60 |narration

99 8 4
                                    

Jiyeon's

Alas nueve na ng gabi pero wala pa rin si kuya. Grabe namang pag-iinarte yun. De joke lang. Galit nga pala 'yon. Inayos ko yung mga pizza sa mesa at binalik sa ref yung bagong biling cookies and cream ice cream. Paborito kasi ni kuya ang mga 'toh. Peace offering na din.

Nanood muna ako ng TV at naghintay sa pagdating ni kuya. Pagkatapos ng ilang minuto, narinig kong bumukas ang gate namin. Agad naman akong napatayo.

"Kuya.." masayang sigaw ko. Finally! Umuwi na din 'tong kumag na 'toh. Agad naman siyang sumimangot ng makita ako.

"Ano naman 'toh?.." tinuro niya yung mga pizza sa table. "Binili mo 'yan lahat?.."

Tumango ako. "Oo, diba favorite mo pizza? Peace offering.." nag-peace sign ako at ngumiti.

Kumuha siya ng isang slice at umupo sa sofa. "pizza lang?.." tanong niya. Napasimangot ako. Sabi na nga ba! Patay gutom talaga si kuya.

"may ice cream sa ref.."

"anong flavor?.."

"cookies and cream.."

Nakita kong ngumiti siya at agad na kinuha yung ice cream sa ref. "yun, favorite ko.." tuwang tuwa pa siya.

Umupo ako sa tabi niya at kumuha din ng ice cream. "kuya.." panimula ko. "sorry ah? tama ka, dapat una pa lang sinabi ko na sayo. Dapat ikaw ang kinakampihan ko. Sorry ah? Ang selfish ko. Tinake advantage ko pa yung sitwasyon.."

Nakita ko namang tumingin sa direksyon ko. Binitawan niya yung pizza na hawak hawak niya at tumigil sa pagkain.

"ayos lang.."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "a-ayos lang? yun na yon?.." takang tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito.

"wala na, tapos na. Wala naman akong magagawa at mas lalong wala akong mapapala kung magagalit ako sayo.." sabi niya.

"Kuya.." pag tawag ko sa kaniya. "Alam mo, gusto ko na talagang sabihin sayo noon pa. Pero kasi ayaw kong mang-galing sa akin. Gusto kong sila mismo ang mag-sabi sayo. Kaya sorry talaga.."

Natawa siya at nilapitan ako. Pinitik niya ng malakas ang noo ko. Aba't gago toh ah?!

"ano ba!" sigaw ko at akmang susuntukin siya.

"sadista ka sis.." natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"tapos na, okay? napatawad na kita kaya wag kang OA diyan.." natawa na lang ako niyakap siya. Akala ko kanina ay magagalit ng sobra si kuya. Pero syempre, umiral ang pagiging maunawain niyang kapatid.

"Paano si Jiyah, kuya?.." tanong ko. "galit ka pa ba sa kaniya?.."

Nakita ko ang pagka-gulat sa mata niya. Tapos dahan dahan siyang umiling. "Hindi na ako galit sa kaniya.." ngumiti ito.

"Pero yung tiwala ko, mukhang matagal pa na maibabalik.."
Tumango ako.

"Alam mo naman na big deal sa akin ang salitang tiwala diba?..'' tumango ako.

"Simula noong araw na na-kidnapped ako, nahirapan na akong mag-tiwala.." kumuha si kuya ng isang slice ng pizza at kumagat dito.

Na-kidnapped si kuya noong mga bata pa kami. Ang sabi niya, isang babae daw ang nag sabi sa kaniya na kasama niya ako. Sinabi niya sa kuya ko na sumama sa kaniya para makita ako. Sabi ng babae na mag-tiwala daw siya sa kaniya at wala daw siyang masamang balak sa kaniya.

Sumama si kuya noon sa babae pero may masamang balak pala sa kaniya yung taong 'yon. Pero bago siya maipasok sa kotse ng babae, may isang batang babae daw ang tumulong sa kaniya. Kinagat daw noong batang babae na yon yung taong kumidnapped sa kuya ko kaya nakatakas siya.

"Kaya naman hindi madali sa akin na pagkatiwalaan ulit si Jiyah.."

Tumango ako ng ilang beses. "huwag kang mag-alala kuya, magiging ayos din ang lahat.." naka ngiting sabi ko. Tumawa kaming dalawa.

"Ano? Tara nood tayo ng gravity falls tapos kainin natin lahat ng mga pizza na bili mo, game?.." pag-aaya ko.

"Game.."

- - - - - - - -

a/n: gUSTO KO NG KUYA !

cheater \ 2jeongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon