24| narration

108 9 1
                                    

Jiyeon

"kuya, aalis na ako ah? bye.." nagmamadali akong kumuha ng tinapay sa mesa at kinain ito. Nakita ko naman si kuya na naka kunot ang noo.

"ang aga mo ngayon ah? di ka man lang ba kakain ng breakfast?.." tanong niya. "nagdi-diet ba ang kapatid ko ha? aba.." Tignan mo 'toh, nang-asar pa. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"may gagawin pa ako, di mo ako katulad, mabuting studyante kasi ako.." pang-aasar ko kahit alam ko namang puro kasinungalingan yung sinabi ko.

Tumango si kuya pero nagulat ako ng biglang bumusina ng malakas si Jeonghan sa labas ng bahay. Anak ng! Bwiset talaga 'yung hambog ba yon.

"aba! sinusundo ka ata ng manliligaw mo?.."naka-smirk na sabi ni Kuya. Nasapo ko naman ang noo ko. Kaya nga ayaw kong ipakita sa kaniya na andito si Jeonghan kasi aasarin nanaman ako nito eh.

"mabuting studyante daw, baka maharot na studyante.." natatawang sabi niya. Pinakyuhan ko na lang siya.

"Bahala ka nga diyan sa buhay mo, kuya! Aalis na ako." nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng bahay.

"Sige, ingat ka, bunso! Huwag kayong biglang liko ah?" sigaw niya, hindi ko naman maintindihan kung ano yung sinabi niya kaya hindi ko na lang siya pinansin.

Nakita ko si Jeonghan na nakasandal sa gate namin habang naka-pamulsa. Lah, pa-senpai talaga 'toh kahit kailan. Mukha namang trap.

"hoy, feeling gwapo?.."hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Natawa na lang siya.

"tara na! ang tagal mo ah? kanina pa ako nakatayo dito. ." pumasok na ako sa kotse niya, doon ako sa may passengers seat pero agad naman niya naman akong sinamaan ng tingin.

"problema mo diyan?.." tanong ko sa kaniya. Sinenyasan naman niya ako na tumabi sa kaniya sa shot gun seat.

"dito ka, ginawa mo pa akong driver diyan eh.." napa-buntong hininga naman ako sa kaartehan niya. Wala na akong magawa kundi ang tumabi sa kaniya. Nakita ko naman siyang ngumiti.

"Maaga pa naman kaya kain tayo sa mcdo.." sabi niya. Natuwa naman ako pero di ko pinahalata. Syempre, kiber lang dapat.

"Sige, bahala ka.." matipid na sagot ko. "hindi pa naman ako gutom pero sige.." syempre joka lang 'yon kasi gutom na ako, di nga ako nakapag-breakfast kanina eh.

"talaga di ka gutom?.." natatawang tanong niya.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog yung tiyan ko. Napapikit na lang ako. Ayaw ko na, pati ba naman tiyan ko walang pakisama?!

Natawa naman si Jeonghan. Bwiset. "Huwag ka ngang tumawa diyan, naasar ako sayo eh.." sinamaan ko siya ng tingin.

"kingina mo talaga! laughtrip ka shet.."tawang tawa naman siya. As in yung pang-OA na tawa, jusko. Di nakakatuwa.

"okay, tapos ka na tumawa diyan?.." pag-susungit ko sa kaniya. Nagpunas muna siya ng luha niya bago tumango ng ilang beses.

"Sige, Jiyeon. Ililibre kita sa mcdo para naman mabusog yang mga monster mo sa tiyan.." parang batang sabi niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nakarating na kami sa Mcdo at nag-order siya. Ang dami niyang ngang in-order kaya naloka ako.

"ang dami niyan ah! ano ako, bibitayin na ba?.." natatawang tanong ko sa kaniya. Natawa lang ito at nagsimula na kaming kumain.

Nag-kwento sya ng kung ano ano pero hindi naman ako nakikinig kasi busy akong lumamon, okay?! Patapos na naming kainin lahat ng in-order niya ng may marinig kaming naguusap na mga babae na nasa katabi naming table.

"Omg, si Jeonghan ba yun?"

"Oo girl, kasama niya ata yung Jiyeon.."

"Diba nililigawan niya yan? Hala, ang sweet naman.."

"Look oh, mukhang ang daming binili ni Jeonghan para kay ate girl, hala sana all.."

"Hay naku, ang swerte naman niya. Sana ako na lang.."

Nasapo ko ang noo ko. Hay nako, ano bang ginawa kong mali para gantuhin ako ng life? Suko na talaga ako. Si Jeonghan naman mukhang natuwa sa narinig niya.

"kita mo na? ang daming gustong mapunta diyan sa pwesto mo ngayon, Jiyeon?.." nang-aasar na sabi niya. Tinapunan ko naman siya ng fries.

"aba! i'm willing na makipa-palit noh?..' inirapan ko siya. Binato din niya ako ng fries kaya nagulat ako.

"Yoon Jeonghan, animal ka talaga. " at nagbatuhan na kami ng Fries.

"Ayoko na, tara na nga baka malate pa tayo.." tumayo na ako at sumunod na siya. Natigilan ako ng marealize kong naiihi pala ako.

"ay wait lang, iihi lang ako, hintayin mo ako.." hindi ko na siya pinatapos magsalita at umalis na ako agad. Pagkatapos kong mag-cr, hinanap ko agad si Jeonghan pero hindi ko siya makita.

Hala, tinakasan ba ako noong hambog na 'yon? Kinabahan na ako kasi medyo malayo pa yung school namin dito sa Mcdo at tiyak na mahihirapan ako kung magco-commute pa ako. Letse, Nasaan na ba yung lalaking 'yon?

Nagulat naman ako ng biglang nag-abot sa akin ng iced coffee. Pagtingin ko kung sino, si Jeonghan pala.

"p-para san 'toh?.." kinuha ko yung iced coffee.

"try mong isaksak sa dibdib mo baka sakaling magka-boobs ka.." natatawang sabi niya. Susuntukin ko na sana siya ng bigla niya akong hatakin.

"Tara na nga! Mamaya mo na ako suntukin.." agad naman kaming pumasok sa kotse niya at nagtungo na sa school. Hindi na ako pumayag na ihatid niya ako sa room kasi ayoko na ng issue, bwiset.

Habang iniinom ko yung iced coffee na bigay niya nagulat ako ng may nakasulat pala doon gamit ang isang marker.

Thankyou :)
-Yoon Jeonghan

Natawa na lang ako sa ka-kornihan niya. Nilabas ko ang phone ko at chinat siya.

Yoon Jeonghan
active 1h ago.

Jiyeon: uLUL

Jiyeon: pero, salamat din :))

- - - - -


cheater \ 2jeongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora