ACT TWO : Going Out of the Shell

567 18 9
                                    



                         "HI ANDIE!"

                Gulat na napalingong bigla si Andie sa boses na tumawag sa kanya.

                                "O Dave! H-Hi!"

                Nagtuloy-tuloy lamang sa pagpasok si Andie sa may backdoor ng Sainsburys samantalang sumusunod naman sa kanya ang binatang si Dave.

                                "So, how's your weekend?"

                                "Huh? Ehm, it's alright, cheers. Had a very lazy day then my sister suddenly invited me for a swim in Leven Leisure Pool. How 'bout you?"

                                "Well... It's very boring to be honest. I went with Matt to see this movie, cos SOMEONE refused my invitation."

                Tila nahimigan naman ni Andie na siya ang pinaparinggan ng nasabing binata kaya't agad siyang sumagot.

                                "Dave, I can't go out with you, okay? You already know why."

                Nahihiyang binawi ng dalaga ang mga mata kay Dave.Nang mapansin niyang malapit na siya sa may locker ay agad siyang napahinto sa paglalakad at binuksan iyon. Sumandal naman si Dave sa isa pang locker na katabi ng locker ng dalaga.

                                "So? So what if my Dad's one of the "big bosses" here? There's nothing wrong if we go out."

                Patuloy pa rin sa pag-aayos ng buhok si Andie. Pinusod niya iyon at saka isinuot ang jacket ng uniform ng supermarket na pinapasukan. Isinara niya ang pintuan ng kanyang locker, kapagkuwa'y humarap kay Dave.

                                "I hope you understand. I don't want any hassles with my job. I don't want everyone to think that I'm dating my bosses' boss. And besides, we both made it clear that you're just a friend to me, Dave. I--- I can't---"

                Hindi pa man din natatapos magsalita si Andie ay agad na itong pinigilan ng binata.

                                "I know. But still, I won't give up. I like you, Andie. I do, I really really do. So what if I'm you're bosses' boss? I don't really care at all and..."

                Hindi sinasadyang naibaling ni Dave ang pansin sa dalawang work colleagues na nakatingin sa kanila, kapwa nagbubulungan ang mga ito na tila silang dalawa ni Andie ang pinag-uusapan.

                                "...and EVERYONE should mind their own business instead of blabbering around chatting like a bunch of twats talking about someone else's lives!"

                May diin ang pagkakasabi niya sa salitang "EVERYONE" na patungkol sa dalawang babae na nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi naman nalingid iyon sa dalawang babae kaya't agad na nagpulasan ang mga ito at pumasok sa loob ng shopfloor. Pairap na binawi ni Dave ang pansin sa nasabing mga babae at muling tumingin kay Andie. Nakayuko lamang ang dalaga at hindi nakatingin sa kanya. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito na siyang agad namang napansin ng dalaga. Muli niyang ibinaling ang pansin rito. Napansin niyang nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

                                "Please ,give me a chance. Give me a chance to show how true my intentions really are, how true my feelings for you since the day I first saw you."

To Reach You (Revisions Ongoing)Where stories live. Discover now