75 |narration

235 13 12
                                    

Jiyah's POV

"Jiyah, hanggang kailan mo itatago 'toh sa iba?.." nagulat ako ng makita si Taeil sa harap ko habang hawak hawak ang isang papel.

"Taeil? Anong ginagawa mo dito?.." tanong ko sa kaniya. Natawa ito at umupo sa tapat ko.

"Syempre, kami kaya may ari ng cafe na ito, huwag kang tanga please.." natawa siya, inirapan ko naman siya. Bwiset, epal.

"Saan mo nakuha yan?.." takang tanong ko at inagaw sa kanya yung papel na hawak niya. "Ibalik mo nga 'yan.."

Umiling siya. "Naiwan mo kanina sa counter habang nag-oorder ka." ngumiti siya ng malungkot. "May sakit ka?.."

Tipid akong tumango. "Yes, kanina ko lang nakuha yung result.." bumuntong hininga ako. "Devastating, isn't it?.." natawa ako at humigop ng mainit na kape.

"Alam ba 'toh nila Johnny?.." tanong niya. Umiling ako.

"Kakakuha ko nga lang ng result kaya di pa nila alam.." sagot ko. "At wala akong balak sabihin sa kanila.." I shrugged.

"Bakit? Deserve nilang malaman 'toh, Jiyah.." sabi ni Taeil sa akin. Tumango ako.

"Tama ka, pero hindi rin nila deserve ang masaktan dahil sa akin.." hinawakan ko ang kamay niya, mukhang nagulat naman siya.

"Sobrang bait niyo sa akin, di ko na kayang dagdagan pa yung sakit na naibigay ko sa kanila, Taeil.." tugon ko. "Kaya please, huwag mo ng sabihin sa kanila 'yung tungkol sa sakit ko.."

Mukhang naguguluhan pa din si Taeil pero tumango na lang siya. "Jiyah.." bulong niya.

"Everything is going to be fine, Taeil. Trust me, life will go on kahit wala na ako sa tabi niyo.." I smiled bitterly.

Kinuha ko sa kamay niya yung papel na naglalaman ng result ng diagnosis ko.

Coronary Heart Disease, it was writen on the paper.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now