CHAPTER 1- Posisyon

640 157 490
                                    

Zandria's
POV

Halos hindi ko mabilang ang mga taong nakikita ko ngayon sa pabilog na Gym. Iba't-iba ang kanilang mga kasuotan ngunit pula ang makikita sa karamihan. Dapat ay nasa itaas ako kasama ang mga taong naroon pero nandito ako sa ilalim. At talagang ako'y minamalas pa dahil nasa loob ako ng court! Nang dahil dito ay hindi ko maialis sa aking isipan kung paano ako napunta sa ganitong posisyon.

"Bago ka ba rito?" isang tanong na nakapagpalingon sa akin.

Naguguluhan ko siyang tinitigan, hapong-hapo at wala sa ayos ang unipormeng panglarong suot nito, dapat ay nasa bench na ang babaeng ito. Magsisimula na ang laro. Tiningnan ko ang daan kung saan siya naggaling, hindi na ganon karami ang tao kung ikukumpara sa mga taong nadoon kanina.

"Ah... Oo bago lamang ako rito," nag-aalangan ko pang sagot. Kahit na hindi ko siya kilala ay dapat ko pa rin siyang pansinin, bastos naman kapag hindi ko siya kinibo hindi ba?

Natawa ako sa aking isipan. Matagal na pala akong bastos. Ano kaya ang nakain ko ngayong araw?

Pagkatapos ko siyang sagutin ay pinagplanuhan ko nang tahakin sana ang classroom na kanina ko pa dapat pinuntahan.

Hindi ko maiwaksi ang pagkakaiba ng paaralang ito sa mga napasukan ko. Hindi ba dapat ay sinisigurado ng isang paaralan na ang isang estudyante ay karapat-dapat na pumasok sa establisimyentong nito? Ngunit bakit hindi man nila ako tinanong ng makita ang mga papeles na ipinasa ko? O dahil may laro ngayon kaya wala na silang oras pang basahin ang mga iyon? Kahit na ano ang sagot at dahilan ay wala na akong pakialam doon, ang importante ay may paaralan na akong mapapasukan.

Nang maglalakad na sana ay nagulat akong hawakan ng babae ang kaliwa kong kamay na siyang naging dahilan upang mapabaling ang buo kung atensyon sa kanya. Mumurahin ko na sana kaso ay naalala kong kailangan ko na palang ibahin ang ugali ko sapagkat tiyak na wala ng tatanggap na paaralan sa akin.

"Alam mo ba ang larong Volleyball?" saka binitawan ang kamay ko.

Matagal akong napatitig sa kanya. Paano ko malilimutan ang larong yan? Gusto ko sanang sabihing oo pero pinigilan ko.

"Hindi, e."

Sinungaling. Sumbat ko sa sarili. Aalis na sana ako ng lumuhod ito sa harap ko. At maraming nakakita! Walangya. Mapagkakamalan pa akong salbahe nito.

"Anong ginagawa mo? Tumayo ka riyan," mahina ngunit madiin kong sabi habang pinapatayo at nililingon ang mga taong nag-uusap na.

"Maglaro ka kasama namin. Hindi! Kahit na pumasok ka lang sa court." naiiyak nitong pakiusap.

At kung minamalas ka nga naman sa dinami-daming tao ba't ako pa ang niluhuran ng babaeng to?! Sa isip ay gusto ko nang pumadyak at umuwi na lamang pero iwinaksi ko ito.

"Pasensya ka na. Ayoko talaga." tanggi ko pa.

"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi sasama sa akin." banta niya pa.

Nakangiti ako sa kanya pero nangingitngit na ang paa kong umalis dito. Kaya ay nang aalis na sana ako ay napatigil ako sa mga bulungang narinig ko.

"Oy! Kilala mo ba yan?" tanong ng isang babae sa lalaking kasama nito.

"Bago yan. Nakita ko sa Guidance kanina eh."

"Ang salbahe naman ni Ate girl. Kabago-bago pala pero ganyan na kung umasta."

"Diba si Marcella yun?"

Ilan lamang iyon sa mga narinig ko. Bubulong na lang naririnig ko pa.

Numero SingkoWhere stories live. Discover now