Chapter 9

1.2K 54 1
                                    

Chapter 09 : Comfort

Althea's PoV

Napatakbo nalang ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko napasandal ako sa pader. Ipinagdikit ko ang aking tuhod at yumuko. Wala na akong paki kong may makakakita pa sa akin. Ang tanging mahalaga lang ay maibuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Habang umiiyak ako, may naramdaman akong ibang taong papalapit sa direksyon ko. Wala akong paki kung sino man iyon, dahil sobra akong nasaktan. Bumalik na naman yung sakit na akala ko hindi ko na mararamdan. Napatingala ako ng may makita akong panyo. Iniangat ko yung tingin ko at dali daling kinuha yung panyo.

"Thank you" Pinunasan ko yung mukha kong puno na ng luhang hindi mo mawari kung kailan mauubos. Biglang may bumagabag sa isipan ko. Iniangat ko yung tingin ko sa lalaking nagbigay nang panyo. Nagulat ako ng makita ko yung mukha ng taong nagbigay sa akin ng panyo.

"You're Welcome!"sabi niya. Yumuko ako ulit then naramdamn kong umupo siya dahilan para mapausog ako.

"Ano bang problema?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero, a smile was formed in my face. Iniangat ko na naman yung mukha ko at niyakap siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahilan para mapausog siya. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa balikat niya. All I need now is someone who will comfort me. I guess it's more comfortable telling my problem to a stranger.

Napabitaw ako sa pagyakayap sa kaniya. Bigla ko kasing narealize na I shouldn't hug him, ni hindi pa nga kami magkakilala.

"I'm sorry!" sabi ko habang pinupunasan yung luha ko.

"It's okay" seryosong sambit nung lalaki.Tumayo na ako na sinundan naman.

"Salamat pala" Nakangiti konga ni at binigay sa kaniya yung panyo.

"No, it's yours. I think you'll need it" pabiro niyang ani dahilan para mapatawa ako."So can we be friends?"Pahabol niyang ani at iniangat ang kaniyang kamay. Tumango ako at iniabot ang kamay niya, pagkatapos ay nagshake hands kami. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang dumampi ang aking palad sa palad niya. Hindi ko nalang ito pinansin at ngumiti.

"So since we're friends. Can i know your name?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Althea Mount!"sagot ko at ginantian siya ng ngiti.

"Prince Melfin Xiena" nakangiti niyang sagot. Naglakad na kami paalis ng Cr. Nagkwekwentuhan kami ng kung ano-ano. Hindi ko alam pero napapatawa niya ako.Nang nakalabas na kami nakita ko si----

Si Red Monlaxy, siya yung umorder kanina at siya yung taong nanakit sakin. Ang dumurog sa puso ko. Bigla na namang bumalik yung inis at galit na nakalimutan kona. Nakita niya ako pero nginitian niya lang ako at may kinausap siyang babae sa tabi niya. Tinitingnan niya ako habang nagsasalita yung katabi niyang babae. Nagulat ako nang bigla niya itong hinalikan sa labi. Bigla akong nakaramdam ng galit at inis. Pero hindi ko inaakalang----

Prince's PoV

Lumabas kami ni Althea sa Cr. Nagkwekwentuhan lang kami at panay ang tawa niya. I don't know why but I smile every time I look at her. Nung nakalabas na kami bigla siyang tumahimik.

"Hey Althea, are you okay?" nagaalala kong lintaya nang mapansing nakatulala lang siya.

Napalingon ako sa tinitingnan ni Althea, may tinitingnan siyang parang couple. Inaakbayan ng lalaki yung babae. Bumulong ang lalaki sa babae dahilan para matawa ang kasama niyang babae. I don't know if I'm overthinking, pero parang tinitingnan niya si Althea tuwing hindi nakatingin sa kaniya yung kasama niyang babae. Ibinaling ko ang tingin ko kay Althea, bakas sa mata niya yung galit, inis at lungkot na nararamdaman niya. Tumingin ulit ako doon sa lalaki at babae. Nagulat ako nang biglang hinalikan ng lalaki yung babae. Pagtingin ko kay Althea mapapansin ang nagbabadiyang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

THE THREE MAFIA HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon