48 | narration

111 8 3
                                    

Jeonghan's

Nagmamadali akong lumabas ng room namin para puntahan si Jiyah. Hindi ko na lang muna pinansin ang mga babaeng pinagtitinginan ako. Wala eh, gwapo ko talaga.

Nang makalabas ako sa school, agad akong sumakay ng tricycle para mas mabilis akong makarating sa restaurant kung nasaan si Jiyah. May kalayuan din kasi ang restaurant para walang makakilala sa amin ni Jiyah kapag nagdi-date kami. Nakarating ako at nagbayad na kay manong. Pagpasok ko ng restaurant, ayan na naman ang mga tinginan ng mga babaeng nakakita sa akin.

Inborn talaga kapogian ko.

Bigla ko na lang tuloy naalala si Jiyeon. Paniguradong ta-talkshitin ako ng bruhang 'yon kapag narinig niya yung mga sinabi ko. Napailing na lang ako ng maalala ang babaeng yon.

Agad kong nakita si Jiyah at lumapit ako sa kaniya. Kumakain siya ngayon ng carbonara. Ang babaeng 'toh, napaka-hilig talaga sa pasta. Napangiti na lang ako ng makita siyang nage-enjoy sa kinakain niya.

"Ay shocks, andito ka na pala? I'm sorry, di kita napansin.." nahihiyang sabi niya at nagpunas ng tissue sa bibig.

Napangiti naman ako. Napaka-hinhin talaga ni Jiyah, kapag si Jiyeon, napaka-baboy kumain ng babaeng 'yon. Napatigil naman ako.

Bakit ko siya biglang naisip?

"Ayos ka lang, Hanie?.." tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at mahina itong pinisil. Tumango ako at ngumiti.

"Mag-order ka na muna, mukhang gutom ka na eh.." sumunod naman ako at nag-order ng makakain. Tahimik kaming kumain ni Jiyah. Hindi ko alam pero hindi ako sanay sa ganitong katahimik. Kapag si Jiyeon ang kasama ko, puro sigawan kasi lagi niya akong inaasar at hindi naman ako nagpapatalo sa kaniya.

Bigla na lang akong natawa ng maalala ko yung kasama ko siyang kumain sa mcdo at nagbatuhan kaming dalawa ng fries.

Tinignan ako ni Jiyah ng mapansin niyang natatawa ako. Hala, baka kung anong isipin niya.

"Hanie, hindi ko na papatagalin pa ah?.." nakita ko siyang ngumiti at inilapag niya ang hawak niyang tinidor.

"Alam kong ang sama ko sayo. Ang dami kong mga pangako na hindi ko naman tinupad. Ang duwag ko kasi hindi ko kayang makipag-hiwalay kay Youngho, ang duwag ko kasi di ko man lang maipaglaban yung relasyon natin.."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Kaya naman hinawakan ko ng mahigpit ang isa niyang kamay. "Jiyah.." bulong ko ng pangalan niya.

"Sorry ah? Kasi wala akong kwentang girlfriend. Lahat naman ginawa mo na eh, ako lang talaga yung may mali kasi hindi ko kayang sumugal eh.." pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa kaniyang mata.

"Kaya naman, Hanie. Gagawin ko na ang dapat gawin noon pa man.." she paused. My heart skipped a beat. Mukhang alam ko na kung anong susunod niyang sasabihin.

"I'm sorry kung umabot pa ng ganito katagal ah? Hindi ko na rin kaya eh. I think it's time for me to do this. Alam kong mas lalo tayo magiging masaya sa gagawin ko.."

Is she finally breaking up with Youngho? Hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.

Hinintay ko lang ang mga sasabihin niya. She held my hand and looked straight into my eyes. "I'm letting you go, Jeonghan.."

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Weird mang isipin pero automatic na nag-stop yung mga tao sa paligid namin. Tanging kaming dalawa lang sa mundo 'toh. Siya lang ang nakikita ko.

"Jeonghan, sorry. Sorry kasi ito yung nangyayari sa atin ngayon. Kasalanan ko lahat. Sorry kasi wala akong isang salita at hindi ko kayang tumupad sa pangako. Sorry kung ang duwag ko. Sorry kasi pinatagal ko pa. Dapat una pa lang binitawan na kita eh para hindi ka na masaktan ng ganito.."

Patuloy kong hinawakan ang mga kamay niya. Iyak na siya ng iyak.

"Jeonghan, I'm not the girl for you. Kahit saang anggulo mo tignan, di kita deserve. Go find someone who's much much better than me because you deserve that.." dahan dahan niyang binitawan ang mga kamay ko. I was so weak to even protest. Ayaw ko itong nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong mahiwalay sa kaniya. Ayaw kong bitawan niya ang mga kamay ko.

I felt lonely and unsafe without her hands holding mine.

"Trust me, Jeonghan. Someday, you'll find the one for you at makakalimutan mo ako at lahat lahat ng tungkol sa akin. You'll be so happy with her, trust me. You'll have your own euphoria when that happen.."  ngumiti siya.

"You deserve every ounce of happiness in the world. Don't just settle with what you have right now. Mas higit pa doon ang matatanggap mo.."

Unti unti siyang tumayo at hinalikan ako sa noo. "goodbye my hanie, please take care of your heart, okay?"

At bigla na lang bumalik sa dati ang lahat. Ang mga taong kanina ay parang estatwa at biglang nagsigalawan. Then I saw her walking out of the restaurant.

And walking out of my life.

- - - - - -

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now