64 | narration

144 6 9
                                    

jiyeon's

"kumain ka na, ano pa hinhintay mo? di kita susubuan, wag ka feeler.." naisampal ko agad kay Jeonghan yung hawak kong tissue. Ang kapal ng mukha eh. Dinala niya ako sa isang mukhang sosyal na restaurant. Hayst, sabi ko kahit sa karendiria niya lang ako ilibre eh.

"ang mahal siguro talaga ng mga pagkain dito.." bulong ko habang pinagmamasdan yung mga nakalatag na pagkain sa harap ko. Napasimangot ako.

"bakit nakasimangot ka diyan?.." takang tanong niya. "hindi ka ba masaya? gusto mo ba sa ibang restaurant? may alam akong french res--" hindi ko na siya pitapapos sa pagsasalita.

"hindi naman sa ganon, ayaw ko lang talagang ginagastos mo pera mo para sa akin.." mukhang nagulat naman siya sa mga sinabi ko.

"di mo naman kailangang i-treat ako sa mamahaling restaurant 'noh. tamang calamares at isaw lang, ayos na sa akin.." ngumiti ako sa kaniya. Mukhang gulat pa din siya.

"talaga? si Jiyah kasi ganito mga gusto niya.." takang sambit niya. Napabitaw naman ako sa hawak kong table napkin. Potcha, ano ba yan.

"Hindi naman ako si Jiyah.." bulong ko. Ano ba 'toh, ang heavy naman ng atmosphere namin.

"Sorry.." nagulat naman ako ng nag-sorry siya. Lah, anong pakulo niya.

"Uy bat ka nagso-sorry? Huwag ka nga, feeling ko tuloy jowa kita.." natawa ako.  Natigilan naman siya. Actually, ako din natigilan.

"Jiyeon.."

"Oh?.."

Nagkatinginan kami. Hala potek, natatae ata ako. Ang weird ng feeling. Di pa naman ako kumakain kaya bakit natatae na agad ako? Ano ba 'yan!

"Ano kasi.." bulong niya sabau iwas ng tingin.

"ano nga? wag ka ngang pabebe.." reklamo ko.

"p-para kasing, ano. nagugustuhan na kita.."

Mas lalo ata akong natae sa sinabi ni Jeonghan. Ang lakas at bilis pa ng tibok ng puso ko. Hala punyemas, baka naman nagl-LBM ako!

"huy, ano walang react react noh? ayos lang naman, di naman masakit.." nagtatampo kuno niyang sabi.

"ha?.." takang tanong. teka nga, feeling ko talaga sasabog na 'tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"tapos yan lang ang sasabihin mo? hoy para sabihin ko sayo, prinactice ko lahat ng sasabihi  ko sayo, tapos ikaw ang ikli ikli ng sagot mo.."

Inirapan ko naman siya, kahit kailan talaga ang demanding ng lalaking 'toh. Bwiset.

"Ano bang dapat kong sabihin ha? Eh bigla bigla ka na lang magtatapat, di ako ready kaya wag mo akong ipressure diyan.." pagsusungit ko. Natawa lang siya.

"so ano nga? ano masasabi mo sa pagtatapat ko sayo ha?.."

Natigilan ako. Gusto ko rin sa Jeonghan?

"Ang ganda ko, kaya ka nagka-gusto sa akin kasi di mo kayang tiisin ganda ko.." kumindat ako sa kaniya. Natawa naman ako mukha niya, binigyan niya ako ng 'what-the-hell-ang-panget-mo-kaya' look.

"umayos ka nga, batuhin kita nito.." sabay taas niya ng isang bread knife. tsk, epal talaga.

"ewan ko, di ako sure. di ba masyadong mabilis, jeonghan?.." tanong ko.

Ano 'yun, parang dati lang halos sumpain niya ako tapos ngayon naman sasabihin niyang gusto na niya ako? Diba parang masyado naman atang mabilis.

"sa totoo lang, ako din eh. hindi ko din maintindihan 'tong nararamdaman ko sayo. Pero sure akong ikaw lang nakakagawa puso ko nito.." hinawakan niya ang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.

"tignan mo, ang bilis ng tibok ng puso ko kapag kasama ka.." tama siya, ang bilis din ng tibok ng puso ni Jeonghan. Baka natatae din siya?

"Jeonghan.."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya marahan. Binitawan niya ang kamay ko. Nagkatitigan lang kami pagkatapos, walang nasasalita sa aming dalawa. Panay pa din ang ngiti niya. Suko na ako! Ang gwapo niya.

"Baka naman ginagamit mo lang ako para makalimutan si Jiyah.."

Mahinang sabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam na isipin yun.

Nagulat ako ng muli niyang hawakan ang kamay ko. "Matagal ko ng kinalimutan si Jiyah at simula non ikaw na lang iniisip ko.."

Napabuntong hininga siya. "Hindi pa ako nagka-ganito kahit kailan. You make me feel crazy. Hindi ko alam kung ano'tong nararamdaman ko pero ayokong matapos 'toh. Gusto ko kung anong nararamdaman ko ngayon.." tumigil siya sa pagsasalita at inilapit ang kamay ko sa mga labi niya.

"Pero gusto ko 'tong feeling na 'toh, Jiyeon. Gustong gusto ko..."

Hinalikan niya ang kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Dalawa ang narealize ko ngayon. Una, hindi mo kayang piliin ang mga taong magugustuhan mo, pero ang puso mo ang magpapasya kung kailan ito titibok na lang bigla para sa isang tao.

At pangalawa, hindi pala ako natatae. Puso ko pala 'yun na nagsasabi na si Jeonghan na ang itinitibok niya.

- - - - - -

a/n : mas sabaw pa 'toh sa ulam naming sinigang hayst.

cheater \ 2jeongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon