Chapter 11

1.1K 52 0
                                    

Chapter 11 : He's Back

Althea's PoV

Pagkababa ko sa jeep, pumasok na ako sa school. Huminga ako nang malalim bago pumasok. Pagkapasok ko uminit lang yung ulo.I don't know why basta may nakita ako na ikinainis ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dinaanan lang si Prince na may kausap na babae. Pagkalagpas ko hindi ko talaga sila pinansin. Ano sila sinuswerte? Gago talaga yung lalaking iyon, ang sweet sweet kahapon then ngayon walang paki!Tsk! Hindi ko na siya pinakialaman at pumunta na sa Room.

Pagkarating ko doon umupo agad ako sa may pinakadulo. Since wala pa namang permanent seat, dahil second day palang. Tumingin nalang ako sa labas, tanaw ko mula rito yung mini garden. Aish, Naaalala ko na naman yung nangyari.Tsk! Binaon ko nalang yung ulo ko sa desk at natulog muna. Wala pa naman yung teacher namin.

"Babe! Gising na nandito na si Ma'am!" Naalimpungatan ako dahil sa walang tigil na pagyugyug sa akin ni Prince. Napalingon ako sa kaniya at inirapan ko lang siya. Ano siya sinuswerte? Matapos niyang hindi mamansin kanina. Manigas siya! Lumingon nalang ako sa kabilang side.

"Althea! Gising na nandito na si Ma'am!" This time hindi ko parin siya nililingon. Wala akong pake kong nandiyan na si Maam. Tutal hindi niya naman ako makikita dahil nga nasa dulo ako. Pinikit ko nalang yung mga mata ko.

"Goodmorning Class!" Rinig kong bati ni Ma'am.

"Goodmorning Ma'am!" Bati ng mga classmate ko.

"I am here to announce that you have a new classmate." Anunsiyo ni Ma'am. Wala naman akong pake kung sino siya. Kahit anak pa siya ng presidente. Narinig kong bumukas yung pinto.

"KYAHHHHHHHHH!!!!" Sigawan nang mga haliparot kung babaeng classmate.Tsk! I bet gwapo na naman iyan. Hayst! Hindi ba sila nakuntento? Marami namang gwapo rito sa Mercurians University.

"Okay, Please introduce yourself"

"Hi I'm Red Monlaxy" Napadilat ako sa narinig ko at the same time bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit siya nandito? Binalikan niya ba ako? Gaga! Nagaasume kana naman. "I know some of you know me"

"Kyahhh! Ang cute mo Red!"

"Take me with you,Red!" Ang lalandi talaga. AKIN LANG SIYA!Napatakip ako ng bibig sa isip ko. Anong sinabi ko? Tsk! Hindi ko nalang sila pinansin. Huwag mong ipahalata na affected ka self.

"And I'm here to get what I left,
my A" Napalunok ako sa sinabi niya. Ano daw kukunin niya ako? Napatayo ako sa kinauupuan ko, kaya dumako yung tingin nila sa akin. Tiningnan ko si Red.

"Nandiyan ka pala A" Sht! Ano na naman ito? Bumibilis yung tibok ng puso ko. Pwede na ba akong himatayin, as in now na? Mga bakla! Mas gwumapo siya! Aist! Ano bang iniisip ko? Niloko ka niya!Pero mahal mo pa? Ang tanga mo talaga Althea!

Napayuko ako nung marealize ko na nakatayo pa pala ako. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo, basta tumitingin lang sila sa akin. I gave them a what-is-happening? look. Tumingin ako kay Ciera na nasa harapan ko.

"What is happening?" Bulong ko sa kaniya.

"I love you daw? Tinatanong ka kung mahal mo parin daw siya" Pabulong niyang lintaya. Ano daw?Bahala na nga!

"Ahmm---Yes!"sigaw ko. Nanlaki naman ang mga mata ng klasmayte ko. Napangisi si Red habang si Prince ay bigla nalang umalis.

Can someone tell me kung anong nangyayari?

THE THREE MAFIA HEIRESSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt