13

118 10 6
                                    

Jeonghan
active now

Jiyeon:  tangina?!

Jiyeon: sinong nagsabi sayong i-hatid ako!?

Jiyeon: gago ka na ba?

jeonghan: nasa tabi mo lang ako bat mo pa ako chinachat?!

jiyeon: ayaw kitang kausapin, okay?!

jiyeon: kunwari, di tayo magka-kilala.

jeonghan: bahala ka nga.

jiyeon: bat mo ba kasi ako sinundan dito sa bus? sinabi ko bang i-hatid mo ko!?!?!

jiyeon: bat di mo samahan si Jiyah? wala ba kayong date?

jeonghan: magkasama sila ng kuya mo.

jiyeon: awts. pakamatay ka na.

jeonghan: weh!

jeonghan: uLUL!

jiyeon: bat ba kasi nagka-gusto ko sa babaeng may jowa na?!

jeonghan: ewan ko.

jeonghan: mahal ko si Jiyah.

jeonghan: yun lang ang alam ko.

"pero mali yan.." bulong ko kay jeonghan. tinignan naman niya ako.

"akala ko ba ayaw mo akong kausapin? di tayo magka-kilala diba?.." natawa siya. inirapan ko lang siya.

"umayos ka nga.." hinampas ko siya ng mahina.  "aware ka naman siguro na mali yang ginagawa niyo diba?.." tanong ko ulit.

tumingin na lang siya sa bintana at narinig ko siyang bumuntong hininga. "diba naman maling mag-mahal eh.." bulong niya.

Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. Ayaw ko munang makipag-talo sa kaniya. Tsaka, malapit na rin kasi kaming bumaba.

"tara na, dyan na bahay ko.." tinapin ko ang balikat niya. Lumabas na kami ng bus at naglakad n kaunti para makarating sa bahay.

"huwag mo ng gagawin 'toh ulit ah? ang weird eh.." sabi ko, tumawa lang siya at naglakad na.

"bakit? kinikilig ka ba?.." sinamaan ko naman siya ng tingin.

"bakit ako kililigin? ano ako gago?.." binilisan ko lang lalo ang lakad ko. tangina, baka makita pa 'toh ng mga tsismosa kong kapitbahay, ma-issue pa naman mga yon.

"paano ba yan? umuwi ka na. andito na ako. shoo alis na.."pagtataboy ko sa kanya.

"oo na oo na! ginagawa mo akong aso eh.." paalis na sana siya ng biglang lumabas sa bahay si Kuya.

"bunso andito ka na pala?.."

Napalingon ako sa kaniya. Tangina, kasama niya sa Jiyah. Napalingon din si Jeonghan at nanlaki ang mata niya ng makita si Kuya at si Jiyah. Uh-oh pota, ang awkward shet.

"sino yang kasama mo?.." tanong ni kuya sabay turo kay Jeonghan. Si Jeonghan naman, nakatayo lang at nakatitig kay Jiyah. Putangina, ang obvious naman nitong lalaking 'toh.

"ah, ano kuya, s-si Jeonghan, k-kaklase ay hindi pala, kaibigan ko pala 'yan!" ngumiti ako. Lumapit ako kay jeonghan na hanggang ngayon wala pa ring imik. Si Jiyah naman, panay ang iwas ng tingin kay Jeonghan.

Bwiset, ang halata naman ng dalawang 'toh. Ekis kayong dalawa.

Hinatak ko si Jeonghan. "kuya, si Jeonghan nga pala, Jeonghan, kuya ko.."pagpapakilala ko sa kaniya. Tangina, parang tuod si Jeonghan, walang imik.

Nginitian siya ng kuya ko. "nice to meet you, Jeonghan.."

"nice to meet you din.." pagsasalita niya.

Halos walang nagsalita pagkatapos noon kaya naman umeksena na ako. Hindi ko na kaya, ang awkward talaga.

"Uuwi na rin si Jeonghan! Paano ba yan? Bye na hehe." tinulak ko siya palabas ng gate namin.

"Bakit di mo muna siya imbitahin sa loob? may mga pizza pa doon,  baka gutom na yang kaibigan mo" tinignan ko ng masama si Kuya. tangina, nang-aasar nanaman 'toh. Diniinan pa niya yung salitang 'kaibigan mo'. Ano nanamang iniisip nitong mokong na 'toh?!

"ay hindi! busog yan--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang hawakan ni Jeonghan ang kamay ko.

"sige medyo nagugutom din  ako eh, salamat ah?." hinatak na ako ni Jeonghan sa loob ng bahay, sumunod naman si Kuya at Jiyah sa amin.

Putangina, Jeonghan, ano nanamang binabalak mo?

- - - -

cheater \ 2jeongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon