CHAPTER 3- MVP-Rolee

265 124 152
                                    

Zandria's
POV

"Oh! Iha, kamusta? Natanggap ka ba?" eksaheradong tanong ni Mang Baldo. Hindi lamang ito ang naging tanong niya.

"May classroom ka na ba?"

"Ano ang mga kailangan mo doon?"

"May sinabi ba ang Principal sayo?"

"Oy, iha." kuha pa nito sa atensyon ko.

Paano ako makakasagot sa kanyang mga tanong kung hindi niya man lang ako binibigyan ng panahon upang sagutin ito?

"Opo." yun na lang ang naisagot ko. Sa dinami-dami ng tanong niya ay ang unang tanong lang naproseso at nasagot ko.

Kinuha niya ang kanyang teleponong hindi ko mawari kung makakapagpapadala pa at makakatanggap ng tawag o mensahe.

Siguro'y tatawagan na ang asawa.

Nang makitang matatagalan pa ito sa pag-uusap ay pumasok na lang ako sa sasakyan. Binuksan ko ang aircon pati na rin ang radyo nito. Isang musika ang tumunog. Pamilyar ang tono pati na rin ang mga liriko nito, pero hindi ko maalala kung saan ko ito huling narinig.

Ito ay para sa mga masa
Sa lahat ng nawalan ng pag-asa
Sa lahat ng aming nakasama
Sa lahat ng hirap at pagdurusa

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at pumasok si Mang Baldo, papatayin na sana ang tugtog ng sinyasan kong huwag itong patayin. Naguguluhan niya akong tinitigan. Kung ako man sa kanya ay maguguluhan din. Hindi ako mahilig sa musika at ang pakikinig sa isang kanta ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin lalo pa at nasa biyahe ako. Ngunit wala siyang nagawa kaya naman ay ang pagbuhay at ang pagmamaneho nalang ng sasakyan ang inatupag nito.

Naaalala n'yo pa ba
Binigyan namin kayo ng ligaya

"Diba ay yan yung kantang palaging pinapatutog ni Maam Anne?" tanong ni Mang Baldo.

Hindi ko siya pinansin ngunit hindi doon natapos ang lintaya niya. Marahil ay wala itong palaging kausap kaya naman ay ako nalang ang pinagbuntungan.

"Pagkatapos ng qualifying rounds para sa National Team ay yan yung palaging naririnig ko kapag pinagmamaneho ko siya papuntang paaralan."

Ilang taon na ring lumipas
Mga kulay ng mundo ay kumupas
Marami na rin ang mga pagbabago
Di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. Kung kanina ay hindi ako interesado sa kanyang salitang binitawan, ngayon ay gusto ko nang tanongin ang lahat ng nalalaman niya ng marinig ang katagang National Team. Ang topikong iyan ay hindi man lang binaggit ng aking Ina ni minsan.

"Masiglang dalaga si Ma'am Anne at talagang makikita mo ito sa kanyang mga mata. Nalaman ko ngang Medisina ang kursong kinuha niya upang makapaglaro ng matagal sa kolehiyo."

Paanong hindi ko to alam? Ang buong akala ko ay Medisina talaga ang gusto ng aking Ina? Ganoon niya ba talaga kamahal ang paglalaro non'?
Ano ba talaga ang nangyari?

"Matagal na panahon na iyon Mang Baldo, tiyak kong minahal na ng aking Ina ang pagiging doktor ngayon."

Mapapatawad mo ba ako
Kung hindi ko sinunod ang gusto mo

"Oo naman Iha, hindi ko lang talaga malilimutan ang saya ng iyong Ina kapag naglalaro ito. Ibang-iba at walang katulad, lalong-lalo na kapag hawak niya ang bola. Ngunit nawala lahat ng iyon ng hindi siya nakapasok sa National Team." nalulungkot nitong saad.

Numero SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon