TMH Chapter 25:Mission Impossible

866 46 0
                                    

Althea's PoV

"Wag ka ng magtago Althea.."nagulat ako ng banggitin ni Christian ang pangalan ko.Ang totoo kasi niyan sinusundan ko si Christian kasi di ako mapakali.Parang alam kong ikapapahamak niya tong gagawin niya.Lumabas naman ako sa tinataguan ko at hinarap si Christian.Nakita kong tumaas ang kilay nito na parang tinatanong ako kung bakit ko siya sinundan.

"Nag aalala lang ako sayo Christian.Kasi naman kinakabahan ako sa gagawin mo.Paano pag mapahamak ka sa gagawin mo!?Paano si Elisse!?Aba Christian wag mong sabihin aalagaan natin siya kahit patay kana at multo ka nalang kagaya ko.Mahirap kaya maging multo, may mga hindi ka nagagawa na nagagawa ng mga buhay"pagpapaliwanag ko sa kanya nginitian lang niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Huwag ka ng mag alala mag iingat ako.Tsaka magagaling tong mga kasama ko hindi nila ako iiwan.Kaya Althea wag ka na mag alala.Dahil hindi ako papayag na mamatay ako kasi papakasalan pa kita."sabay niya sabay kindat sa akin.

"Anong pakasal pakasal gague kaba Christian.Alam mong patay na ako.Paano?"sabi ko sa kanya na kinailing niya

"Manahimik baka rapen pa kita kahit patay kana Haha.Tara na nga sama ka sa akin tutal,alam ko namang susundan morin ako eh"sabi niya at hinawakan yung kamay at naglakad na kami.

Tinahak namin ang isang daan na puro damo.Sobrang dilim sa lugar na ito at tanging tunog lang ng mga hayop at kaluskos ng dahon ang maririnig mo.Tanging ang malaking buwan lang ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan namin ni Christian.

Maaninag mula rito sa nilalakaran namin ang isang lumang bahay na nasa gitna ng isang parang malaking plaza.Nakaramdam ako ng takot sa tunog na ginagawa ng mga yapak ni Christian.Napapalingon ako sa likod ng paulit ulit dahil parang may sumusunod sa amin.

Sa wakas narating na nga namin ang bahay o yung sinasabi ng lalaki na dati nilang headquarters.Kumatok si Christian sa pinto ng bahay at may sumilip sa isang maliit na butas ng pinto.Biglang bumukas ang pinto at lumabas yung lalaking kausap ni Christian kanina.

"Oh Andito kana pala Christian Welcome home Pare...tara pasok ka.Wag kang mahihiya parang hindi mo naman ito itinuring na bahay noon"pag yaya ng lalaki kay Christian papasok

"Ah salamat tope"sabi naman ni Christian tsaka pumasok na.Nilibot ko ang mata ko, sobrang dilim naman rito.Puno ng mga sira at lumang gamit ang headquarters nila.Puno rin ng alikabok at agiw ang buong bahay.

"Christian tumuloy kana dun sa kwarto ni Boss dun kasi magmemeeting.Nagsisimula nayun ikaw nalang hinihintay.Isasara ko lang tong pinto"sabi ni tope kay Christian. Tumango naman si Christian at pumunta sa kwarto na sinasabi ni Tope.

Pagbukas ni Christian ng pinto ng kwarto napunta ang atensyon ng lahat ng taong nasa loob kay Christian.Ngumiti lang si Christian at lumapit sa kanila.Limang lalaki ang narito sa loob at dalawang babae.

"Oh andito kana pala Christian nagsisimula na kaming magplano makinig kalang diyan.Malaking pera ang makukuha natin pag nagkataon."sabi nung lalaking parang lider nila.Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Tope at lumapit na sa amin.

"Kagaya nga ng sinabi ko sa linggo mag kakaroon ng business convention ang Seji Empire.Sa mga di nakakakilala sa Seji Empire.Ito ang pinaka nangungunang Mafia Org sa buong bansa,bawat oras may pumapasok na isang milyon sa kompanya nila.Sobrang rami ng pag aari ng Seji Empire."pagpapaliwang ng lalaki.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba ng marinig ko ang Seji Empire parang pamilyar sa akin ang mga iyon.

"Yun na nga,isa sa mga mahalagang anunsyo na ihahayag ng may ari ng Seji Empire ay ang pagkakabili nila ng La Perigrina Pearl"pagpapatuloy ng lalaki.

"La Perigrina?Ano yun boss hehe"kamot ulong tanong ni Tope habang ang iba ay maiging nakikinig sa bawat salitang sinasabi ng lalaki.

"Ang La Perigrina Pearl ay ang pinaka tanyag na alahas sa buong mundo ito ay nagkakahalaga ng $11 million USD o 550,000,000 peso."bigla namang nagpalakpakan ang mga lalaki ng marinig nila kung gaano kamahal ang alahas nayun.

"Wow sobrang laki nun..Jackpot talaga"sabi nung lalaking nakacap.

"Oo nga makakabili na ako ng bahay at lupa"sinegundahan naman ni tope.

"Maipapaopera kona si Elisse"masayang sambit ni Christian.

"Sshhh Tama na yan.Kailangan natin tong pagplanohan ng mabuti dahil hindi madali ang misyon natin.Delikado ang makakalaban natin.Marami silang pera at maimpluwensya kaya isang pagkakamali lang natin patay tayo"pananakot ng lider nila bigla naman silang natahimik. Kinabahan ako para kay Christian paano kung mahuli sila.Paano na si Elisse?Paano na ako?

"Ito ang magiging plano natin.Ikaw Arman"turo niya sa lalaking medyo patpatin pero nakakatakot ang itsura"Ikaw ang magbabantay dito sa entrance,hihintayin mo yung pearl na mapunta sayo."tumango naman yung lalaking sinabihan nung lider.

"Ikaw naman Aga ikaw yung magdradrive nung getaway vehicle natin kayo ni Anton.Doon kayo mag aantay sa kabilang kanto para walang makapansin sa atin naiintindihan mo ba?"Sabi nung lider nila sa dalawang lalaking parehong payat.

"Areglado Boss"sabi ng dalawa na sumaludo pa.

"Tayo naman Christian,tope,Marga at Ayesha tayo ang papasok sa loob.Ikaw Christian ang kukuha ng La Peregrina Pearl sa loob ng kwarto habang kaming tatlo ang magiging lookout mo."sabi nung lalaki bigla naman akong kinabahan.Bakit si Christian pa ang kukuha paano pag may nakabantay pala sa loob ng kwarto edi huli siya.Bigla akong nalungkot ng biglang tumango si Christian.

"Oh cge bukas ulit.Balik kayo para maghanda tayo..Cge alis na ako"sabi nung lider.At umalis narin yung iba si Christian nalang ang naiwan at isang babaeng mukhang clown sa kapal ng make up niya.

Biglang lumapit yung babae kay Christian at dinampi ang kaniyang isang daliri sa mukha ni Christian na parang inaakit ito.Ang sarap nitong patayin.

"Ahmm...Christian i miss you...Namiss kona yung ginagawa natin...Naalala mo paba!"pangaakit sa kanya ng babae habang pakagat kagat pa ng labi yung punyeta.Makagat mo sana bibig mo punyeta ka.Pinandilatan ko naman si Christian.

"Hehe anong sinasabi mo Marga..."nauutal na sabi ni Christian habang nakatingin sa akin.

"Dimo ba naaalala?"sabi nung babae sabay dampi sa chest ni Christian.Nanggigigil ako punyeta nilingkis pa niya katawan niya.Ahas!Ahas lang ang peg ate girl kutusan kita diyan.

"Magsama kayo niyang ahas mo!"bulong ko kay Christian at naglaho na.

Pagkalabas ko ng bahay nila bigla namang bumukas yung pinto iniluwa nito si Christian.

"Ito naman selos agad.Ikaw lang po mahal ko"sabi ni Christian sabay ngiti shemas kinikilig ako.

"He!!Tumigil ka dyan baka pagdugtungin ko kayo nung babaeng yun"singhal ko sa kanya.

"Sorry na mahal dina po ako lalandi"sabi niya at niyakap ako.Shemas kinikilig talaga ako bwesit...Oo na oo na talo na ako

"Ok ok.."Sabi ko"Ahmm Christian itutuloy mo parin ba yung misyon niyo.Narinig mo naman yatang delikado ang gagawin niyo.Paano pag ikamatay mo yun?Paano na si Elisse?"sabi ko sa kanya

"Gagawin ko to para sa kapatid ko.Alam mong ito lang ang paraan para maligtas siya.Ayoko humingi ng tulong sa magaling kung ina"sabi niya na makikita sa ang galit sa kaniyang mga mata.Ina?Akala koba wala na siyang mga magulang.

"Nanay akala--"

"Wala yun!Tara na..." sabi niya at hinila ako paalis.

©HeiressWritesStory

Follow me on my social media accounts:

Facebook:
Heiress Writes

Twitter:
@Heiress Writes

Instagram:
@Heiress Writes

My other Wattpad Account:
writerwannabe155II

THE THREE MAFIA HEIRESSWhere stories live. Discover now