Kabanata 21

15 3 0
                                    

Meeting

Angela's POV

I hate myself. I hate myself for not protecting my brother! and now...

Tumulo ang luha ko at hindi ko na pinalis yun, yumuko nalang ako dahil ayokong malaman nilang mahina ako pagdating sa kapatid ko.

Mas inuna ko pa ang ibang dorm kaysa sa sarili kong kapatid! fuck. Hindi ko na alam kung paano makikipag bati sakanya. Tumulo ng tumulo ang luha ko.

May biglang nag lahad sakin ng panyo kaya napa angat ako ng tingin. Si Ericka pala. Kinuha ko ang panyo na nilahad niya at agarang pinunas sa mukha ko.

"A-ayos kana ba?" I can sense she's uncomfortable talking with me. Maybe because I'm crying like idiot?

"Yeah." mahina kong sabi.

"Balik na m-muna tayo." aya niya sa akin. Tumango nalang ako at pinahid muli ang luha ko.

Pumasok na kami sa dorm. Wala na akong ganang kumain. Dumiretso nalang ako sa kwarto namin.

For some reasons, I feel guilty. Cedric almost died, wala akong nagawa para protektahan siya instead inuna ko pa yung iba kaysa sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko.

Kinuna ko ang cellphone ko at nang mabasa ang pangalan ni Dom ay nag dilim ang paningin ko. Fuck you 6666 times! agad akong nag tipa ng imemessage.

To: Dom

What the fuck is that? ang sabi ko wag sila Ericka! at lalong lalo na ang kapatid ko! fuck you!

Sinend ko agad yun. Ilang segundo pa ay nag reply na siya.

From: Dom

Abandoned room. Now.

Agad akong nag palit ng short ko. I wear my jogging pants at lumabas na.

Napa tingin sa gawi ko si Ericko, kumunot ang noo niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Mag papahangin lang." malamig kong sabi at lumabas. Tinakbo ko ang papuntang AR. Pinapasok agad ako. Mabilis akong nag lakad papasok sa office ni Dom. Nang gigigil ako.

Pumasok agad ako at nang makitang naka upo siya ay tumakbo ako at kinwelyuhan siya. Halatang nagulat naman siya sa presensiya ko.

Diniin ko siya sa pader. Likod ng inuupuan niya.

"Anong ginawa mo?" malamig pa sa yelong sabi ko habang naka titig sa mga mata niya. Diniinan ko pa ang pag kaka kwelyo sakanya. Hindi ko na ma control ang galit ko.

"Sagot!" malamig na sigaw ko sakanya!

"P-pakawalan mo muna k-kaya ako." hirap na usal niya. Niluwagan ko ang pag kaka hawak ko sakanya. Ngayon mag salita kana!

"Sila ang gumawa nun." saad niya at yumuko. Niliitan ko ang mga mata ko para makumpirma kung totoo ang sinasabi niya.

"Liar!" malamig na sabi ko.

"You can ask them if you want." mahinahon niyang sabi at inangat ang tingin sa akin. Nang gigil ako. Siya lang ang may karapatang mag sabi sakanila!

"I'm not lying." sabi pa niya. Bibigyan ko siya ng pag kakataong mag paliwanag. Niluwagan ko ang pag kaka hawak sakanya hanggang sa tinanggal ko na ang pag kaka kwelyo sakanya.

I remember my brother again, of me being stupid for not protecting him. Tumulo ang luha ko. Nagulat ako at bigla itong pinalis. Tumingin ako kay Dom na naka tingin sa sakin. I mouth 'explain', bumuntong hininga siya.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now