Kabanata 24

15 3 0
                                    

Past

Angela's POV

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng maramdamang nag vibrate ito. May nag text.

From: 0936*******

Hi! this is Bianca, pumunta ka sa office ng SSG. Thank you.

Holy fucking cookies! I forgot about the SSG. Lumapit ako kay Ms.

"Ms I have to go the SSG's office." malamig kong sabi. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tumango siya kaya lumabas na ako at nag lakad na. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong nila Ericka.

Hindi na ako nag abalang kumatok. Nag bow ako sakanilang lahat. Ako nalang pala ang kulang.

"We'll have a meeting today. Don't worry it will only take 30 minutes or more." sabi ni Bianca at pumunta sa tabi ng monotoring room. Sumunod sa kanya ang lahat. Kumunot ang noo ko. Baka doon ang meeting? sumunod din ako sakanila.

Nang maka pasok ako ay umupo ako sa isang swivel chair. Actually yun ang upuan dito. So lahat kami naka upo sa swivel chair.

"Do you have any idea about this so called death gang?" tanong ni Bianca sa amin na nasa harapan.

"Anyone?"

"May kinakausap ba ako?"

"Sila ang dahilan kung bakit namamatay ang mga estudyante!" bigla siyang sumigaw na nakapag pa tahimik sakanila. Napa yuko ako.

"Sila rin ang gumawa ng 12oClock rule." sabat ni Jerome.

"Yes! at hindi natin alam kung paano sila mapipigilan!" sigaw na naman niya.

"Easy ka lang Ms President, gagawa tayo ng paraan." si Luis. Nag salubong ang mga kilay ni Bianca at tumayo.

"Easy? wala tayong ginagawa! as a part of the supreme student government, we need to do a move! sila rin yata ang may pakana kung bakit namatay ang Vice President!" lumakas pa lalo ang sigaw niya. Napa buntong hininga siya bago umupo. Alam kong nahihirapan na siya, ugh Dom nakakainis ka.

"Tuturuan natin ang mga estudyante kung paano lumaban para sa sarili nila." malamig na sabi ko. Tumingin silang lahat sa akin.

"Its for the sake of others." malamig na dagdag ko pa. Tumango ang nasa harapan ko.

"Yes, she's right! hindi natin hahayaan na maka lapit sakanila ang demonyo." little did they know, they are talking to a demon. And that's me.

Napa tango tango si Bianca. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya, masyado siyang stress. Kitang kita ang eye bags niya. I suddenly feel guilty, I'm sorry Bianca.

"We can do that, pero... sino ang marunong lumaban sa atin?" tanong niya at tumingin sa aming lahat. Nag taas ng kamay si Jerome si Luis, nag taas rin ako. Tumango siya.

"Okay, mag tatanong ako sa mga teachers kung marunong din sila. Gagawa pa rin tayo ng ibang paraan para matapos na ang gulong ito." saad niya at tumingin sa mga folders na nasa table. Pinag ka abalahan niya iyon. Ilang sandaling katahimikan ng biglang,

"Ms Park? napapansin ko kasi, lumalapit sainyo yung nag pakilalang Dominique, tanong lang. What's your relationship with him?" biglang tanong ni Andrea.

Saglit akong natigilan.

"I heard he's the leader of death gang so I'm curious." dagdag niya pa. Huminga ako ng malalim at malamig siyang tinignan. Thank God I'm good at lying.

"Dominique? I don't know him." malamig na sabi ko at tumingin sa mga mata niya. Kumunot ang noo niya bago napa tango tango.

"Ahh." sabi nalang niya. Tss.

Pillar AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora