Chapter 17:3 Months and 14 days

862 43 0
                                    

Sharia's PoV

It's been a week since naging mabait at sweet yung pakikitungo ni Miguel sa akin.Medyo nanibago nga ako sa mga ginagawa niya.Ilang araw narin akong dinadalaw ng bangungot and the more interesting thing is pare pareho lang ang napapanaginipan ko tungkol dun sa babaeng namatay.

Pero diko alam kung bakit ko yun napapanaginipan.Bumangon ako sa kinahihigaan ko para maghanda na para umalis.Aalis kasi na naman kmi ni Miguel.I dont know kung saan niya ako dadalhin at kung ano na naman gagawin namin.Pero napapangiti talaga ako pag naaalala ko siya.I dont know pero gumagaan yung pakiramdam ko.Naligo na ako at nagbihis.Paglabas ko ng apartment nakita ko si Miguel nakasandal sa kotse niya.

Gosh...Bakit ang gwapo niya!?Shemas...Naiinlove na yata ako...Well di naman masama yun single siya,single din naman ako..Wait hoy Sharia ang landi mo..Hehe

"Oh sakay kana!"aya niya sa akin na hindi manlang tumitingin sa akin.Sumakay naman ako.

"Saan tayo pupunta Miguel?"tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita at pinaharurot lang yung kotse.

Dont know pero iba awra niya ngayon,well since kahapon pa hindi niya ako pinapansin tinext niya lang ako na aalis daw kami.
Huminto kami sa isang building, may ice cream parlor na nasa baba while may barber shop sa second floor at may restaurant sa third floor.

Bigla akong napatingin sa kanya pero imbis na dapuan ako ng tingin bumaba siya agad.Mabilis naman akong bumaba ng kotse at hinabol siya.

"Hoy Miguel!"sigaw ko pero hindi parin niya ako linilingon at patuloy parin siya sa paglalakad.Hayst problema ba nun?Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng malapit na ako sa pinto.Bigla akong napasabunot dahil sa inis sa kanya.

Laking gulat ko ng may mabunot na mga buhok.Biglang nanginig ang mga tuhod ko.Parang akong naestatwa habang tinitingnan yung buhok ko na nalagas.Tiningnan ko si Miguel he was at the counter at nakikipag usap sa tindera ng ice cream parlor.May mga luhang pumatak mula sa mata ko.

Mabilis akong tumalikod at napatakbo sa kotse ni Miguel.Pagdating ko sa kotse ni Miguel,biglang pumatak yung mga luhang matagal ko ng pinipigilan.Kahit alam kong mangyayari to sa akin dahil sa sakit ko,nasasaktan parin ako.Natatakot.Natatakot na baka hindi tatlong buwan at labimg apat na araw nalang akong mabubuhay.

Pero kailangan kong maging matatag para sa sarili ko,para kay Miguel.Para sa taong mahal ko.Oo mahal kona si Miguel even though hindi ko alam kung mahal niya ba ako.Pinunasan ko yung mga luha ko at nagpasyang bumalik sa ice cream parlor.

"Saan ka nagpunta?"Cold pero mahahalata mo yung galit at inis sa boses ni Miguel

"Ah sa kotse..."walang ganang sambit ko at umupo sa harap niya.I heard him tssk.Ano bang problema niya?May ginawa ba akong masama?

Wala ako sa mood na makipag away sa kanya dahil sa nangyari kanina kaya kinain ko nalang yung ice cream na binili niya para sa akin.

"Kakainin mo ba yan o bababuyin mo lang"napatingin ako kay Miguel.Wala kasi akong gana at imbis na kainin ko yung ice cream,nilalaro ko na lang ito.Yumuko ako agad at walang ganang binagsak yung kutsara ko.

"Akala koba nasa bucketlist mo to"sabi niya pero hindi ko narinig.Well wala rin akong pake kung ano sasabihin niya dahil nagagalit na ako sa kanya.

"Alis na nga tayo!"sabi ko at padabog na tumayo.Paglabas ko nakita ko si Arthur,classmate namin.Linapitan ko siya at naisipan sa kanya nalang magpasundo.

"Arthur!"tawag ko sa pangalan niya.Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Oh Sharia bakit?"tanong niya sa akin.

THE THREE MAFIA HEIRESSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant