunot ang noo ko.

"Everyone's playing the game. Nag sisimula na talaga..." naka ngiting sabi niya.

Napa titig ako sa mga ngiting yun, sumakit bigla ang ulo ko kaya napapikit ako.

"Celestine? are you okay?" rinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin. Napa hawak na ako sa ulo ko sa sobrang pananakit.

-Flashback-

Minulat ko ang mga mata ko. Nasaan ako?

"Angela anak! salamat sa Panginoon at gising kana..." kumunot ang noo ko ng marinig ang boses na iyon. Sino siya?

Napa tingin ako sa gilid ko. Nasa ospital pala ako. Pakiramdam ko nanghihina pa rin ako. Ang sakit ng ulo ko.

"Anak?" rinig kong sabi na naman niya. Tumingin ako sakanya. Kumunot ang noo ko.

"Sino po kayo?" mahinang sabi ko.

Napa singhap siya at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit siya umiiyak?

"Anak..." anak? anak niya ako? tumingin ako sa kanan ko, may nakita akong lalaki na naka higa rin sa kama. Mahimbing ang tulog niya.

Sinong anak ang tinutukoy niya? siya ba?

"Po? sino po kayo?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang pisngi ko. Tumulo ng tumulo ang luha sa pisngi niya. Nag tataka na ako sa ikinikilos niya.

Naka ramdam ako ng kirot sa aking
dibdib. Ano 'tong nararamdaman ko?

"Ako ang mommy mo anak..." napa titig ako sa kanya at napa pikit ng mas lalong sumakit ang nananakit kong ulo.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now