CHAPTER 15- COACH

67 10 1
                                    

Zandria's
POV

     Nakatulala ako habang nakatingin sa nagmamaneho ng sasakyang sinasakyan ko, hindi mawari ang sasabihin at iisipin.

   "Can't you stop staring at me?" sabi niya habang ang buong atensyon ay nasa daanan, minamaniobra ang sasakyan.

    Nasa daanan ang kanyang paningin papaanong nalaman niyang nakatitig ako sa kanya? Wala naman siyang mata sa gilid hindi ba? Dahil sa kanyang isinambit ay napaiwas ako ng tingin. Naguguluhan sa pangyayari kaya naman ay naikunot ko ang aking noo saka humalukipkip na lamang.

     Kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon ay dahil sa hindi kaaya-ayang nangyari kanina.

    Maaga pa lamang kanina ay gising na ako, hindi ganoon ang takdang oras na dapat ay magising ako sapagkat ngayon araw ang umpisa ng pag-eensayo!

    Nang pagtingin ko sa lumang orasan na nakaharap sa akin ay napagtanto kong isang oras na pala akong nahuli! Isang oras!

     Walangya!

     Ang unang pumasok sa isip ko ay ang pagbaba sa kusina at humingi ng paumanhin, bagama't alam kong sisermoman na naman ako ng walangyang Lukas na yun'! Hindi naman ito sumisigaw kapag nagagalit kaya mas kinakatakutan ko kapag nagsesermon siya nang seryoso at nag-aalab ang mga mata.

    "-hindi ba ay bukas pa naman ang alis niyo Luke?"

     Nangunot ang noo ko.

     Pamilyar ang boses na iyon! Baritono ito at kilalang-kilala ko! Pero imposibleng narito siya!

     Papa?!

     At kailan pa siya umuwi galing Baler?!

      "Yes, po Tito. But we need to go now. Maaga pa ang morning work-outs nila, kaya ay kailangan na ngayon talaga kami umalis."

     Hindi pa ako nakakababa kaya inabala ko nalang ang aking tenga sa pakikinig sa kung ano man ang pinag-uusapan nila, mali man ay nararamdaman kong ako ang pinag-uusapan nila.

     "I see. Hindi man lang sinabi ng anak ko." nahihimigan ang tampo sa tono nito.

      Nakalimutan ko! Sa dinami-dami ng mga gawain naman kasi! Pero siya rin naman ah! Hindi niya nga sinabing umuwi na siya.

      Nakarinig ako ng paglagay ng isang tasa sa mesa at sa palagay ko ay kay Papa ito dahil naaamoy ko ang amoy ng tsaa, si Papa lang naman ang kilala kong nagtsatsaa, si Luke kasi ay palaging beer ang nilalaklak.

     "I'm sorry, Tito. Pinagtrabaho ko po siya dito na ang oras nang pagsasabi niya ay nawala na."

     Kung makapagpaumanhin ang walangyang ito ay para bang bagay lang na pinagawa niya sa akin ang mga ito!

     "No! It's alright!" agap na sagot ni Papa.

      Dahil sa narinig na sambit ng aking Ama ay padabog akong bumaba, rinig na rinig ang magaspang na hakbang ko habang ako'y bumababa. Tuloy ay nakuha ko ang atensyon nilang dalawa, nakuha ko man ang atensyon niala ay wala sa akin ang kanilang mga mata.

     Ang ekspresyon ng aking Ama ay hindi man lang natinag, na kahit ang buong akala ko ay magugulat ito ngunit kinuha niya lamang ang tasang sa palagay ko ay mayroon tsaa saka itinaas ang isang kilay nito, hindi ako tinitingnan.

    "I didn't taught you how to eavesdrop in anyones conversation, Zandria." malamig niyang sabi.

    Napayuko ako dahil sa naisatinig ng aking Ama, kung wala lang sana ang nasa harapan niya na ngayon ay nakatitig lamang sa akin ay hindi ako mahihiyang pagalitan, sasagot pa ako!

Numero Singkoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن