Kabanata 34

16 3 0
                                    

Almost

Shawn's POV

Hirap na hirap akong tumingin kay Angela. Naka luhod siya sa naka handusay na katawan ni Dominique. Kumunot ang noo ko. Kinakapos na ako ng hininga. Ang sakit ng tagiliran ko. May saksak doon na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"A-angela." hirap kong sambit sa pangalan niya.

Nag lakad kami ng dahan dahan papunta sakanila. Hindi ko alam kung may malay pa ba si Cedric dahil hindi siya nag sasalita. Si Ericka ay todo iyak lang. As much as I want to comfort her but I can't. Hindi ako maka galaw ng maayos. Damn!

"Kuya.." rinig na rinig ko ang hikbi niya nang makalapit kami. Natumba sa sahig si Cedric nang sandaling pakawalan kami ni Ericka. Muntik na akong mawalan ng balanse.

"Cedric!" mabilis na inalalayan patayo ni Ericka si Cedric. Ni hindi niya pa napupunas ang mga luha niya.

Lumingon ako kay Angela. Paika ika akong lumapit sakanya. Hinawakan ko ang balikat niya. "A-anong nangyari?" tanong ko.

Saglit lang siyang tumingin sa akin at bumalik agad kay Dominique.

"May t-tama siya ng baril sa l-likod! k-k-kuya..." iyak siya ng iyak habang hawak ang damit ng kuya niya.

"M-malakas p-pa ako." kahit nakapikit si Dominique ay nakakapag salita pa rin siya.

Mas lumakas ang hagulgol ni Angela at inalalayan patayo si Dominique. Naalarma ako doon. Anong gagawin niya?

"K-kuya. W-wag ka munang m-mag salita okay? i-ilalabas kita dito. H-huwag ka m-munang pipikit o-okay?" sinubukan niyang maging matatag pero tumulo pa rin ang luha niya.

Umiling si Dominique. Hinawakan ko ang balikat niya at inalalayan rin siya. Wala na akong pake kung may saksak rin ako.

"Shawn!" sigaw ni Ericka. Tumingin ako sakanya at tipid na ngumiti. Kaya ko 'to. Ang hindi ko lang kaya ay ang makitang umiiyak si Angela.

Inalalayan namin siya papunta sa gate. Siguro ay bukas naman 'yon. Nasaan 'ba ang ibang mga estudyante? nasa panganib sila ngayon.

Huminga ako ng malalim at ininda ang sakit ng tagiliran ko.

"A-ayos ka lang ba S-shawn?" namumula ang mata ni Angela nang nilingon ko siya. Napapikit ako at tumango.

Napa singhap ako nang maka ramdam ng sakit sa likod.

"Shawn!" sigaw ni Cedric.

"No!" si Ericka.

Naramdaman ko na lang ang lamig ng lupa. Ano ba 'tong bagay na sumakit? bakit nanghihina ako. Napa ubo ako. Hanggang sa lumakas ng lumakas ang ubo ko. Nagulat ako nang may kasamang dugo na iyon.

"Shawn!" humagulgol si Angela na lumapit sa akin. Hindi ko na maidilat ang mga mata ko dahil nanlalabo na.

"May s-saksak ka!" sabi niya. Hinawakan niya ang pisngi ko. I felt her warm. Ito lang ay ayos na ako.

Gusto ko siya. Si Angela. At aaminin ko na.

"A-angela?" nanghihinang sambit ko.

"Hmm?" umiiyak pa rin siya.

"Gusto kita." sa wakas at nasabi ko rin. Inipon ko lahat ng lakas ko para idilat ang mga mata.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang mga luha niya. Kamatayan ko ang makitang umiiyak siya. Gusto ko, ang makita siyang masaya.

"P-pag uusapan natin 'to okay? huwag m-muna ngayon." ngumiti siya sa akin. Tumango tango ako at hirap na huminga. Ang sakit ng sugat ko.

"May dalawang saksak siya!" biglang sabi ni Ericka. Akay akay niya pa rin si Cedric na namumutla na.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now