Kabanata 13

20 5 0
                                    

Game

Ericka's POV

"Ano baaa! bakit ang tahimik niyo?" tanong samin ni Shawn. Ewan ko ba sa sarili ko. Ugh.

"Hindi ko alam, marami lang siguro akong iniisip." sagot ko sakanya.

Naalala ko yung sinabi ni Dominique. Park ang apelido niya? mag kaano ano sila ni Angela? at ano yung sinabi ni Dominique na siya na ang mag ru rule sa school? nagbibiro ba siya? ang dami kong tanong na walang ka sagutan.

Ngumiti nalang ako at bumalik sa dati, siguro sa tamang panahon ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko. Hindi sagot ang pagiging tahimik.

"Parang nag light yung mukha mo?" sabi ni Shawn. Ha? ano daw?

Kumain na ako ng inorder kong burger, nag gatas nalang din ako.

"Saan kaya pumunta si Ate?" tanong ni Cedric. Oo nga pala, bakit umalis agad siya? saan siya pumunta?

"Saglit lang daw sya eh." nagkibit balikat na sabi sa amin si Shawn. Hindi ko alam pero natatakot ako. Kahit may assurance kasi feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

Inaya ko na silang bumalik  sa room, baka hanapin na kami!

Pero bago pa kami maka labas ay napa tigil kami. Tumunog ang speaker. Ano to?

*Hello pillarians its me again Dom, Dominique Park*" binulong niya ang pangalan niya. Nag tindigan ang balahibo ko sa takot.

"I'm giving a new rule to this school dahil syempre, ako ang mag papatakbo nito." malamig ang boses niya at masasabi mong seryoso siya. Tumingin ako kay Shawn at Cedric, pareho silang seryosong nakikinig.

"This is called 12 oClock rule. Pwede niyong gawin ang mga gusto niyo, mag saya kayo, mag inom, mag laro o kahit ano! pwede niyo ng gawin but... when the clock says 12 oClock... lahat ng nasa labas ay..." malamig pa sa yelong sambit niya. Para siyang si Angela geez.

"Dead..." nakakakilabot na bulong niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat! whaaaat? what the hell?

Mararamdaman mo sa boses niya ang otoridad. Parang kailangan mo siyang sundin or else, mamamatay ka.

Pero anong karapatan niya? wala siyang kapangyarihang gawin yun!

Mula dito ay rinig na rinig ko ang tilian ng ibang section, takot na takot sila. Ano bang ginagawa niya?

"Tara!" nag mamadaling sigaw ni Shawn, tumakbo na rin ako at sumunod sa kanilang dalawa.

Nag aalala ako sa mga estudyante dito, ang mga kaklase ko, si Angela...

Si Angela! nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko siya. Nasaan siya? baka hindi niya narinig yung inannounce hala!

Nakarating kami sa room, ang iba'y umiiyak na sa sobrang takot. Ang iba'y mawawalan na ata ng kulay.

"Anong gagawin natin?" nag aalala ko nang tanong. Bihira lang mangyari sa amin ang ganyan, last year kasi mahinahon pa sila. Nasaan ba si Ms President?!

"Pakalmahin muna natin sila." ani Cedric at lumapit sa teachers table.

"Classmates! uhm, kalma muna. Pwede? huwag kayong matakot, okay? kalma muna kayo." mahinahon niyang saad. Medyo kumalma naman sila. Wow.

"Hangga't maaari, gawin niyo ang pinapagawa sa atin, tandaan niyo tong sasabihin ko okay? tuwing 11:45 ng gabi at nasa labas pa kayo, mag madali na kayong pumasok sa mga dorms niyo! kaligtasan niyo ang naka salalay dito at alam kong hindi nag bibiro ang lalaking yun sa sinabi niya kaya please? mag stay kayo sa dorms niyo." mas mahinahon pa niyang sinabi. Hindi ko alam na may ganyang side pala siya. Tumango tango ang mga classmates ko kaya ngumiti sa kanila si Cedric. Napa ngiti din ako. Great job, Cedric. Napa kalma mo sila.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now