Kabanata 30

16 3 0
                                    

Birthday

Ericka's POV

*IIIINGG! IIING! IIIINGG! IINNGG!*

*IIIINGG! IIING! IIIINGG! IINNGG!*

Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang alarm ko. Sobrang ingay! ramdam ko ding nanakit ang likod ko. Nag taka ako nang may maramdamang malambot sa likod ko. Kinuha ko ito at napairap nang unan lang pala.

*IIIINGG! IIING! IIIINGG! IINNGG!*

Nakakarindi naman!

Mabilis kong pinatay ang alarm bago pa umingay ulit.

Bumangon na ako pumunta sa banyo. Pagkatapos ay lumabas na. Naabutan ko si Shawn doon na nag luluto. Nasaan si Cedric?

"Nasaan si Cedric?" napapaos kong sinabi.

"Ewan ko. Wala na siya sa kwarto." napa tango tango nalang ako. Ano bang pakialam ko kung nasaan siya?

Lumapit nalang ako kay Shawn at tinulungan siya sa pag luluto.

Napabuntong hininga ako nang maalala ang pag tatalo naming tatlo. I'm kinda guilty. May point si Cedric na hindi namin pinapakinggan ni Shawn. Maybe she has her reasons. Pero kinain na kami ng galit namin.

"Ang tahimik mo, may problema ba?" napa tingin ako sakanya at tipid na ngumiti.

"Ayoko mang sabihin pero Shawn, siguro may dahilan siya at nagawa niya yun?" tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Besides, sa ilang buwan na nag tagal, nakilala na natin siya. Hindi man kilalang kilala pero alam nating mabait siya. She secretly care for us." sabi ko sakanya. Huminga siya ng malalim at pinag patuloy ang pag luluto.

"Kaya mo bang tiisin si Angela?" may bahid ng pang aasar ang aking boses. Ngumisi ako sakanya at natawa.

"A-ano bang pinag sasabi mo? tch." sabi niya at nilagay na sa plato ang niluto niyang bacon. Naka ready na pala ang sinangag na kanin.

Kumuha ako ng baso at kinuha ang fresh milk sa ref. Nilagyan ko ng gatas ang dalawang baso.

"Sus. Kaya mo ba siyang tiisin?" ulit ko sa tanong ko.

Tumingin na siya sa akin ngayon. "Ericka. May kasalanan siya sa atin. Ano bang pinag sasasabi mo?" iritado niyang sabi.

"Oo alam ko yun. Pero hindi mo ba naiisip? baka may dahilan siya." sabi ko at umupo na. As much as ayokong makipag talo sakanya ngayon, kailangan.

"Ewan ko sayo. Mapapa tawad ko lang siya kapag nag sorry siya sa akin." napa irap ako sa sinabi niya. In your dreams Shawn. Ano ka babae?

"Babae ka ba? at sa tingn mo mag sosorry siya sayo? nah." sabi ko at kumuha ng sinangag at bacon. Nag simula na akong kumain.

Hindi na siya sumagot. Tahimik kaming kumain. Sa kalagitnaan nang pag kain namin ay bumukas ang pinto.

Pumunta sa kusina si Cedric at nilapag ang mga dala niya. Kumunot ang noo ko. Itlog, harina, baking powder, asukal at mga tsitrirya ang naroon. Nandoon rin ang favorite kong hawaiian pizza. Anong gagawin niya diyan?

Inayos niya ang pag kakalagay doon bago sandaling tumingin sa amin. Umalis din siya ka agad. Nag ka tinginan kami ni Shawn. Parehong naguguluhan.

Pumunta na siguro siya sa classroom. Naka uniform na e.

Nang matapos kaming kumain ay naligo at nag ayos na ako. Lumabas na kami para pumunta sa classroom. Kaming dalawa lang.

Hindi pumasok si Angela ngayon na ikinapagtaka ko. Tanging si Cedric lang ang nasa huling upuan. Saan kaya siya natulog kagabi?

Pillar AcademyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora