Kabanata 12

27 4 0
                                    

The start

Ericka's POV

"ERICKAAAA GISING NAAAA!" malakas na sigaw ng kung sino man yun.

Bumangon ako pero hindi pa bumababa ang paa ko. Uminat inat ako at inistrech ang aking likod. Ugh ang sarap pa ng tulog kooo.

Bumaba na ako at pumunta sa banyo. Nag hilamos ako bago lumabas. Si Angela wala na sa baba.

Lumabas na ako, naabutan ko sila dun na kumakain. Hindi man lang ako hinintay hmp.

Umupo na ako at kumuha ng hotdog,itlog at bacon. Kumuha rin ako ng fried rice at nag start ng kumain.

"Dalhin niyo ang mga espada." malamig na sabi ni ni Angela. Oo nga pala.

"Kinakabahan ako ng walang dahilan A-angela, yung mga l-lalaki kahapon?" sabi ko sakanya. Hindi natin maiiwasang matakot, lalo na yung nag pakilalang Dominique andun din.

"Wala kang dapat ika takot." malamig na sabi niya. Yumuko ako, kahit na sabihin niya yun, natatakot pa rin ako.

Tumango ako at ngumiti, kumain nalang ako.

Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako, nauna sila matapos sa akin kaya ako nalang ang iniintay.

"Ang ganda mo talaga Angelaaa!" naririnig ko sa labas ang pag puri ni Shawn kay Angela. Ano kayang meron?

"Yeah Ate ang ganda mo." pag puri naman ni Cedric.

"Bagay sayo!" si Shawn.

Ano kaya yun? nag madali na ako mag ayos ng buhok ko at lumabas na.

Nakita ko dun si Angela na iba ang uniform, kulay blue! wow.

Napatulala ako sakanya. Ang ganda niya! tumalikod siya kaya nakita ko ang naka tatak sa likod nun, SSG vice president.

"Hindi ko alam na may naka lagay sa likod." malamig na sabi niya. Puri pa rin sila ng puri kay Angela.

"Ang ganda mo nga!" naka ngitng sabi ko. Bagay na bagay sakanya yung uniform. Grabe ang sosyal na ng school!

Lumabas na kami at naglakad na. Pinag titinginan si Angela ng mga estudyante. Bagay na bagay kasi talaga sakanya.

Nauna nang mag lakad sa amin si Angela. Sumunod na lang kami sa kanya.

Nang makarating sa classroom ay nagulat ako sa nakita ko.

Si Dominique, naka upo sa upuan na upuan dapat ni Ms Costa, at si Ms Costa...

Naka tali ang mga leeg niya, halos hindi na siya maka hinga...

Angela's POV

Tumingin ako kay Dom, nahuli ko siyang naka tingin sa akin. I mouthed "what the hell?" at kinunot ko ang noo ko.

Naalala ko ang usapan namin ni Dom kagabi.

"Welcome to the Death Gang Celestine" malamig na ani niya. Ngumiti ako.

"Hmm"

"Parating na ang ibang miyembro, anong gusto mong kainin?" malamig na tanong niya.

"Iced tea" malamig na sabi ko.

Tumango siya at tumawag ng lalaki. Sinabi niya kung anong gusto ko at naibigay rin agad.

"Kapatid mo si Cedric Park?" malamig na tanong niya?

"Yes why?" malamig kong tanong. Why is he curious about my brother?

Pillar AcademyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz