TMH Chapter 24:Spooky Mission

881 46 0
                                    

Althea's PoV

Pagkatapos ng sobrang habang paglalakad,narating rin namin ang bahay nina Christian.Simple lang yung bahay nila.Medyo may kalumaan na yung bahay pati narin yung mga gamit.Inilapag ni Christian ang pagkain na binili namin kanina,sa lamesa.

"Elisse!"sigaw ni Christian.Baka yun yung pangalan ng kapatid niya.Lumabas sa isang kwarto ang isang teenager na babae na sa tancha ko ay nasa labing tatlong taong gulang palang.

"Nandito po ako Kuya."sambit niya pagkalapit niya sa amin.

"Kuya..ahmmm...may kasama po pala kayo?"sabi niya habang naiilang na tumingin sa akin.

"Ah Elisse siya si Ate Althea mo kaibigan ko dito muna siya sa atin habang inaalam namin kung sino pumatay sa kanya."paliwanag ni Christian kay Elisse.Tumango naman si Elisse at ngumiti sa akin.Sinuklian ko rin naman ito ng matamis na ngiti.

"Tara na Elisse Kain na tayo.Gutom na kuya mo eh"nakangiting ani ni Christian kay Elisse."Tara dun tayo sa kusina"pag aaya ni Christian sa akin,tumango rin naman ako at sumunod sa kanila.

Hinanda na ni Christian yung kakainin nila.Habang si Elisse ay kumuha na ng plato,kutsara,tinidor at baso sa lalagyan at inilapag ito sa mesa.

"Kayo po.Ate di poba kayo kakain?"tanong ni Elisse sa akin.

"Hindi kumakain ang multo Elisse hehe"masigla kung ngiti sa kanya.

"Okey po.Kain na tayo kuya."
Bago kumain nagdasal muna sila.Napapangiti ako sa tuwing nakikita ko ang magkuya.Sobrang close sila sa isat isa.Mahahalata mong mahal na mahal talaga ni Christian ang kapatid niya.

Pagkatapos nilang kumain ay natulog na sila habang ako haha. Syempre hindi natulog,nasa labas ako ng kwarto nila.

Napagdesisyunan kong pumasok sa kwarto nila.Ang cute nilamg tingnan,magkatabi pa talaga sa kama.Lumapit ako sa kanila.Medyo malaki rin ang kama kasha pa nga ang isa pang tao sa kama.Lumapit ako sa side ni Elisse at hinawi ang mga buhok niya na tinatabunan ang mukha nito.

Napapangiti ako,ang cute kasi talaga ng mukha niya.Hinalikan ko siya sa noo at lumipat na sa kabilang side.Di ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba ng makalapit ako kay Christian.I bent my knees para maging kapantay ko yung mukha niya.

Ang gwapo naman nito shemas di mo talaga mahahalatang magnanakaw.Ang tangos ng ilong niya.Yung labi niya sing pula ng rosas.Ang kaniyang pisngi naman ay parang mga kamatis sa sobrang pula.At ang kaniyang pilik mata me ghed ang haba at curl yung dulo.

Hehe crush na kita Christian dahil mapagmahal ka sa kapatid at higit sa lahat gwapo hehe.Pero sayang magnanakaw lang eh tsaka medyo suplado.Nabigla ako ng biglang mapansin kong nakatingin na pala siya sa akin.

"Baka matunaw ako"nakangisi niyang ani,napatayo naman ako.

"Ang kapal mo may lamok gusto ko sanang patayin."sabi ko at nahihiyang tumalikod sa kanya

"Dinamay pa yung lamok"natatawang sabi niya

"Eh totoo naman.Bahala ka kung di ka maniniwala sa akin."naiinis kong sabi at umalis na.

My gosh nakakahiya,baka isipin niya may gusto ako sa kanya.Well may gusto naman talaga ako sa kanya eh.Pero..Pero may gosh nakakahiya talaga.Mabuti nalang multo nalang ako at di ko nararamdaman yung tibok ng puso ko.

©HeiressWritesStory

Lumipas ang ilang araw at naging malapit na ako sa magkuya.Napamahal na ako sa kanila.At aaminin ko nahuhulog na ako kay Christian.Naging kasama rin niya ako sa mga pagnanakaw na ginagawa niya.Nandito ako sa bahay nila tinitingnan silang kumakain.

*Blagh*

Napatayo ako ng biglang matumba si Elisse.Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Elisse!!!Elisse!!!!Gising!!!"sigaw ni Christian sa kapatid habang niyuyugyog ito.Napalapit ako sa kanila.

"Tumawag ka ng ambulansya.Ako na bahala rito."sabi ko at pinaalis si Christian.

Ilang minuto ang lumipas dumating na ang ambulansya.Inihiga si Elisse sa strecher at pinasok sa ambulansya.

Halatang halata sa mukha ni Christian ang pag alala sa kaniyang kapatid.Hawak hawak niya ang kamay nito.Habang kinakausap ang natutulog niyang kapatid.

*Ospital*

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ng doktor na nag asikaso kay Elisse.Lumapit ako kay Christian, halata sa kanya yung lungkot.Napayakap siya ng makita ako.

"Paano na to Althea.?Anong gagawin ko?"sunod sunod na tanong niya pagkahiwalay niya sa yakap.

"Bakit ano bang sinabi ng doktor?"nagtataka kung tanong sa kanya

"Kailangan na daw operahan si Elisse dahil lumalala na ang sakit niya.Kailangan ng malaking halaga ng pera 25,000,000.Saan ako hahanap ng ganun kalaking pera?Kailangan ko pa yatang nakawan ang bawat bahay sa pilipinas upang mabayaran ko yun."sabi niya.25,000,000 ang laki naman nun.Mahirap ngang humanap ng ganun kalaking pera.May lalaking lumapit kay Christian.

"Oh Christian Pre!Bakit ka nandito."sabi ng lalaking dumating.

"Na ospital kasi si Elisse pre kaya nga naghahanap ako ng pera.May racket ka ba dyan pre?"tanong ni Christian sa lalaki.

"Tamang tama tol may malaking operasyon kaming gagawin sa linggo malaking pera makukuha natin pre.Ano sama ka?"sabi nung lalaki.

"Oo sasama ako!"masiglang sabi ni Christian mukhang nabuhayan siya ng loob.

"Mayang gabi punta ka sa dating headquarters natin magplaplano na kasi tayo.Malapit narin kasi maglinggo.Cge alis na ako pre"sabi nung lalaki at umalis.

"Sino yun!?"tanong ko kay Christian

"Si tope dati kong kasamahan sa Agro."sagot niya sa tanong ko

"Agro?"nagtatakang tanong ko

"Ang Agro ay grupo ng mga kilalang magnanakaw dito sa maynila.Dati nila akong kasamahan pero na buwag yung grupo namin dahil sa alitan.Kaya ayun nagkanya kanya na kami.Di ko alam na nagkasama sama na ulit sila."pagpapaliwanag niya sa akin.Tumango naman ako sa kanya.

©HeiressWritesStory

Follow me on my social media accounts:

Facebook:
Heiress Writes

Twitter:
@Heiress Writes

Instagram:
@Heiress Writes

My other Wattpad Account:
writerwannabe155II

THE THREE MAFIA HEIRESSWhere stories live. Discover now