07

131 10 0
                                    

youngho: uy! bat di ka pa umuuwi ha?

youngho: bruha ka! pagagalitan ako ni mama kapag nalamang di ka pa nakakauwi!

youngho: pasalamat ka, wala pa si mama.

jiyeon: gagi! malapit na ako!

jiyeon: nasa may kanto na.

youngho: okieee.

---

"kuya! buksan mo tong pinto.."

"ito na ito na! mag-chill ka lang diyan"

inilapag ko ang bag ko sa isang upuan. nakita ko si kuya na may hawak na can ng rootbeer at may isang malaking pizza sa mesa. wow, tamang tama gutom na ako.

"di mo naman kailangang mag-abala kuya!" kumuha ako ng isang slize at kinain toh. potek, ang sarap talaga.

"kapal mo, para sana kay Jiyah 'yan, kaso di daw sya pwede ngayon kasi siya representative ng room nila para sa meeting ng mga officers kaya di natuloy date namin.." umupo si kuya sa sofa habang nanonood ng spongebob, isip bata talaga 'tong kupal na toh.

Natigilan naman ako sa pagkain ng maalala ko yung nakita ko. May relasyon ba silang dalawa? Napatingin ako kay kuya. Paano naman si Kuya? Diba may relason din sila ni Jiyah?

Kailangang kong malaman ang totoo.

---

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now