CHAPTER 8- Ang RASON

188 74 54
                                    

Zandria's
POV

"Hi, Ate!" eksaheradong sigaw niya saka ako niyakap ng napakahigpit.

Meet my brother, Zandrick Johne Vergara. Ang musikerong Pilipino na sumikat sa ibang bansa gamit-gamit ang stage name na ZJ, ibang-iba na ang hugis ng katawan nito, matigas at may maskulo akong nakikita, ang buhok niya'y tila kinulayan pa.

"Long time no see, Mang Baldo!" sabay kaway pa niya rito, ang baba niya ay nasa balikat ko kaya naman ay garalgal ang naging tono nito.

Hindi ko masasabing hindi ko nagustuhan ang yakap na ibinigay niya sa akin pero talagang ayaw kong naririto siya! Tiyak na mapupuno na naman ng tunog ng instrumento ang bahay.

"Wow. Maririnig ko na naman ang napakapanget mong boses!" sarkastiko kong sabi.

Mabilis kong inalis ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa akin. Nakita kong napailing si Mang Baldo.

Ano na naman?!

"Everybody knows how beautiful my voice is!" nakangiti nitong saad.

Except me. Ayoko sa boses niya. Alam kong lahat rito sa bahay ay mahal ang boses niya pati nga ang mga tao sa ibang bansa ay napapahanga sa boses niya. Kung bakit ayaw ko sa boses niya ay hindi ko alam. Ayoko siyang kumakanta. Naiinis ako. Kahit na marinig lamang ang boses niya ay naiirita ako!

"Tangina! Ba't kasi naririto ka?!" sigaw kong tanong sa kanya.

"Language Ate. Mom would be mad hearing you saying those words." nakangiwi nitong sabi habang may kinukuha sa kanyang bulsa.

"I heard maglalaro ka ulit?" sabi niya saka binigay ang isang keychain na napakaliit, bola ito ng volleyball.

Tinabig ko ito na ikinagulat niya, pati si Mang Baldo ay napasinghap rin.

"Sinabi ko sayong wag mo na akong bibilhan niyan diba?" naiinis kong sabi.

"Well, it reminds me of you, everytime I saw that ball." nakanguso niyang sabi.

Nang makita ang kanyang mukha ay tila ba nalusaw ang inis kong nararamdaman sa kanya, Kinuha ko nalang ang keychain sa sahig saka naglakad papalayo sa kanya, batid ko'y nakangisi na ito.

Nakakainis dahil hindi ko siya matiis!

"Zandrick, pakisabi kay Mama at Papa pupunta ako sa boarding house ng anak ni Mang Baldo." nakatalikod kong saad.

"What?! But he's a boy!"

Nabigla ako sa pagsigaw niya. Eh ano naman kung lalaki? Mas okay na yun' kesa naman marinig ko palagi ang boses niya.

"E, ano naman?"

"I mean, I'm not gonna sing if you're here. So, please don't do this." pagsusumamo niya.

Buo na ang loob ko, pasensya ka na Zandrick, ayokong maging sagabal sa iyo. Alam kong mahal mo ang ginagawa mo kaya mamarapatin ko na lang na umalis at magpakalayo-layo. Ngunit alam kong hindi lamang ito ang dahilan kung bakit gusto kong umalis sa bahay na ito.

"Mang Baldo pakiready nalang po ang sasakyan saka pakitawagan nalang yung anak niyong doon muna ako." sabi ko habang umaakyat sa hagdan ng hindi man lang sila nililingon.

"Pero, Iha. Hindi ka pa nakapagpaalam sa iyong mga magulang." kinakabahang sabi niya.

"Papayagan nila ako." may diin kong pahayag.

Numero SingkoKde žijí příběhy. Začni objevovat