Kabanata 31

17 3 0
                                    

Hurt

Angela's POV

Umiwas ako ng tingin pagkasabi ko nun. Its true. Sikreto ko silang pinapahalagahan. Sikreto lang akong may pake sakanila. Anong dahilan? maybe because Shawn and Ericka is Cedric friends. Ayokong may mangyaring masama sa kaibigan ng kapatid ko.

O yun nga ba? o may iba pang dahilan...

Tss.

"T-totoo ba yan?" tanong ni Ericka. Dahan dahan akong tumango sakanya habang naka iwas pa rin ng tingin.

Aaminin ko. Masaya ako kanina. Nilabas ko ang emosyon ko sakanila, kung ano ako dati. Hinayaan ko silang makita kung sino ako talaga.

Hindi rin naman pala masama.

"May pake ka na sa amin?" tanong ni Shawn.

Kailangan pa bang ulitin?

Tumingin ako sakanilang tatlo. "Oo." sabi ko.

Tinaas ni Shawn ang kamao niya sabay sabing,

"Yes!"

I suddenly remember kuya. Tumingin ako sa relo ko at medyo nagulat ng 8:30 na pala. Hindi ko napansin ang oras.

"I'm leaving." malamig na sabi ko at tumayo. Nakita ko pang napawi ang ngiti ni Ericka nang sabihin ko 'yon.

"A-aalis kana agad?" tanong niya.

Tumango ako at nag bow sakanila.

"I had so much fun with the three of you. Be ready tomorrow." malamig na sabi ko at nag lakad na papalabas. Tomorrow is KBYGK.

Nang makarating sa AR ay pumunta ako sa kwarto ko. Yes, I have a room. Hindi pwedeng natutulog lang ako sa couch. Tss.

Nag tooth brush agad ako at humiga na sa kama ko. The room's complete. Nandito na ang lahat ng kailangan ko.

Papikit na sana ako nang may kumatok. Kumunot ang noo ko at bumangon. Anong oras na. Sino ba 'to?

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay may yumakap na sa akin. Mas kumunot ang noo ko at kinalas ang yakap niya. Anong ginagawa ni kuya dito?

"What are you doing here?" malamig na sabi ko.

May inabot siya sa aking paper bag. Kinuha ko iyon at binuksan. Napa awang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko.

"Saan mo nakita 'to?" gulat kong sabi. Nawala ang lamig sa boses.

Isa siyang necklace na may diamond sa gitna. Sinabi ni mom sa akin na ito ang huling binigay sa akin ni Kuya bago siya mamatay. Nawala ko na ang kwintas na ito. Paano niya nahanap?

"May nag bigay sa akin. Basta may kapalit. Pera." sabi niya at kinuha sa kamay ko ang kwintas. Pumunta siya sa likod ko, hinawi ang buhok ko at inilagay ang kwintas. Nangilid ang luha sa mga mata ko. This is my first and last necklace. I tried to find it but...

Humarap siya sa akin at pinalis ang luha sa pisngi ko. Napa ngiti siya nang makita ako.

"Why is my baby crying?" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Pabiro ko siyang hinampas. Mahina lang naman.

"You are the reason." sabi ko kasabay ng pagtulo muli ng luha ko. Fuck this tears! bakit ka ba tumutulo ha? you're a brave girl! hindi ka dapat umiiyak.

"Na miss mo na ako 'no? kaya ka umiiyak." sabi niya at inilahad ang braso sa akin.

I admit it. I miss my kuya. After 2 years. Nawala siya sa piling namin nila mom. Wala kaming bondings, kahit kasama si Ced, wala.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now