CHAPTER 2- NVTA

348 136 179
                                    

Marcella's
POV

The sun's not shining yet. But here I am, sitting and not even moving. I didn't even sleep last night because of so much excitement! My hands were trembling and ready to set a volleyball. I can't seem to calm this feeling, sa unang pagkakataon ay makakapaglaro na kami sa isang Championship!

I stretched body to ease the excitement but it isn't working!

Sa sobrang excitement ay nakarating ako sa school ng wala pang estudyanteng matatanaw. Ultimong sekyu at janitor lang ang nakita ko. Early bird?

Nag-warm up at nagpractice ako ng serving, isa ito sa mga dapat kong hasain, ang kargadong serbisyo upang hindi madaling marecieve at mahihirapan ang setter ng katunggali namin sa pagseset ng bola. Wala naman akong kasama kaya ay hindi ako makapractice ng pagseset.

Dumaan ang ilang minuto ay nakarating na rin ang mga kasama ko. Ngunit ang papaluin ko na sanang bola ay naihulog ko at naningkit ang aking mga mata ng makita si Mendozang nakacast ang kaliwang kamay. Wala na. Wala na talaga!

"Anong nangyari sa kanya?!" sigaw kong tanong saka inalalayan itong makaupo sa bench.

"Sa kanya mo itanong." walang ganang saad ni Ada.

Napatingin ako ulit kay Mendoza. Wala man lang akong nakuhang sagot dito. Gusto kong magwala, gusto kong hampasin si Mendoza, sa lahat ng pagakakataon, bakit ngayon niya pa naisipang magkainjury? What on Earth is she thinking?!

"It's not like ginusto niyang mangyari yan." sagot naman ni Maxine na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

How could she say that na parang wala lang sa kanya?! My life depends on this and so is hers!

Ang tunog ng palo ng bola sa court ay dinig na dinig ko na, malamang ay nag-umpisa nang magpractice ang lahat maliban sa aming tatlo. I don't know if they did the stretching and warm up first, all I think about is the problem here right now! Wala kaming libero! It means our chance to win this championship is going down the drain!

"I tripped. I'm so sorry." paumanhin ni Mendoza. Guilt is evident in her eyes.

I should wake up. This is a dream, isn't? I pinched myself, trying to believe that all of these things are just a product of my dreams. Pero nagkakamali ako.

Pero I should'nt blame her too much. Kung meron mang taong gustong manalo sa larong ito at talagang gagawin ang lahat para manalo ay siya yun.

Syempre ikalawa ako.

Gusto kong tanggapin ang kanyang sorry. Ngunit kahit anong paumanhin nito ay parang hindi ko matanggap. Ano na lang ang mayayari sa amin? Babalik na naman ba kami sa pinakailalim? Sa pinakauna?

Natulala ako ng ilang segundo. Hindi malaman ang gagawin at hindi rin alam na ang sasabihin. Hindi ako makapaniwala na wala kaming libero ngayon. Nanghihinayang akong umupo saka napayuko.

"We can find one! Maaari tayong maghanap." napatingin ako kay Mendoza sa naging suhestiyon niya.

Wow! Parang andali namang maghanap non'!

"We don't need a libero to win this Championship." saad ni Maxine.

Nakacross ang mga kamay nito habang nakatayo, nakalugay ngunit hindi magulo ang napakahaba nitong buhok. Pwede nang imodel sa isang brand ng shampoo. Yung buhok lang hindi ko sinabing mukha.

"Kailangan natin ng isa Maxine." sabi ko naman sa kanya.

"We have one naman diba? Yan." sabay turo kay Mendoza.

Numero SingkoWhere stories live. Discover now