56 | narration

99 8 1
                                    

Jiyeon's

Maagang na-dismiss ang klase namin, nalate kasi yung prof namin ng 30 minutes kaya napagdesisyunan na niya na pauwiin na kami. Jusko, sana lahat ng teacher ganon diba. Hinanap ko si Nayeon pero hindi ko na siya nakita. Nasaan ba yun? Kanina andito lang 'yun ah. Chinat ko na lang siya.

"Jiyeon.." narinig kong tawag ni  Joshua sa akin. Nginitian ko siya at nag-hi.

"Bakit nga pala?.." tanong ko sa kaniya.

"Nakita mo ba si Jeonghan?.."

Umiling ako. "Hindi eh.." tipid kong sagot. Hala, bakit ba ang gwapo ni Joshua lalo kapag malapitan? Galit ako, bimb.

"Baka naman nasa office? President yun ng student council diba? Malapit na rin 'yung gaganaping quiz bee diba? Baka inaasakikaso nila?.."

Tumango naman si Joshua at napakamot ng buhok niya. Nakita ko siyang ngumiti. "Ah, oo nga pala. Sige , salamat.." nagpaalam siya.

Hindi pa din nagre-reply si Nayeon sa chat ko kaya hinayaan ko na lang. Uuwi na lang ako. Sumakay ako ng Bus at nakarating din naman agad sa bahay.

Binuksan ko yung gate namin. Papasok na sana ako ng may marinig akong sumisigaw.

"Bakit, Jiyah? Paano mo 'toh nagawa sa akin? Ha?.."

Agad akong kinabahan sa narinig ko. Hindi muna ako pumasok at nanatiling nakikinig sa usapa nila. Sumilip ako ng kaunti at nakita ko si kuya na galit na galit at si Jiyah naman na umiiyak.

"Youngho please.." halos magmakaawa na si Jiyah kay kuya pero halatang walang balak si kuya na pagsalitain si Jiyah.

"Bitawan mo ako, sabi ng bitawan ako.." nagulat ako sa pagsigaw ni Kuya. Hindi ko pa siya narinig na sumigaw ng ganoong kalakas. Galit na galit siya. Kahit ako, natakot ng makita ko ang mukha niya. Malayo sa palatawa at mapagbirong si kuya.

"Tangina lang kasi Jiyah.."  narinig kong nag-crack ang boses niya. Paiyak na din siya. "Bakit mo nagawa yon? Di pa ba ako sapat sayo?."

Bumigat din ang nararamdaman ko. Ayokong nakikitang ganito ang kuya ko. Ang sakit.

"Ang mahirap pa, nalaman ko pa sa iba.." rinig na rinig ang iyak ni Jiyah. "Ang sakit lang na malaman na wala kang balak na sabihin sa akin."

"Y-youngho, p-please.."

Nagulat ako ng biglang lumabas si kuya ng bahay. Nagka-tinginan kami pero umiwas siya ng tingin. Nakita kong sumunod si Jiyah at lumabas din ng bahay.

"Umalis ka na.." malamig at puno ng galit ang boses ni kuya. Pati ako, natatakot na sa kaniya.

"H-huwag mo naman akong paalisin, p-please just hear me o-out." utal na sambit ni Jiyah. Sa sobrang pag-iyak niya, hindi na niya kayang magsalita ng matuwid.

Nilapitan ko siya at pinatayo sa pagkakaluhod niya. "J-jiyah, tayo na.." inalalayan ko siya.

"Kuya, makinig ka muna please, magpapaliwanag siya.." sabi ko. Tinignan lang ako ng masama ni kuya.

"Pwede ba? Para saan pa yang paliwanag niya?.." tumawa ng sarkastiko si kuya. "walang kwenta na yon. At pwede ba Jiyeon, huwag kang makielam.."

Tumayo si Jiyah at akmang lalapitan si kuya pero lumayo naman ito agad. "Alam mo kung mong umalis pwes ako na lang.." malakas na sinarado ni kuya ang gate kaya parehas kaming nagulat ni Jiyah.

Pagkaalis ni kuya agad akong niyakap ni Jiyah. "J-jiyeon..''

"Tahan na,maayos din ang lahat. Bigyan muna natin si kuya ng konting space at oras.." pinatahan ko siya.

"P-paano kung hindi na siya bumalik sa akin?.." naiiyak na tanong ni Jiyah. "A-ayoko siyang mawala sa akin.."

"Shh, magiging ayos din ang lahat.." paninigurado ko kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa kung anong mangyayari.

- - - - -




cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now