06|narration

166 15 7
                                    

jiyeon

"yoo jiyeon po, class h12A.."

pinapasok na ako sa loob ng detention room. may mga iilang estudyante din doon. Ang iba natutulog ang iba naman mukhang may dinodoodle sa notebook nila. Napa buntong hininga na lang ako. Dapat nakahilata na ako ngayon sa kama ko pero bwiset kasi 'yang si Jeonghan, yan tuloy! Nasa detention ako.

Halos isang oras din ang detention ko. Hayst, anong gagawin ko sa isang oras?! Napatingin ako sa buong room. Wala naman akong kakilala sa kanila. Ano ba yan. Sabaw tong isang oras ko.

Tumungo ako sa desk at matutulog na sana ng biglang umalog yung upuan ko. Sinamaan ko naman yung lalaki na nasa likod ko.

"pwede ba? nakikita mong matutulog ako eh.."

ngumiti siya sabay may inabot na maliit na papel sa akin. tinanggap ko ito. malay mo, ito na pala winning numbers ng lotto.

ang cute mo, may i know your name?!

Nilukot ko toh at binalik sa kanya. "wag kang papakboy ah.."

Nagulat ako ng bigla syang naupo sa tabi ko. "huy, wag ka na magalit.." natawa sya. sino ba tong papansing 'toh?

"pwede ba, lubayan mo ako, tsaka who u? ang feeling close mo ah?.." sinamaan ko siya ng tingin. infairness, gwapo siya, maputi, maganda ang mga mata, makapal ang kilay at mapula ang labi.

"hala" tinakpan niya ang bibig niya. ano nanamang pakulo yan? . Sandali, pamilyar siya.

"omg, ikaw ba kapatid ni Johnny?.." natatawang tanong  niya. Kaya pala pamilyar siya, isa siya sa mga kaibigan ni kuya.

Tumango ako. Matutulog na sana ako ulit ng bigla siyang magsalita. "I'm Moon Taeil.." inilahad niya ang mga kamay niya. Ano ba 'tong lalaking 'toh? Ang kulit din ng lahi.

"Yoo Jiyeon.." hindi ko pinansin ang kamay niya. "pwede ba? lubayan mo nga ako.." hayst! Yoon Jeonghan! Ikaw talaga ang may kasalanan nito eh!

Mabagal ang oras sa loob ng detention. Tapos kinukulit pa ako nitong si Taeil. Bakit ba ang kulit kulit nito? Halatang kaibigan ni kuya eh. Tumingin ako sa wristwatch ko. Shet! Malapit ng matapos ang isang oras.

"bakit hindi kayo magka-mukha ng kuya mo?.." tanong naman ni Taeil habang nakatingin sa akin.

"syempre, mas cute ako doon ng 1000 times.." sagot ko. Wow, ang kapal ko talaga.

Natawa siya. "I agree.." rinig kong bulong niya. Natawa naman ako. Fanboy ko ata 'tong lalaking 'toh eh. Ang ganda ko talaga potcha!

Pilit akong kinakausap ni Taeil pero dedma lang kasi gusto ko na talagang umuwi at humiga sa kama ko! Ugh, bwiset kasi talaga yung si Jeonghan, napaka-pabida.

"Okay, sige na. Pwede na kayong umuwi.." dali dali akong tumayo at lumabas ng room. Yes! makakalabas na din ako sa sinumpaang room na 'yon.

"Bye, Jiyeon. Ingat ka.." kinawayan pa ako ni Taeil. Tinanguan ko na lang siya at nagmamadaling mag-lakad. Nasa ground floor na ako ng makita ko si Jeonghan.

"Aba! Bakit andito pa 'tong pabading toh?.." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan. Naka-pamulsa siya habang naglalakad. Pa-senpai talaga 'toh kailan, akala mo kina-manly niya.

Nagulat ako ng lumiko siya papunta sa kabilang building. Teka, building 'toh  nila kuya ah? Ano kayang gagawin niya dito.

Nagtago ako sa malalaking locker. Nakita ko si Jeonghan na may kayakap na babae. Teka, may girlfriend ba si Jeonghan?! Akala ko bading siya. Sumilip ako ulit at nagulat ako ng naghahalikan sila.

"tangina, bawal ang PDA dito ah.." bulong ko. Tangina, gaganti ako sa bwiset na lalaki na 'toh. Kinuha ko yung phone ko at pinicturan sila. Mukha lang ni Jeonghan ang kita sa picture. Sino kaya tong babae?!

"President ng student council pero nagp-pda, yari ka sa aking bading ka..'' itatago ko na sana yung phone ko ng makita ko yung mukha ng babae. Agad ko silang pinicturan, dama ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang phone ko.

"bakit niya kahalikan girlfriend ng kuya ko?.."

---








cheater \ 2jeongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon