Chapter 15

920 46 0
                                    

Chapter 15 :
3 Months and 20 Days Left

Sharia's PoV

"Wake up Sharia!"gising sa akin ni Miguel. Agad naman akong sumandal sa headboard ng kama ko.

"I'm still sleepy"walang gana kong sambit.

"Tayo na diyan, may pupuntahan tayo"sabi niya sa akin. Napadilat naman ako at tumingin sa kaniya. Saan kami pupunta?

"Saan?" tanong ko sa kaniya.

"Basta, tayo na diyan. Maligo kana rin ang baho mona" Pangiinis niya kaya binato ko siya ng unan.

Umalis na siya habang ako ay pumunta na sa Cr at naligo.
Habang dumadaloy sa bawat parte ng katawan ko ang malamig na tubig, biglang sumakit yung ulo ko. Napasigaw ako dahil sa labis na sakit. Unti-unti akong napaupo at napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nakarinig ako ng yapak papaunta sa akin at biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Miguel  at otomatikong lumingkis ang kamay ko sa katawan niya para yakapin siya. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize na nakahubad pa ako. Agad kong tinadyakan si Miguel.

"You pervert! Labas! Lumabas ka!" Paulit-ulit ko siyang tinutulak. Nung una ay nagtaka pa siya, pero kinalaunan ay narealize niya dahilan para mapatawa siya. Tumingin siya sa kabuuan ng katawan ko. Bigla kong kinuha yung tuwalya at inis na sinara yung pinto. Rinig na rinig ko mula dito ang tawa ni Miguel.Namula ako dahil sa kahihiyan. Napasandal ako sa pader at tinakpan yung mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

Nakakahiya!

Pagkatapos kong maligo ay dahan dahan akong lumabas ng Cr. Nakita ko si Miguel na nanunuod ng tv. Nakatingkayad akong pumunta ng kwarto para hindi niya maramdaman na andito ako. Pumasok ako at nagbihis na. Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa kinauupuan ni Miguel.

"Bilis na diyan!"sabi ko sa kaniya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Nanlaki naman ang mata ko nang tumigil siya sa bandang ibaba ko.

"Hoy! Ang bastos mo!"bulyaw ko sa kaniya na ikinatawa naman niya. Tumayo siya at hinawakan yung kamay ko.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko sa kaniya.

"Basta, tiwala lang." ani niya at nagsimulang maglakad. Paglabas namin ng apartment ko, nakita ko yung kotse niya at agad na sumakay.

Pagkatapos ng ilang minutong pagbiyahe sa wakas ay huminto yung kotse niya. Tumingin ako sa labas, laking gulat ko ng mapagtantong nasa isang amusement park kami. Parang bata akong lumabas sa kotse niya at malapad ang ngiting hinarap ang harapan ng amusement park. Matagal na akong hindi nakakapunta rito, busy kasi sa school.

"Hoy, tara na!"sabi ko kay Miguel at hinila siya. Pumunta kami sa may pila ng roller coaster.

"Wait, dito tayo sasakay?"tanong niya. Mukhang takot ata siya sa rides HAHAHA. Hindi kona siya sinagot at hinila siya tsaka umupo sa upuan ng roller coaster. Nagpumiglas siya bago sumakay. Tinawanan ko lang siya dahil wala na naman siyang magagawa. Sigaw ako ng sigaw out of excitement habang siya ay tila natatae na HAHAHAHA. Pagkatapos ng ride, parang lasing si Miguel na bumaba ng ride. Kanina pa sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa.

"Okay lang yan---pfft--Bakla kaba?---Para yun lang." ani ko habang pinipigilan yung sariling hindi matawa. Pinandilatan niya ako, mukhang galit na siya.

"Tara, kain tayo treat ko!"sabi ko. Tiningnan niya naman ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hinila ko siya at dinala sa isang restaurant malapit sa amusement park. Hihilain kona sana siya papasok pero bigla siyang tumigil. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong.

THE THREE MAFIA HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon