Chapter 11 Part 02

1K 46 0
                                    

Chapter 11 Part 02 : He's Back

Althea's PoV

"Boyfriend mo?" Tanong ni Red. Si Prince boyfriend ko? NO WAY!

"Oo, bakit may magagawa?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Prince. May diperensya talaga siya sa utak.

"Anong sinasabi mo?" Bulong ko sa kaniya, pero bigla nalang siyang sinuntok ni Red. Natumba si Prince dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Red. Tinulungan ko agad si Prince na makatayo.

"Ano bang problema mo?" Bulyaw ko sa kaniya. Nababaliw naba siya? Sinong matinong tao ang mananapak nalang bigla?

"Anong problema mong gago ka?" Hiyaw ni Prince at akmang susuntukin na si Red. Agad ko naman siyang pinigilan. Kainis naman itong dalawang to. Nakakahiya na kasi, halos lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa amin.

"Ikaw yung problema kung puta ka!Layuan mo si Althea kung hindi makakatikim ka sa akin!" Nagulat ako sa sinabi ni Red. Anong pinagsasasabi niya?

"Wala na naman kayo hindi ba?Kaya huwag kang umarte na parang boyfriend niya." Bulyaw naman ni Prince. Akmang susuntukin na naman ni Red si Prince kaya agad akong pumagitna sa gitna.

"Hoy ikaw!" lingon ko kay Red. "Ano bang problema mo? May pakialam kaba kong may boyfriend ako? Huwag kang umastang boyfriend pa kita." Inis kong bulyaw, pagkatapos ay lumingon kay Prince. "At ikaw naman, sino nagsabi sayo na boyfriend kita?Aba Prince Melfin Xiena sa pagkakaalala ko, hindi ka nanliligaw sa akin at hinding hindi kita sasagutin." Narinig kong tumawa si Red sa huling sinabi ko. Halata naman sa mukha ni Prince ang labis na pagkainis. Totoo lang naman yung sinabi ko. I turned my back on them and walk away out of frustration.

"Babe, lets go?" Rinig kong tanong ng haliparot kung ex bestfriend.

"Lumayo ka nga sa akin. Wala na tayo." Rinig kong sigaw ni Red. Bagay lang yan sa haliparot kung ex bestfriend ko.

Bumalik na ako sa room namin. Pagkatapos ay natulog muna ako since wala pa yung teacher namin. Nakakaantok palang makipagtarayan. Nang minulat ko ang mata ko napatingin ako sa taong nasa tabi ko. Nanlaki yung mata ko nang makitang hindi si Prince yung nasa tabi ko, kundi si Red.

"Hi A! Miss me?" Nakangiting ani ni Red. Nginitian korin siya at umayos na ng upo. Ano ba yan wala parin si Ma'am? Tiningnan ko yung relo ko. It's already 1:30, dadating paba iyon? Hinanap ng mata ko si Prince pero hindi ko siya nakita. Ano kayang nangyari doon?

"Sino hinahanap nang A ko?" Nakataas ang kilay kong tiningnan siya. Ano bang pinagsasabi nito? Akala ba niya napatawad kona siya? Well, napatawad kona nga siya pero hindi pa siya humihingi ng tawad.

"What's with the nickname?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit hindi mo ba naaalala? I used to call you my A and you used to call me, my R." Sabi niya na ikinangisi ko.

"Yeah, ikaw narin yung nagsabi. You used to! It means tapos na, wala na. Past tense. Kaya move on, move on rin pag may time!"sabi ko habang nakangisi parin. Kahit napatawad kona ang ugok na ito, hindi ibig sabihin nun ay okay na kami. Kahit naman nakalimutan kuna iyon, the point is nasaktan niya ako. I used to believe that our love was a fairytale but then one day I woke up and realize that it was a nightmare.

"Hindi mo ba ako na miss? Sorry na. Lasing ako noon. Inakit niya ako" Sabi niya habang nakanguso pa. Aba nagpapakyut pa ang gagu. Akala niya ata madadala ako sa pagpapakyut niya.

THE THREE MAFIA HEIRESSWhere stories live. Discover now