Kabanata 32

15 3 0
                                    

Like

Ericka's POV

"Oo ako nga." malamig na sabi ni Angela dun sa matanda.

Todo todo na ang kaba ko habang nakaluhod kami, halos hindi na ako maka hinga ng maayos. Napaka bilis ng pangyayari.

Kumakain lang kami kanina nang may biglang pumasok, marahas na hinawakan ang magkabila naming braso at tinutulak papalabas.

Napa lunok ako nang mas ilapit pa ng lalaki ang espada sa leeg ko.

"W-wag." natatakot kong sabi.

Akala ko ba ligtas na kami? kagabi lang ay may nag padala sa amin ng papel. Sinabi dito na ligtas na kami sa larong iyon.

Mukhang binabantayan nila kami. Alam din nilang pumatay kami. Sa pag kakaalam ko ay walang cctv dito.

"Bakit hindi ka maka sagot?" napabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Angela.

"Demonyo ka!" sabi nung matanda. Umaatras siya kay Angela at siya naman ay papalapit.

"Tama na yan Celestine!" rinig kong sabi ni Dominique kaya napa lingon ako sakanya. Anong tinawag niya kay Angela? kumunot ang noo ko.

"I said no kuya!" malamig na sabi niya at lumapit pa sa matanda. Mas kumunot pa ang noo ko. Kuya? anong kuya?

May narinig akong sumisitsit. Tumingin ako sa katabi kong si Shawn.

"Kailangan nating maka alis dito." mahinang bulong niya pero sapat na para marinig ko. Dahan dahan akong tumango sakanya. Iniiwasan kong mapansin ako ng lalaki.

Tumingin ako sa harap at nag salita. "Paano?" mahinang bulong ko.

"Ako na ang bahala." mahinang bulong niya.

"Mag kapatid pala kayo? sa bagay. Parehas kayong demonyo!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng matanda. Sinong mag kapatid ang tinutukoy niya?

"Wala kang pakialam kung kapatid ko siya! ano ngayon?" malamig na sabi niya. Kahit naka talikod si Angela sa amin ay ramdam ko ang galit niya.

Lumapit pa nang lumapit si Angela sa matanda. Nagulat nalang ako nang sinakal niya ang matanda!

"Celestine!" ani Dominique at hinawakan ang balikat ni Angela. Nag pupumiglas siya at sakal sakal pa rin ang matanda.

"I wanna kill this son of a bitch!" malamig na sabi niya.

"Hindi pwede!" si Dominique.

Napa singhap si Cedric na ikinataka ko. Tumingin ako sa kanya sa gilid ng mata ko. Nakita kong tumulo ang luha niya.

"Kuya?" nagtatakang sabi niya.

Cedric's POV

Kumunot ang noo ko nang tawagin ni ate ang lalaking 'yon na kuya. Sino ba siya?

Napa hawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit. Shit!

-Flashback-

"Nooooo shit I lose!" sabi ko nang matalo sa need for speed.

Sinamaan ko ng tingin si ate.

"Nope. Hindi ako nandadaya." sagot niya agad.

"You sure?" paniniguro ko, sinisilip ang tablet niya.

Tumango siya agad. Napa mura nalang ako sa isip. Kapag siya ang kalaro ko ay natatalo ako!

"Tama na muna yan. Drink this." lumingon ako sa likuran nang makita si kuya bitbit ang orange juice.

Pillar AcademyKde žijí příběhy. Začni objevovat