19 |narration

117 11 10
                                    

jiyeon

"so ano, wala kang ikwe-kwento sa akin ha babaita?.." sinalubong ako ni Nayeon habang naka-crossed arms. "ano 'tong nililigawan ka daw ni Jeonghan?.."

Napabuntong hininga ako. Gusto kong manampal ng isang Yoon Jeonghan. Hindi tuloy maalis ang tingin ng mga kaklase ko s akin. Nae-expose ganda ko shet.

"huwag kang maniwala don, fake news yon, okay?." umupo na kami. Hindi pa rin naalis ang sama ng tingin ni Nayeon sa akin.

"talaga ba?.." tanong niya.

Tumango ako. "oo nga!" hindi ko kasi pwedeng sabihin kay Nayeon yung mga kagaguhan ni Jeonghan. "mukha bang papatulan namin isat'isa?.." natawa siya.

"bahala ka kung ayaw mo umamin, basta ako ship ko kayo.." kinindatan pa niya ako.  lah, kadiri 'toh. hindi ko na lang siya pinansin.

Buong araw kong tiniis yung mga pagtitinginan ng mga kaklase ko. Paglabas ko ng hallway, mas malala pa. Pota, bat ba kasi ang daming fangirl nung bading na 'yon?!

"yan ba yung nililigawan ni Jeonghan?.."

"nakakagulat noh?"

"di naman siya maganda eh"

"stop the hate, cute naman sila.."

Gusto kong puntahan yung mga babaeng pinaguusapan ako tapos pakyuhan sila isa isa pero hinayaan ko na lang kasi cute ako. Buti na lang talaga, hindi ko nakita si Jeonghan sa buong araw kundi baka mapatay ko siya.

"Nayeon, tara! Puntahan natin yung bagong bukas na cafe, gusto kong magpaka-lasing sa kape ngayon.." hinatak ko naman si Nayeon.

"eh, sorry bebe ko, hindi ako pwedeng gumala ngayon eh, may pupuntahan kami nila mama.." kinuha niya yung bag niya. "sorry, next time okay?." tumango na lang ako at nagpaalam na siya.

buhay, mag-isa.

Di bale, pupunta pa din ako. Inom na inom na ako ngayon eh...kape nga lang. Agad na akong naglakad papunta sa cafe, walking distance lang naman. Buti, wala ng masyadong tao. Pa-gabi na rin kasi.

Pumasok na ako at nag-order ng caramel coffee at new york cheese cake. Bwiset, ubos pera ko ah! Agad naman akong naupo. Payapa akong kumakain ng biglang may nambato sa akin ng isang sticky note na lukot.

"kingina.." bulong ko. Binuksan ko yung papel.

nagkita nanaman tayo! hello dür cutiee!! :)

Lumingon ako para hanapin yung hinayupak na nang-bato ng sticky note sa akin. Sa kabilang table, may nakita akong pamilyar na lalaki na nagtatago.

"Taeil, utang na loob, lumabas ka na diyan.."

"nakita mo ako?."' agad naman siyang umupo sa tabi ko. Andito nanaman 'tong feeling close na 'toh.

"ano bang ginagawa mo dito? tsaka, bakit mo alam na andito ako? stalker ba kita?.."

sunod sunod kong tanong sa kaniya. Natawa naman siya. "kapal mo ah?.." tinapunan ko agad siya ng tissue. bwiset 'toh ah!

cheater \ 2jeongWhere stories live. Discover now