Kabanata 29

13 3 0
                                    

Anger

Ericka's POV

Nanlaki ang mga mata ko kay Angela habang nasa stage siya. Naka tayo. Tumingin siya sa gawa namin pero nanlaki lang ang mga mata ko.

Hindi ko matanggap.

Si Angela miyembro ng gang na yun? imposible.

Naka tulala lang ako sakanya. Nag singhapan ang mga tao. Hindi rin sila makapaniwala gaya ko.

"Ang vice president?!"

"Hindi ako makapaniwala!"

"Kahit ako bakla!"

"Grabeeee."

"Kilala niya pa lang 'yang Dominique na yan!"

"Sinungaling siya!"

"Hindi... ako makapaniwala." tulalang sabi ko.

"Hindi niya magagawa yun." biglang sabi ni Cedric. Napa tingin ako sakanya. How can he be so sure with that? hindi namin siya kilala.

"Paano ka nakaka siguro?" tanong ko.

"Kilala ko siya. Hindi siya masamang tao." mabilis niyang sagot.

"Kaya pala... yan pala ang tinatago niya." seryosong sabi ni Shawn. Napa tingin ako sakanya. Naka titig lang siya sa stage.

"Napaniwala niya ako dun ah. Tss. Traydor." sabi pa niya.

"You don't call ate a traitor!" sigaw ni Cedric.

"Eh bakit? totoo naman. Kitang kita na nang dalawang mata natin Cedric! wag kang mag bulag bulagan." sagot ni Shawn.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ang isip ko ay pumapabor kay Shawn.

Hindi ko alam pero may naramdaman akong iba sa nararamdaman ko. Umuusbong ang galit?

Nagagalit ako sakanya. Akala ko mag kaibigan na kami. Akala ko... kinagat ko ang labi ko.

"No! hindi traydor ang ate ko!" sigaw ni Cedric.

"She is a traitor! hindi mo ba napapansin?" si Shawn.

"Ang alin!?" si Cedric.

"She's been acting strange!" sigaw ni Shawn.

Nag salubong ang kilay ni Cedric. "Shut up! you don't know her." galit niyang sabi.

"Sinasabi mo lang yan dahil kapatid mo siya! wag kang mag pakatanga sa nangyayari ngayon!" inis na sabi ni Shawn.

"I'm not tanga! ikaw ang tanga rito! hindi siya masamang tao." si Cedric.

"Mahirap bang intindihin yun Cedric ha?! traydor siya! traydor!" galit na sabi ni Shawn.

"Traydor siya." sabat ko. Tumingin silang dalawa sa akin.

"Pati ba naman ikaw?" hindi makapaniwalang tanong ni Cedric sa akin.

Tumango ako sakanya. "Hindi niya tayo inisip. Pati ikaw na kapatid niya. Traydor siya." sabi ko at tumingin kay Shawn. Nag kaka intindihan kami.

"See? wag kang mag bulag bulagan!" sabi ni Shawn.

"There must be a reason." malamig na sabi niya saka tumayo.

Nag ka tinginan nalang kami ni Shawn. Unti unti siyang tumango sa akin.

Umalis na rin kami ni Shawn dahil nag sialisan na rin ang iba. Rinig ko ang takot ng iba dahil sakanya. Umusbong na naman ang galit sa loob ko. Hindi pa namin alam ang dahilan niya pero nagagalit na ako. Napa irap ako.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now