Kabanata 23

18 3 0
                                    

Music

Ericka's POV

Sumunod kami ni Shawn kayla Angela at Cedric. Kumuha ako ng isang cookies sa plastic at kinain. Okay naman yung lasa.

"Penge." si Shawn. Binigay ko naman sakanya yung plastic. Nang maka rating kami ay hinanap agad ng mata ko sila Cedric. Nasaan kaya sila?

"Andun sila oh." tumingin ako sa tinuro ni Shawn. Oo nga andun sila sa gilid. Naka halukipkip lang si Angela doon at wala na namang emosyon ang mukha niya.

Pumunta kami sakanya. Naramdaman niya siguro agad ang presensya namin kaya napa tingin siya. Tumango ako sakanya.

"Thank you nga pala dito." naka ngiting sabi ko habang tinuturo ang plastic na hawak ni Shawn.

Tumango lang siya sa akin kaya naupo na kami.

Minsan naiisip ko, bakit wala akong kaibigan? I mean, kaibigan ko sila Shawn pero hindi na nadagdagan. Pero masaya ako, kasi nakilala ko sila Angela at Cedric.

"Ikaw na bumili." sabi ni Shawn. Tumango nalang ako.

"Isang carbonara at iced tea." sabi niya. Kinuha ko ang inabot niyang pera.

Tumayo na ako at pumunta sa counter. Hindi naman ganoon kahaba ang pila. Ilang sandali pa ay ako na ang kukuhanan ng order.

"Dalawang hawaiian pizza, isang carbonara at dalawang iced tea." sabi ko kay ate. Tumango siya kaya gumilid na ako. Doon kasi binibigay ang order. Nang makuha ko ay pumunta na ako sa table namin.

Hindi ko napansin si Cedric sa counter ah? nandito na pala siya. As usual ang tahimik pa rin niya. Kumain na ako.

Habang ngumunguya ako ay napapa tingin ako sakanilang dalawa. Sana talaga mag ka bati na sila. Tahimik lang kaming kumakain ng...

"This is the second time I'm gonna say this." malamig na sabi niya.

Tumingin kami ni Shawn sakanya. Lumunok siya.

"I'm sorry Ced for not protecting you." ginawa niyang maging malambot ang boses niya. Tumingin sakanya si Cedric. Ang kanina'y malamig na tingin ni Cedric ay biglang lumambot.

"Akala ko matatagalan ka pa sa pag sasabi niyan." sagot niya.

"Brother," sabi ni Angela at tumingin na sa kapatid niya.

"Oo na akala mo naman matitiis kita." sagot ni Cedric at umiwas ng tingin. Tumawa ako. Para silang mag jowa! hahahahaha.

Napa ngiti si Angela na ikinagulat ko. Na bigla ako. Ang laki kasi ng ngiti niya! ramdam kong natigilan ang katabi ko. Naka tulala lang ako kay Angela. Ngayon lang siya ngumiti ng ganyan!

"You two why are you staring?" tanong niya sa amin. Naka tulala pa rin ako sakanya. I pro proseso ko muna sa utak ko ang ngiti niya!

"Aray!" inda ko ng may bumatok sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Cedric. Bwisit ka! pero seryoso? na miss ko yung ugali niyang ganyan.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang nambabatok?" inis na sabi ko sakanya. Ngumisi lang siya.

"Masyado ka ng tulala e." inirapan ko siya.

Pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko. Ilang sandali pa ay tumunog ang speaker ng school. Ano na naman ba'to?

"As what I've said, be ready. Every monday, wednesday and friday, you have to play the game." kumunot ang noo ko. What the?

"Kill before you get killed, if you want to be alive..." mas lalong kumunot ang noo ko sa pa bitin na sinabi niya. Ano bang pinag sasabi niya? kill before you get killed? baliw ba siya? kami papatay? psh.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now