Chapter 12

1K 45 0
                                    

Chapter 12 : Seating Arrangement

Althea's PoV

Maaga akong nagising para gisingin si Zylie. Pinaliguan ko muna siya at sumunod na akong naligo. Pagkatapos kung gawin yung daily routine ko, inihatid kona si Zylie kay Papa.

Nagulat ako nang pagkarating ko sa tapat ng school may biglang yumakap sakin. Hindi ko alam kung sino yung yumakap sa akin dahil sa bilis ng pangyayari. Rinig na Rinig ko yung bulungan ng mga estudyante na nakapalibot sa amin. Akmang tutulakin ko na yung lalaking kayakap ko nang magsalita siya.

"Miss na kita Princess!" Bulong ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Niyakap ko siya pabalik, I miss him so much, my childhood bestfriend. Humiwalay na kami sa pagkakayakap at ngiti ang sumilay sa pareho naming mukha.

"Miss na rin kita Knighty" Blyx Melix is my Childhood bestfriend. Sobrang close kami noon na parang magkapatid na yung turingan namin pero secret lang natin ito. Siya talaga yung first love ko. Iyak ako ng iyak ng umalis siya kasama ang pamilya niya, nagmigrate kasi sila sa States. Kaya ayon nagkahiwalay kaming dalawa.

"Mukhang miss mo nga talaga ako Princess ko. Iyak ka nga dali para sure akong miss mo ko HAHAHA" Hinampas ko siya dahil sa kaniyang sinabi. Hanggang ngayon Princess parin yung tawag niya sa akin. HEHEHE Kinikilig tuloy ako! HAHAHA

"Stay away from my girlfriend!" Napalingon kaming dalawa ni Blyx sa taong sumigaw. Nag init yung ulo ko nang makita ko na naman ang ugok. Bakit niya ba sinasabi na magboyfriend kami? Nakadrugs ba talaga itong lalaking ito?

Hinawakan niya ako and he pulled me away from Blyx. Kitang kita ko sa mukha ni Blyx ang pagkagulat. Binaling ko yung tingin ko kay Prince. Kitang kita ko sa kaniyang mukha yung galit at---at?---at hindi ko masabi, para kasing--Paano koba to sasabihin----selos!? Anong pinagsasabi mo Althea? Si Prince mag seselos? HAHAHA Galit lang siya, ikaw naman assumera! But, why do I feel disappointed? Ano ba itong nararamdaman ko?

"Who are you? Anong pinagsasabi mong girlfriend mo yung Princess ko?" Nabalik yung tingin ko kay Blyx nang magsalita siya ulit. Hinigpitan ni Prince yung pagkakahawak sa kamay ko.

Ano bang problema ni Prince?

Papatayin ko talaga siya.

Magsasalita na sana si Prince nang biglang magring. Binitawan ko yung kamay niya at hinawakan yung kamay ni Blyx. Pagkarating namin sa room pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Sinamaan naman ako ng tingin ni Red. Tinaasan kolang siya ng kilay, pati narin yung haliparot niyang ex. Binitawan ko agad yung kamay ni Blyx nang marealize na ang mga kamay namin yung pinagtitinginan ng mga kaklase namin. Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Ms. Alvares. Kaya tumungo agad ako sa upuan ko. Sinundan naman ako ni Blyx at umupo sa tabi ko. Biglang sumulpot rin si Red at umupo sa kabilang side.

"Nandito kana pala Mr. Melix! Mind if you introduced yourself?" Bungad ni Ma'am ng mapansin niya si Blyx. Tumayo si Blyx, kasabay nito ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Prince na hingal na hingal. Humingi siya ng paumanhin kay maam at pumunta sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay nang makitang may mga pasa siya sa mukha. Basagulero talaga! Binaling ko nalang yung tingin ko sa harap nang malamang nagsisimula na pala si Blyx na magsalita.

"I'm Blyx Melix and I hope we get along well" Pagpapakilala ni Blyx sa sarili niya at ngumit. Ito yung gusto ko kay Blyx, hindi siya nagmamayabang. Hindi niya pinagyayabang kung anong meron siya. Simple rin siya. Kaya nagkagusto ako sa bestfriend ko. Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti.

Nagulat ako sa sabay na paghampas nina Red at Prince sa armchair. Napalingon rin ang mga kaklase namin pati narin si Ma'am sa gawi nila. Humingi naman ng paumanhin yung mga ugok at yumuko. Umupo si Blyx sa tabi ni Prince, kaya lumipat ako sa tabi ng upuan ni Blyx. HEHE!

"So I will arranged you para sa seating arrangement." Pinalabas muna kami ni Ma'am at nagsimula na siyang mag tawag ng pangalan. According sa surname yung seating arrangement namin tapos babae at lalaki. So since M yung surname ko nasa first row ako pero sa kabilang side malapit sa door. Katabi ko sa kaliwa si Blyx at sa kanan si Red, katabi niya naman si Chesca na katabi ang kaklase naming si Red. So yes, pinagigitnaan ako nina Blyx. Napalingon kami nang padabog na umupo si Prince. Ano bang problema niya? Binalik ko nalang yung tingin ko kay Maam.

"Okay, kung may problema kayo sa seat ---" Biglang tinaas ni Prince yung kamay niya.

"Ma'am Near sighted po kasi ako.  Pwede po bang sa harapan nalang ako umupo?" sabi ni Prince. Tsk! Ano na naman bang problema niya sa upuan niya? Well, baka ayaw niya sa higad na katabi niya na walang iba kundi si Jandie. Si Jandie na araw gabi walang panti HAHAHA DE JOKE ≧∇≦

"Okay, pero isa sa inyo yung aalis!" Sabay turo sa amin ni Ma'am since kami yung nasa harap.

"Pinapaalis kana Blyx!" Mapangasar na ani ni Red.Tsk!Tatayo na sana si Blyx nang hinawakan ko yung balikat niya. Mapagkumbaba talaga itong bestfriend ko, wala mas nafafall lang ako sa kaniya.

"Ako nalang po!"sabi ko at tumayo.

"Huwag! Hindi ba lalaki babae yung seating arrangement." Depensa ni Prince. What's his problem? Big deal ba iyon?

"It's okay Mr. Xiena besides nagvolunter naman si Ms. Mount." Tugon naman ni Ma'am sa naging sagot ni Prince. Tiningnan ko si Ma'am. Tinanguan niya naman ako, hudyat na pwede na akong lumipat sa upuan ni Prince.

Pinandilatan ko si Prince nang lumagpas ako sa kaniya. Kahit ayaw ko, wala akong magagawa kung hindi tiisin na magiging katabi ko itong babaeng higad. Tinarayan ko siya nang makaupo ako.

"Is there anyone na magcocomplain pa about their seats?" Tanong ni Maam. Biglang tinaas ni Red, Prince at Blyx yung kamay nila.

"Don't tell me farsighted kayo?" Natatawang sambit ni Ma'am. Nahiya naman yung tatlo dahilan para pagtawanan sila ng mga lalaki kong kaklase.

"Ayiee~~~ Mukhang may gusto kayo kay Althea!" Bulyaw ng isa sa klasmate naming lalaki.

"Oo nga, Althea ang ganda mo talaga!" Banat naman nung isa. Nahiya tuloy ako HEHEHE. Tiningnan naman ako ng masama ng mga babaeng kaklase ko. Lalo na itong katabi kong higad. Inirapan ko lang siya and I flip my hair.

Nagpatuloy na si Ma'am sa pagdidicuss. Natapos na yung mga discussion and atlast recess na. Tumayo agad ako at niligpit yung mga gamit ko. Nang papaalis na ako, biglang nagring yung phone ko.

hello?

(Beshy!!!)

Jessamae? Oh My Gosh Bes! How are you?

(Im okey! Nga pala punta ka rito sa bahay. Bilis.)

What? Dumating kana?

(Yes..Kaya bilisan mo salubungin mo ko rito bilis)

*call ended*

Jessamae, is my Girlbestfriend since junior high. Siya yung kasama ko, when Chesca betrayed me. Nagbakasyon lang siya sa US for Business something. Let's stop this, pupuntahan kopa siya.

©introvert_wizard

Follow me on my social media accounts:

Facebook: Timothy Jeon

Twitter: @timothyjeon23

My other Wattpad Account: @introvert_wizard

THE THREE MAFIA HEIRESSWhere stories live. Discover now