31 | narration

112 11 5
                                    

jiyeon


Alam niyo yung nakakainis? Yung akala ko di na aatend yung teacher namin pero hala, biglang um-attend. Nagulat ako. Akala ko pa naman free period na eh! Pero alam niyo kung anong mas nakakainis don? Syempre, di pa.

Mas nakakainis yung malaman kong si Jeonghan ang partner ko sa gagawin naming project. Putangina lang.

"oh? ano pang hinihintay niyo? pumunta na kayo sa mga ka-partner niyo at pagusapan niyo na yung gagawin niyo.."

Nasapo ko naman yung noo ko. Bwiset, sa dinami dami ng pwedeng maka-partner, ito pang lalaking 'toh. Lumapit naman siya sa akin. Halatang tinatamad siya. Lah.

"may naisip na akong topic para sa gagawin natin.." matamlay at walang gana niyang sabi. Tumango na lang ako. Wala ako sa mood makipag-trash talkan sa kaniya, feeling ko ganon din naman siya.

Dahil last subject na namin 'yon, napagdesisyunan ni Jeonghan na gawin yung project namin sa bahay. Gusto na daw kasi niyang tapusin para wala na kaming gagawin sa mga susunod na araw.

Pwede na rin pala siyang maging partner kasi matalino siya, magpapa-buhat na lang ako. Hehe. Pumunta na kami sa sakayan ng bus at pumunta sa bahay. Sa buong byahe, walang umimik sa amin. Sobrang tahimik niya kaya hindi na lang rin ako nagsasalita.

Ano kayang nangyari sa kaniya? Nag-away ba sila ni Jiyah?

Hanggang sa nakababa kami ng bus. Wala pa din siyang imik.  "Mukhang wala si kuya dito ah, maupo ka muna diyan.." tumango lang siya. Nag-labas ako ng maiinom sa ref namin at pinainom siya.

"ano, jeonghan, mag-bibihis lang ako.." sabi ko. Tumango lang siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nagsusulat na siya sa yellow paper, mukhang sinusimulan na niyang gawin yung project.

Pagpalabas ko ng kwarto, nakita ko si Jeonghan na nakahiga sa sofa. Aba! Feel at home? Hahampasin ko sana siya ng unan ng makita kong parang nilalamig siya.

Ang init init kaya! Agad ko namang hinawakan ang noo niya. Tama nga ako, may lagnat siya.

"hoy, nilalagnat ka! ang init mo oh.." sabi ko. Natawa lang siya ng marahan.

"hot kasi ako.." nakaka-gagong sagot niya. Tignan mo 'toh, may sakit nga, nagawa pang magsinungaling.

"masunog ka sana sa impyerno! bwiset ka.." agad akong kumuha ng towel at binasa ito. Pinatong ko yung towel sa noo niya. Sumimangot naman siya at pilit itong tinatanggal.

"Ano ba? Nakakatulong 'yan para mabawasan yang lagnat mo kaya umayos ka nga." saway ko sa kaniya. Natawa na lang ito.

"ikaw ah, concern ka sa akin.." naka-ngisi niyang sabi. Napa-irap na lang ako.

"concern lang ako kasi ayaw kong matuluyan ka dito sa bahay! baka maging haunted house toh noh.." sabi ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Mag-luluto ako. Sabi ni mama, mainam daw sa may sakit ang mainit na sabaw. Kaya magluluto ako ng sopas. Buti na lang kumpleto yung mga sangkap namin.

Aba! napaka-swerte ng Jeonghan na 'toh! Ako pa mismo ang magluluto para sa kaniya. Halos 30 minutes ko ding niluto yung sopas. Special 'tong sopas na 'toh kasi special child yung gumawa. Joke lang.

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now