40 |narration

116 6 3
                                    

Jiyeon's

Tumayo ako sa kama ko at tinigil ang movie na pinapanood ko. Panira talaga 'tong si Jeonghan kahit kailan. Inayos ko muna yung kama bago ko sinuot yung malaking jacket na pinahiram ni Wonwoo sa akin kanina. Hala, ang bango niya.

Ilang beses pa nga akong tinawagan ni kuya kanina. Sabi ko ngang hindi kami magkasama ni Jeonghan sa kwarto pero siya, nang-aasar pa din. Si kuya talaga, ang epal. Pero halata namang concern siya sa akin. Kahit naman halos magpatayan kami ni kuya, mahal naman namin ang isat'isa. Hindi lang talaga kami vocal at showy pero alam naman namin yon sa sarili namin.

Hindi namin madalas kasama si Mama kasi lagi siyang out of town dahil sa trabaho niya. Kaya halos si Kuya lang kasama ko simula noong bata kami. Magulo man siya at papansin, kuya ko pa din siya at masaya ako na siya ang naging kuya ko.

Natawa na lang ako ng maalala ko yung mga kalokohan ni kuya para lang mapasaya ako. Naalala ko noong Junior High pa lang ako, ayaw kong um-attend ng prom namin kasi wala naman akong kapartner noon. Pero pinilit niya ako ng bonggang bongga non kasi minsan lang daw yung mangyari. Kaya ang ginawa niya, nagpa-bili pa siya ng gown kay Irene unnie 'non at siya pa mismo ang naghanap ng mga accesories at sapatos ko. Fashionista talaga 'yon.

Tapos dinamay pa niya mga kaibigan niya. Silang lahat, sinamahan ako sa prom ko. Agaw atensyon ako 'noon kasi ang gwapo gwapo ng mga kasama ko. Pati nga mga kaibigan niyang mga bata pa na sila Jisung at Chenle dinamay niya.

Kaya nagu-guilty na ako ngayon dahil hindi ko sinasabi sa kanya yung nalalaman ko tungkol sa relasyon ni Jiyah at ni Jeonghan. Alam ko namang mali 'tong ginagawa ko, tinatago ko sa kanya yung totoo. Deserve naman niyang malaman 'toh eh. Kaso nga lang, parang wala naman ako sa posisyon na sabihin sa kanya 'yon.

Ayokong mang-galing sa akin. Gusto ko sila Jiyah ang magsasabi sa kaniya. Ayokong malaman niya pa sa akin. Ayoko ding masaktan si kuya. Mahal na mahal niya si Jiyah eh, halatang halata naman sa kaniya.

Naputol ang pag-iisip ko ng maalala kong hinihintay pala ako ni Jeonghan. Napapikit ako sa inis. Ang pa-importante kasi ng lalaking 'yon. Agad kong ni-lock yung pinto ng room ko at pumunta sa may sea side. May bonfire doon at may iilang tao din ang nakaupo malapit sa sea side. Halos puro couple ang andito, mukhang naghaharutan sila. Pinigilan ko ang sarili ko na hindi sumigaw ng "Walang forever"

Nang makita ko si Jeonghan agad akong umupo sa tabi niya. Tulad ko, naka-suot din siya ng isang oversized hoodie, hala! Putangina, ang gwapo! Wala na, uwian na kuya will!

"napatulala ka nanaman? gwapo ko ba?.."

"kapal mo.." sabi ko na lang at umiwas ng tingin. Hindi niya pwedeng malaman na nagwa-gwapuhan ako sa kaniya kundi aasarin nanaman ako nito.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? At bakit umiimom kang mag-isa?.." tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako umiinom mag-isa 'noh? Kasama ko sila Seungcheol!.." natatawang sabi niya. "mga tumba na sila ngayon, ako na lang ang gising, weakshit kasi mga 'yon.."

Umiling iling na lang ako. Ang lamig dito, sobrang tahimik din kahit may iilang tao. Ang ganda ng athmosphere.

"May ikwe-kwento lang ako sayo.." sabi niya. Tumango na lang ako at nakinig sa susunod niyang sasabihin.

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now