Kabanata 26

15 3 0
                                    

Kill

Ericka's POV

Gulat na gulat ako sa pangyayari. Mas nagitla ako ng nasa sahig na rin si Shawn. Muntik na rin siya masaksak!

Napa linga linga ako sa paligid, nasaan ang mga estudyante?

Tumingin ako kay Angela na kalmado lang. Habang ako'y kabang kaba pa rin. Tinulungan ko silang dalawa tumayo.

Nag patuloy kami sa pag lalakad, nag dikit dikit kami.

"Kung gusto niyong mabuhay, pumatay ka." malamig na sabi ni Angela. Hindi ko pa ma iproseso ang nangyari kanina ay may panibago na naman.

"Yun ay kung gusto mo pang mabuhay." sabat ni Cedric. Lumayo ako sakanila at hindi maka paniwalang tumingin.

"Baliw na ba kayo? kasalanan ang pag patay!" sabi ko.

"Kung ayaw mo, hindi ka namin pinipilit." seryosong sabi ni Shawn at nauna ng mag lakad. Ngayon ko nalang ulit nakita ang seryosong mukha niya mag mula ng mamatay ang parents niya. Naka recover na kasi siya pero, heto ngayon.

Napa buntong hininga ako. Wala na bang ibang paraan?

Sumunod ako sakanila hanggang sa maka rating kami sa classroom. Tahimik sa loob, siguro'y nakita din nila ang pag lipad ng mga kutsilyo.

Dumating ang teacher, nag turo na siya pero parang hindi mapakali.

"Class what is---AHH!!" nagulantang ako sa nakita ko. Nag tilian kami lahat sa nakita. Tumigil ang pag hinga ko habang naka titig sa walang buhay na katawan ni Ms.

Sinaksak siya sa ulo.

Luminga linga muli ako, baka sakaling makakita ng kakaiba.

Tuloy pa rin sila sa pag tilian. Tumingin ako kay Shawn, parang wala lang sakanya. Nag salubong ang kilay ko.

"Shawn! wala man lang ba tayong gagawin?" sabi ko at yinugyog ng mahina ang braso niya.

Wala siyang emosyong tumingin sa akin, at umiling. Dahil doon ay yinugyog ko pa ang balikat niya.

"Ano ba?!" sinamaan ko siya ng tingin.

"May isa ng namatay! anong gusto mong gawin natin?" inis na sabi ko.

"Wala na tayong magagawa pa." malamig na sinabi niya at yumuko.

Tumingin ako kayla Angela at Cedric na naka tingin lang sa harapan. Kung saan harap harapang sinaksak ang teacher namin.

"Psst! wala ba tayong gagawin?" tanong ko sakanila.

Tumingin lang sa akin si Cedric. "Kill before you get killed." sabi niya at umiwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko at tumingin nalang sa harapan. Papayag na ba ako?

Ang kalahating isip ko ay nag sasabi na wag, pero ang isang kalahati pa ay pumapayag.

Ano bang gagawin ko?

Naalala ko ang mga sinasabi nila kani kanina lang.

Buhay ko ang naka salalay dito dahil sa larong ito, buhay ko ang naka taya. Anytime may sasaksak na sa akin. At kailangan ko siyang maunahan.

Papatay na ba ako para mabuhay?

Napapikit ako.

"Alright." huminga ako ng malalim at dumilat. Tumingin ako kay Shawn na napa tingin sa akin.

"Pumapayag na ako." buhay ko ang nakasalalay dito. Kailangan ko ring mag laro. O mamamatay ako.

I just accept my fate if I die. I'm not going to die without putting a good fight.

Pillar AcademyWhere stories live. Discover now