CHAPTER 22- Pustahan

53 4 1
                                    

Sheyn's
POV

    Winning is not what I always wanted to have. It is not what I aspire for, all I want is to play. Ganoon lang kasimple iyon para sa akin. Enjoying the thrill of playing ay siyang tumutulak sa akin para maglaro. But why is that practice game trying to get on my nerves?

    “Ganoon ba talaga sila kagaling?” hindi makapaniwalang tanong ni Marcella, napahinto nang may maisip. “I mean ganoon ba talaga kayo kagaling?” pagtatama niya sa sarili.

    Bewildered by her question, I slowly nodded my head. I might look arrogant but that is the truth. That association is the home of the greatest, the trainers there, are world class that sometimes I forgot the answer why I was there in the first place, seconded by the reason of why I left that Association also. And I know I shouldn’t forget what I witnessed.

     “Hindi naman sa nagdududa ako. I mean, I’ve seen all your moves. Nakakamangha lang talaga.

    “Pero bakit ka umalis doon at pinili ang paaralang ito?” tanong niya pa ulit, hindi naiintidihan ang ginawa ko.

    Is this the right time to tell her?

    But I shouldn't, right?

    I’m amazed na hindi niya na ako pinipwersang sabihin ang mga gusto niyang malaman. Nakakapanibago. Kung nasa normal siyang pag-iisip ay kanina niya pa ako niyugyog ng walang pakundanggan.

    “Tell me the reason why I should tell you this.” I said, testing her. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya. Kung tiwala lang naman ang pag-uusapan ay hindi na dapat iyon itinatanong pa sa kanya dahil palaging nasa likod ko itong Marcella kahit na ano man ang nangyayari. Nakonsensya tuloy ako.

    I still don’t know the reason why is she asking me these questions. But to tell her the whole story would change her perspectives. Changing her perspectives is not what I fear for, ang kahihinatnan ang kinatatakutan ko.

    “Kailangan pa ba ng rason para sabihin mo sa akin ang mga alam mo tungkol doon? Can’t you just tell me?” naiinis niyang pahayag, glaring at me.

    Swallowing hard, I tried to remember the past while trying to make it simpler to make it short but concise. Pero ang hirap dahil baka mapahamak ang isang ito. Gaano man ako naiinis sa kaniya minsan ay kaibigan ko pa naman rin siya.
Bahala na nga. Siya naman ang may gustong malaman ang lahat, hindi ko naman siya pinilit kaya wala akong magiging kasalanan kung ano man ang mangyari. At saka isang linggo na lang at maglalaro na kami ng opisyal na laro, kailangan niya naman sigurong malaman, kahit ilang detalye lang.

    “You see, the NVTA is not under the government as what the articles are saying.” Pagsisimula ko, naguguluhan sa sarili kung saan ba talaga mag-uumpisa.

    Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain habang hinihintay ang mga kasama namin, ngunit walang kasiguraduhan kung pupunta ba ang mga iyon o hindi. Judging by the time ay hindi na siguro. Walang klase mamaya kaya baka mayroon ng mga lakad ang mga ito. Masyadong maraming lakad ang mga teammates ko at mga mamahalin naman ang mga ito pero hindi ko lang talaga naiintindihan kung bakit kailangan nilang gamitin ng ganoon lang ang kanilang pera sapagkat ay maraming taong halos magkanda-kuba na para makahanap lang ng mga ito upang may maitustos sa pang-araw araw na pamumuhay. At isa na ang pamilya namin doon.

    “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong, nakakunot na ang noo. But in a split second her face lit up.

    “Ah!" snapping her fingers. "Kaya pala sinabi mo sa aking prestihisyoso iyon. Ang buong akala ko ay prestihisyoso dahil ang gobyerno lang may alam at nagrerecruit ng mga trainees.” Parang naiintidihan na ngunit hindi pa rin maayos ang mga detalye.

Numero SingkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon